Chapter 18

1.4K 39 0
                                    

Ngayon araw ang balak kong magpropose kay Andy kaya bumili na ako ng singsing dahil ito ang pinaka importanteng bagay kaya hindi siya pwedeng makalimutan.

"Yes, Miggy?" Bigla na lang kaai tumawag sa akin si Miggy.

"You have to come here. There is an emergency."

"What kind of emergency?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ng assistant ko.

"Someone stole half a million US dollor, sir."

"What?! Okay, I'm on my way."

Nang nakarating na ako sa kumpanya ko para alamin kung sino ang nagnakaw ng pera.

"Sir, we lost some investors after they heard what happened to our money. They don't trust us anymore."

"We have to find who's behind of this."

Pumunta na ako sa security camera room para alamin kung sino ang nasa likod nito. Kinausap ko ang mga nagbabantay na tingnan nila pero wala niisang tao ang nakita sa CCTV. Tsk. Isa siyang magaling.

"Hello, Luke."

"Musta? Nabalitaan ko ang nangyari. May footage ka bang nakita kung sino may gawa?"

"Wala, eh. Magaling ang gumawa nito, Luke. Alam niya kung saan nakatago ang pera ng kumpanya."

"Sa tingin ko hindi taga labas ang gumawa nito, Nathan. Isa sa mga empleyado mo ang may gawa nito."

"Bakit naman? Wala naman akong ginawang mali sa kanila para gawin nila sa akin ito."

"Magkakaroon tayo ng meeting mamayang lunch. Lahat na empleyado mo kailangan pumunta. Kung sino ang hindi magpakita sa function hall ay tanggal na sa posisyon niya kahit ang mga manager sa lahat na department."

"Okay. Sasabihin ko sila na magkakaroon ng meeting mamayang lunch."

Pumunta na ako sa third floor para sabihin sa ibang empleyado ko na magkakaroon ng meeting mamaya kaya kailangan nilang pumunta sa function hall. Katulad ng sinabi ni Luke ay kailangan lahat sila ay nandoon or else they are fired.

Nandito na ang lahat na empleyado ng kumpanya ko.

Nagagalit na nga si Luke dahil wala sa kanila ang nagsasalita.

Andy's POV

Ang dami ko ngang nadownload na movies sa laptop ni Nathan para hindi ako mabagot sa kakahintay paguwi ng asawa ko. Pero pinause ko noong may tumatawag sa akin.

"Hello?" Inis na ang boses ko dahil isturbo sa panonood ko.

"Wife." Nawala ang inis ko noong marinig ko ang boses ni Nathan. "Uuwi ako bago mag-dinner dahil kakain tayo sa labas."

"Ano meron?"

"Date tayo. Maybe this is will be our 2nd date."

"Okay." Tiningnan ko na yung oras at malapit na pala mag dinner. "Asikaso na ako para paguwi mo ay tapos na ako."

"Okay. I love you."

"I love you too."

Pagkatapos ko magpalit ay tinutuloy ko na ang pinapanood ko habang hinihintay ang paguwi ni Nathan.

"Wife, I'm home." Sinarado ko na yung laptop pagkarinig ko sa boses ni Nathan kaya bumaba na rin ako agad.

"Tara na. Gugutom na rin kasi ako."

"Sorry kung malayo ang pupuntahan natin ngayon kaya binilihan na kita ng burrito mo." Inabot niya sa akin ang isang burrito. Alam talaga ni Nathan na gusto kong kumain nito. Palagi ko kasi siya tinatawagan para dalhan ako ng burrito tapos si mr. Assistant ang nagpapadeliver sa bahay.

Habang nasa biyahe ay kumakain ako ng burrito hanggang sa nakarating na kami sa isang restaurant. Teka, ito yung kinakainnan namin noong honeymoon namin.

"Bakit tayo nandito?" Takang tanong ko. Ang layo kasi nito sa bahay namin at hindi ko man lang napansin na dito pala kami pupunta kasi naman nasasarapan ako sa burrito.

"Dito tayo magdedate."

"Pero ito yung lugar kung saan ako naglilihi noon sa unang anak natin, Nathan." Yumuko ako dahil naiiyak na naman ako pag naalala ko ang nangyari sa anak namin ni Nathan noon.

"Shit. Sorry. Pero memorable sa akin ang restaurant na ito. Dahil dito ay masaya akong kasama ka."

Tumango ako kasi gusto ko rin kumain rito kahit masakit sa tuwing naalala ko yun. Titiisin ko na lang.

Nang nakaupo na kami ay pakiramdam ko naglilihi ulit ako sa pagkain nila. Ano ba meron sa pagkain nila at nakakaramdam ako ng craving?

"Wife, hindi ka nagsasawang mahalin ang katulad ko? Kasi ako hindi dahil binago mo ko."

"Bakit mo maman tinatanong ang tungkol diyan? Hindi kita pagsasawaan, Nathan at magkakaroon na tayo ng anak tapos magiisip ka pa ng ganyan."

"Sorry pero alam mo naman na takot akong maiwanam ulit."

"Hindi mangyayari iyan. Ikaw ang lalaking minahal ko maliban kay papa." Ngumiti si Nathan sa akin at sakto ang dating ng mga inorder namin. Nakakatakam talaga ang pagkain nila.

"Mukhang naglilihi ka ulit rito ah." Natatawang sabi niya habang kumakain.

"Oo nga, eh. Pagkakita ko sa menu nila ay nakaramdaman na ako ng pagtatakam sa pagkain."

"Kain ka lang, wife. Marami akong inorder baka gusto mo ang kumain ulit rito."

"Pinapataba mo na ako nito."

"Ayaw ko kasi na may kaagaw sayo."

"Sino naman? Wala maman akong kaibigan na lalaki o naging boyfriend. Ikaw kaya ang unang lalaki ko."

"Dapat lang, wife dahil handa akong pumatay ng karibal." Napalunok ako sa sinabi niya. Oo nga pala isa silang mafia kaya handa silang pumatay.

Pagkatapos namin kumain ay nabusog ako dahil ang dami kong kinain.

Baby, sobrang takaw mo ah. Baka tumaba si mommy sa dami nating kinain ngayon.

"Nabusog ka ba, wife?"

"Sobrang busog nga ako dahil sobrang takaw ng anak mo." Narinig ko ang pagtawa ni Nathan. Pinagtawanan ako. Hmph!

"Wait lang ah." Tumango ako sa kanya kahit wala akong alam kung bakit at tumayo na rin siya.

Napasinghap ako noong lumuhod siya sa harapan ko.

"N-Nathan? Bakit ka nakaluhod? Tumayo ka diyan. Ang daming tao nakatingin sa atin."

"Hayaan mo na sila." May nilabas na isang bagay si Nathan mula sa bulsa ng pantalon niya. Isang singsing?! Oh gosh! Tama ba itong iniisip ko? "Andrea, I know we don't like each other noong first encounter natin. Ayaw ko sa ugali mong pagiging bossy pero nasanay na rin akong ganoon ka. I never ask you a question but marry me once again."

Maiyak iyak ako dahil magpropose si Nathan sa akin. Kaya pala dito niya ako dinala ngayong gabi.

"Y-Yes, I will marry you." Sabi ko sabay tumatango pa ako sa kanya kaya sinuot na sa aking daliri ang singsing.

"Thank you, wife." Tumayo na siya. Hinawakan ni Nathan ang magkabilaang pisngi ko saka hinalikan sa labi.

Masaya ako ngayong gabi dahil nadagdagan na naman ang memorable moment namin ni Nathan na magkasama.

~~~

Please support FALL IN LOVE WITH ME my other story o kung gusto niyo basahin rin ang iba ayos lang. :)

-Skye

Comment and press ☆ to vote

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon