Chapter 6

1.4K 45 0
                                    

Nang tawagan ko si papa para alamin ang sinabi ni Nathan ay hindi ako makapaniwalang totoo nga.

Pagkatapos kong kausapin si papa ay nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang umiiyak. Iniisip ko na sana hindi na lang ito totoo.

"Naniniwala ka na sa sinasabi ko?" Hindi ko siya pinansin pero naramdaman ko ang pagupo niya sa tabi ko. "Tahan na. Kahit ayaw ko sa katulad mo ay nagaalala na rin ako sayo."

"Bakit, Nathan?"

"Anong bakit?" Sumalubong ang kilay nito.

"Bakit ka pumayag?"

Imbes na sagutin niya ako ay bumuntong hininga na lang siya.

"Iyan ang hindi ko masasagot." Sagot niya pero hindi naman siya nakatingin sa akin.

Bakit biglang bumait si Nathan sa akin?

"If you know me as a playboy, tama ka ng iniisip." Kumunot naman ang noo ko. Wala naman akong pakialam kung isa pa siyang babaero o hindi, eh. At nakita ko na siyang tumayo. "Get ready. Dahil kakain na tayo."

"Saan tayo kakain?"

"I don't know yet. Kung saan masarap. I can't cook for you dahil wala naman tayo sa bahay."

"No thanks. Baka lagyan mo lang ng lason."

"Don't judge people by its cover." Sabi niya at lumabas na sa kwarto kaya sinundan ko siya.

Mukhang mabait naman talaga si Nathan dahil sa nakikita ko ay wala naman problema sa mga empleyado niya. Ako lang talaga ang masungit sa ibang tao.

Habang maglalakad ay pinilit kong hawakan ang kamay niya.

"Gusto mo pala hawakan ang kamay ko." Ngumisi ito habang naglalakad.

"Kung ayaw mo, huwag mo!" Inalis ko na ang pagkahawak sa kamay niya. Naiinis na naman ako sa kanya.

"No, it's fine if you want to hold my hand." Siya na ngayon ang humahamak sa kamay ko.

Nang nakarating na kami sa isang restaurant sa malapit lang kung saan ang hotel namin. Umorder na rin si Nathan ng makakain namin.

"So, why you didn't tell me."

"Na ano?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Tungkol sa pagdadalang tao mo." Namilog ang mga mata ko kaya yumuko na lang ako at kagat labi. May alam ba siya? Paano niya nalaman? "Nakita ng papa mo na may PT sa banyo niyo kaya tinawagan niya ako."

Mas kinagulat ko na alam rin pala ni papa ang tungkol dito.

"Wala naman akong balak patagalin ang bata sa sinapupunan ko."

"At may balak kang ipalaglag ang bata na hindi ko alam. Paano kung sabihin sayo na hindi ako papayag sa gawin mong iyan?"

"Pero ang sabi mo kanina na ayaw mo magkaroon ng anak sa akin."

"Totoo iyon pero kung nandiyan na rin naman ang bata ay pananagutan ko talaga."

Bakit ba ako umaasa na pati rin ako ay pananagutan niya? Yung bata lang, Andy at hindi ikaw.

Mabuti na lang ay dumating na yung inorder kaya kumain na ako ng marami. Hindi ko na nga pinapansin si Nathan.

"Ang takaw mo pala." Natatawang sabi nitong kasama ko.

"Baliw ka ba? Dalawa kami kumakain."

"Grabe ka pala maglihi. At saka wala naman mangaagaw sayo ng pagkain."

"Ikaw. Baka agawan mo ko."

"No, I'm fine with this."

"Baka magutom ka. Ayaw ko pa naman alagaan ka pag nagkasakit ka."

Hindi kasi ako marunong magalaga ng may sakit.

"Thank you for the concern but I'm fine." Ngumiti siya sa akin. Bakit ba ang gwapo ng lalaking ito lalo na ngumingiti. Kaya siguro maraming babae ang humahabol sa lalaking ito.

"Babaero ka, Nathan kaya maraming babae ang magkakagusto sayo at marami ka ring babaeng kasama pero ngayon may asawa ka na."

"No worries, nangako ako sa papa mo kaya ayaw kong sirain ang tiwala niya sa akin at aalagaan rin kita."

"Kailan mo nalaman buntis ako?"

"Before the wedding, I think two days ago." Tumango tango ako sa kanya.

"Sinadya mo ba na may mangyari sa atin? Kinuha ang iniingatan ko?"

"To be honest, no." Sabi nito sabay subo ng pagkain. "Ginustokorinnamanito."

Ano daw?

"Don't talk when your mouth is full." Sabi ko kaya nilunok na niya ang kinakain.

"Sorry. Ang sabi ko lang naman ay ginusto ko rin naman ito. Kung ano ang nangyari sa atin."

"Ilang babae na ang kinama mo?"

"Hm..." Nagiisip pa talaga siya. Siguro sobrang dami na kaya hindi na niya mabilang. "Believe it or not wala pa akong kinama na kahit sino maliban sayo. Hanggang make out lang ako sa mga babae."

Maniwala. Babaero ang lalaking ito kaya imposibleng wala siyang kinamang babae bago ako.

Pagkabalik namin sa hotel room ay umupo na muna ako sa sofa para makapanood ng tv.

"Kung gusto mo maligo ay mauna ka na sa banyo." Tiningnan ko siya kaya tumayo na ako sa pagkaupo para kumuha ng damit na pangpalit bago pumasok sa banyo.

Habang naliligo ako ay nagulat akong pumasok si Nathan.

"Hoy! Bakit ka pumasok? Nakikita mo namang naliligo ako."

Bakit kasi hindi mo nilock ang pinto, Andy? Tsk.

"I know pero naiihi na ako."

"Bastos mo!" Hinila ko na yung harang sa shower room.

"Arte mo. May nangyari na nga sa atin lahat lahat."

"Manihimik ka! Manyak!" Narinig ko ang pagtawa niya kahit nga ang pag-flush at pagsara na rin ng pinto. Lumabas na siguro si Nathan.

Pagkatapos kong maligo ay pinapatuyo ko na ang buhok ko gamit ang tuwalya pero kinuha niya sa akin ang tuwalya.

"Umupo ka sa kama." Utos niya sa akin. Ang kapal ng mukha para utusan ako pero sumunod naman ako sa kanya. Siya ang nagpapatuyo ng buhok ko. "Pumunta ka na sa OB?"

"Hindi. Sabi ko nga sayo ay wala talaga akong balak patagalin yung bata sa sinapupunan ko."

"Okay. Pagbalik natin ay pupunta tayo sa OB para magpacheck up ka."

"Tayo? Bakit kailangan kasama ka pa?"

"Anong masama? Ako ang ama niyang dinadala mo."

"Oo nga pero ang sabi mo sa akin ay wala nakakaalam ang tungkol sa kasal na ito maliban kila mr. Jackson at mr. Marcello dahil narinig niya ang pinagusapan niyo si papa noon."

"Bahala na kung may makakita pa sa atin. Kahit pagalitan pa ako ni mama pag nalaman niya ang totoo." Sabi niya habang sinusuklayan ang buhok ko.

"Mukhang sanay ka magsuklay ng buhok ng babae ah."

"Hindi. Ngayon ko lang ito ginawa dahil wala naman akong kapatid na babae. Pareho kaming lalaki ng kapatid ko."

"Sino ang mas matanda sa inyo ng kapatid mo? Siya o ikaw?"

"Si Ethan. Mas matanda siya sa akin ng limang taon." Napatingin ako sa kanya nang huminto na siya sa pagsusuklay. "May tanong ka pa? Kung wala na ay maliligo na ako at matulog ka na."

"Okay." Tumayo na siya kaya humiga na ako sa kama para matulog.

~~~~

Ang sweet ni Nathan. Haha

-Skye

Comment and press ☆ to vote.

Hate At First SightWhere stories live. Discover now