Chapter 4

1.7K 47 0
                                    

Andy's POV

"Pa, I hate him. I really hate him!" Pagmumuktol ko kay papa dahil gumagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal na gusto niyang mangyari. Wala na akong magawa na ibang paraan kaya inisiraan ko na lang si Nathan kay papa.

"Who?" Kumunot naman ang noo ni papa habang nakatingin sa akin. Umiinom siya ng kape habang nagbabasa ng dyaryo kanina.

"Who else? Nathaniel Andrada."

"Bakit naman? Mabait na bata si mr. Andrada, Andy."

At talagang botong boto si papa sa lalaking iyon. Mukha naman ayaw niya rin sa akin, eh. Dalawang taon na rin akong ganito, simulang dumating ang Nathan na iyan ay naging ganito na ang buhay ko.

"Akala niyo lang mabait pero hindi niyo pa siya ganoon kilala."

"Naku, Andy. Kung nabubuhay ang mama mo baka binatukan ka na lang noon sobrang oa mo." Nananamik na lang ako pag pinasok na ni papa si mama sa usapan namin. Hindi naman literal na kasalanan ko ang pagkamatay ni mama dahil habang pinapanganak ako ay namatay si mama. That's why I hate my birthday dahil death anniversary rin ni mama iyon. Hindi ko rin magawang mag-celebrate ng birthday at alam ni papa iyon. Tumanda ako ng ganito na hindi ko pa naranasan ang debut.

Kilala rin akong masungit, mainitin ang ulo at bossy. Tama naman ang pagkakilala nila sa akin dahil ganoon talaga ako. Si Nathan lang ang hindi ko magawang utusan dahil sobrang tigas ng ulo niya at palagi kumukulo ang dugo ko sa tuwing kasama ko siya pero wala rin ako magagawa dahil gusto ni papa na makilala ko daw siya ng maigi. Inamin naman sa akin ni Nathan noong isang araw na mafia siya, inaamin ko natakot ako baka onting mali ko lang ay mapatay niya ako pero sinabi ko ka lang sa kanya na hindi ako natatakot dahil sigurado akong pagtatawanan lang niya ako kung sinabi ko sa kanya ang totoo.

"Pa, please. Ayaw ko makasama sa isang bubong ang lalaking iyon." Nilagay na ni manang yung gatas sa tabi ko. Alam kasi ni manang na gusto ko ang gatas kaya ito ang tinimpla niya. "Thank you, manang."

Ibang iba ang ugali ko sa bahay kaysa sa trabaho dahil nirerespeto ko si manang kasi siya na ang nagalaga sa akin simulang baby pa lang ako kaya kilalang kilala na niya ako.

"No, that's my final decision." Nakita kong tumayo na si papa. Papasok na siguro siya.

Nang umalis na si papa ay bumuntong hininga na lang ako.

"Ano na lang ang gagawin ko ngayon?" Tanong ko sa aking sarili.

"Kung ako sayo, hija ay pumayag ka na sa kagustuhan ng iyong papa dahil hindi na rin siya bumabata para alagaan ka niya."

"Pero manang hindi ko po talaga siya gusto."

"Kahit hindi ko pa siya nakilala ay mas mabuti pa ngang kilalanin mo siya ng mabuti."

"Ayaw ko rin po magpakasal sa hindi ko naman mahal." Pailing iling pa ako ng ulo.

"Hindi ka na rin bumabata, hija. You're already 23 years old."

Maya maya pa ay pumunta na ako ngayon sa opisina ni Nathan dahil ito ang ginagawa ko araw-araw at hindi na rin ako pinipigilan ng assistant niya. Natakot siguro noong sinabi kong tatanggalan ko siya ng trabaho.

"Ms. Valdez?!" Halatang nagulat siya pagkakita sa akin. Hindi pala niya ako nakitang dumating. Tsk.

"What?" Sumalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"You are not allowed to enter inside of sir Nathan's office while he has a---" Hindi na siya pinansin dahil tuloy tuloy na ako sa paglalakad at wala ng katok katok dahil alam naman ni Nathan palagi ako pumupunta sa kanya. Pagkabukas ko ay laking gulat sa aking nakita, may babaeng nakaupo sa kandungan niya habang kahalikan. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ba may kirot sa puso ko?! Kaya iniwanan ko na lang sila. Bahala sila!

Hate At First SightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ