Chapter 12 : So alone

2.4K 50 7
                                    

Rexer POV

"Cassandra, pumasok ka na sa kotse. And wait hanggang sa bumalik ako." Utos ko sabay balik sa loob ng mansion. Kahit hindi kami ganoon kalapit ni Cassandra. I feel sorry for her dahil sa ginawa sa kanya ni Courtney. I really don't know her that much pero hindi ko magawang magalit. It's kinda strange.

Dinatnan ko si Courtney at tita Alicia na nag-uusap sa may veranda. Nilapitan ko sila. Kung titignan mo si tita, blangko pa rin siya about sa nangyari kanina.  "Tita, I'm so sorry for Cassandra's action. It's my fault. Dapat hindi ko na lang siya pinakiusapan to come with me." paliwanag ko at pag-hingi ng tawad.

"Iho, I'm fine." matipid nitong tugon.

Sa kabilang banda, nanginginig at palakad lakad si Courtney. Halatang galit pa rin kay Cassandra. "Sino ba kasi ang babaeng 'yun? Bakit siya nasa condo mo?" tanong ni Courtney na halatang nagpipigil na magalit sa akin.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang braso. "Babe, she's my new maid." sagot ko sabay yakap sa kanya.

I want her to feel my sympathy. I know her, kapag nagalit talagang hindi titigil. Pero with my love, kakalma rin siya. "Wow, saang squatters area mo ba kasi nadampot ang babaeng 'yun?" tanong niya sabay tanggal sa yakap ko. "Okay lang sana kung ako ang awayin niya. I can fight with that slu*, pero huwag niyang idamay si Mommy na walang laban."

"Baby, don't mind her. I'm okay. Ang hindi ko lang maisip kung ano ba ang nagawa ko sa kanya. I saw the anger in her eyes." awat ni Tita sa anak.

Bigla ko tuloy naalala ang reaksyon ni Cassandra nung moment na makasalubong namin si tita sa elevator. Her reaction was the same. Tila may malaking kasalanan si tita na kailangan niyang pag-bayaran. "Tita, I really don't know her reason. Inerekomenda lang siya sa akin ni Mica. Actually mabait si Cassandra kahit medyo kakaiba ang kilos at pananalita niya." sabi ko.

"Wow, honey saan banda mo nakita ang kabaitan sa babaeng 'yun!" singit na sabi ni Courtney. 

Biglang nag-bago ang facial expression ni Tita Alicia. Mukhang may nasabi akong nagpagulat sa kanya. "What's wrong?"

"It's impossible! May kakilala ako at kapangalan pa niya but that was 27 years ago  nang huli ko itong nakita." Pinaglapat niya ang dalawang palad na tila nagdarasal. 

Tama! hindi maaari na si Cassandra ang babaeng tinutukoy ni tita Alicia. 27 years! For real!

"Mommy, she look so young to be the girl in your past." sabi ni Courtney at umupo sa tabi ni tita.

"I know, kaya nga wala akong maisip na pagkakatagpo namin ng babaeng 'yun." sambit ni tita.

"Mommy, let me handle this. I will call Atty. Soriano para maipakulong natin ang Cassandra na iyon. Tignan natin kung may tapang pa siyang ilalabas." Galit na galit na sabi ni Courtney na halos basagin na ang lamesang gawa sa salamin.

Hinawakan ni Tita si Courtney sa kamay. "No, baby. I'm okay so let's forget na lang ang nangyari kanina. Pinalaki kita na may takot sa diyos kaya please, learn to forgive." Niyakap niya ang anak na tila nag-calm down na dahil sa narinig.

Thank god! Nalagpasan ko na ang problema ko with them.

"Tita thank you so much. Pagsasabihan ko na lang si Cassandra mamaya." nakangiti kong sabi.

"Honey, I think iwan mo muna kami ni Mommy. She need to rest. Magkita na lang tayo sa resto bukas." paki-usap ni Courtney.

"Okay, I love you." binigyan ko siya ng halik sa pisngi.

"I love you more." sabay ganti ng halik sa labi.

I feel her love for me. So my only problem is Cassandra. Kailangan kong mapag-sabihan ang babaeng 'yun. Kaya nagpaalam na ako at bumalik sa labas. Habang palapit pa lang ako sa aking kotse. Nagtaka ako sa aking nadatnan. Bukas ang pinto at wala si Cassandra sa loob.

Where is she?

Cassandra POV

Bakit ako makikinig at magpapaliwanag pa kay Rexer? sa tingin ko nagawa ko na ang aking part. Kaya I need to go. Bumaba ako ng kotse at nagsimulang maglakad paalis.

Alam kong kakampihan niya si Courtney. Mauuwi rin naman sa pagpapaalis ang gagawin ni Rexer mamaya, kaya uunahan ko siya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong ibang kakilala kundi si Mica. 

Kung pupuntahan ko naman siya. I know sasabihin niya kay Rexer kung nasaan ako. Mabuti pang maglakad lakad na lang at mag relax. Actually mukha akong gusgusing bata na hindi alam kung saan lupalop ng mundo hahanapin ang tahanan.

Lord, ano ba ang reason mo? 

Lord, why me?

Lord, hindi pa puwedeng si Alicia the witch na lang?

Kainis, I miss na my home, my life and my love.

Ramon, where are you?

Kahit isigaw ko pa at tanungin si Lord gamit ang isip ko. Alam kong wala itong magagawa ngayon upang makabalik ako sa year 1987. Sa kakaisip hindi ko na malayan na nakarating ako sa isang simbahan.  But wait ito ang chuch kung saan dapat ako ikakasal. 

Lord, dinala mo ba talaga ako dito para mafeel ang pag ka lonely ko?

Daya mo ah!

Mag-gagabi na kaya pumasok ako sa simbahan. Baka puwedeng makitulog sa loob. Diba bahay ito ni Lord? So free to all! Habang naglalakad ako palapit sa altar naiimagine ko na nakasuot ako ng wedding gown at nag-hihintay si Ramon sa harap. Nakasuot siya ng barong at buong ngiti akong sasalubungin. 

Puno daw ng paborito kong bulaklak ang simbahan tapos nag-papalak pakan ang mga bisita ko na puro sikat na artista. Nagliliwanag ang paligid dahil sa ilaw ng mga camera na walang humpay sa pagkuha ng pictures. Nakarating na raw ako sa altar at hinawakan ni Ramon ang aking kamay. Agad ko siyang binigyan ng matamis at halik na puno ng pagmamahal. Damang dama ko ang init nito Biglang natigil ang drama ko ng gising, naglaho ang lahat ng magagandang bagay pero may naiwan na isa. 

Kailan pa na hawakan ang guni- guni?

Kailan din nahahalikan ito?

Aba, pati ba naman dream high tech!

Kaya napaatras ako at inalis ang labi sa kahalikan. 

Natigilan ako ng makarinig ng boses mula dito. "Are you okay?"

Lord, si Ramon ko ba ito?

Hindi kaya totoong tao ang kaharap ko at hindi panaginip.

Lord, hinanap ba niya ako at nalaman niyang nasa hinaharap ako? 

Sa sobrang gulo ng isip, nakaramdam ako ng panghihina at nawalan ng malay. "Wake up!" huli kong narinig.

Love from 80'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon