Chapter 22 : Blast From My Past

2.3K 58 38
                                    

Cassandra's POV

Gustong-gusto ko man na magpakilala kay Sofia, natatakot ako na magmukhang baliw sa mata ng lahat. Sino ba naman kasi ang maniniwala na galing ako sa past? Hindi ito kuwento sa isang pelikula, buhay ko na ito at I need to be careful.

"Joke lang po." pagbawi ko sa una kong sinabi. Mahabang paliwanagan pa kasi kung nagkataon. Baka hanapan pa ako ng pruweba ni Sofia. Alam niyo naman yun, imbestigdor.

Sumilip ang ngiti sa mukha niya. Animo ay nabunutan ng malaking tinik sa kanyang dibdib.

"You silly lady! I thought anak ka nga ni Cassandra. Buti nalang at hindi dahil kung nagkataon, may bahid ka ng dugo ng isang traydor at magnanakaw." Biglang nagbago ang dating ng pananalita niya. Akala mo ay kriminal ang tinutukoy na tao.

Ano daw?

Traydor at magnanakaw si Cassandra? Este ako? Bakit?

Tumayo ako dahil sa gulat. "Ano ang ibig sabihin mo? Traydor si Cassandra? Ano ang nagawa ko sa iyo este nagawa niya, for you to call her like that?" Puro tanong ang lumabas sa bibig ko.

I need answer!

"You look so interested. Hindi mo naman siya kilala." nagsisimula na ang pagiging imbestigadora niya.

"Oo, hindi ko siya kilala pero gusto kong malaman kung bakit isa siyang traydor. Siyempre ayoko naman na may kamukha akong bad person. Malay natin makasalubong ko siya one day." Pinigilan ko ang sarili at muling umupo sa silya.

"Tama ka naman. Dahil asawa ka naman ni Rexer na aking inaanak, sasabihin ko sa iyo ang story about Cassandra. Pero bago ang lahat, Mica pwede bang ibili mo muna ako ng coffee sa Starbucks. Alam mo na ang favorite ko ha." Kinuha ni Sofia ang isang card sa bag niya at iniabot kay Mica.

Agad namang sinunod ng bakla si Sofia.

Naiwan nalang kaming dalawa sa dressing room. Buti na lang at si Rexer ay wala pa galing sa pinuntahan niya. Mafofocus ako sa mga ikukuwento ni Fia.

I used to call her Fia...as in Pia but F.

"So ano na nga po ang nangyari?" Tutok ako sa kanya para if ever na may marinig akong bad... Sampalin ko na.

Nag-crosslegs si Fia. "Me and Cassandra used to be best of friends. Nagkakilala kami noon sa trabaho, showbiz to be exact. Maraming masasayang bagay kaming pinagsamahan, ginawang kalokohan at iba pa. Akala ko noon isa siyang tunay na kaibigan. Pero sinira niya ang buhay ko. Sa araw ng kasal niya, bigla siyang nawala. Walang makapagsabi kung saan siya pumunta. Bilang friend nag-alala ako ng sobra pero naging galit ang naramdaman ko ng araw din na iyon. My greatest love Danilo Suarez is missing also. Nakatanggap na lang ako ng isang sulat after two days. Nakasaad sa sulat na nagpakalayo-layo na sila ni Cassandra at hindi na babalik pang muli. Halos isumpa ko silang dalawa. Hinanap namin sila sa buong Pilipinas at muntik na sa buong mundo. Pero magaling sila magtago. Bukod sa niloko ako ng bestfriend ko at mahal ko. Tinangay ni Danilo ang akung pera." Mahabang pagkukuwento ni Fia. Kitang-kita sa mata niya na may pinaghuhugutan siyang poot.

Gustong magwala ng puso ko sa mga sandaling nagsasalita si Fia. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang kanyang sinasabi. Minarapat ko munang tumahimik.

"For almost thirty years, I spent my life looking for them or maybe waiting. My only wish is to see Cassandra bago man lang ako kunin ni lord. I want to ask her two things. First is how are you? And the second is....Please tell me na hindi mo sinira ang friendship natin diba?" Kasabay nito ang pagtulo ng luha ni Fia.

Tagos sa puso ang sinabi niya.

Hinawakan ko siya sa kamay habang hindi ko na rin napigilan ang pagluha. "I'm okay....hindi ko kailan man sisirain ang friendship natin." I give her a big hug.

Love from 80'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon