Chapter 26 : My futureself

2.2K 49 14
                                    

Cassandra's POV

She is joking right?

Tama ba ang narinig ko? Siya daw ay ako?

Mula sa kinauupuan ko ngayon kitang -kita ko ang buong anyo ni Monster V. Jusko wala man lang kaming pagkakahawig pero we have the same tattoo.

Animo ay isang tambutso ang bibig niya dahil sa paghit-hitbuga ng kanyang sigarilyo. Doon palang magka-iba na kami. I don't smoke!

"I know what you are thinking. Iniisip mo ngayon na baliw ako. Call me everything what you want. But  believe me. I'm  futureself kung hindi kita iniligtas sa plano ni Ramon at Victoria," Paliwanag niya.

Aba, ano ang sinasabi niyang plano?

"To tell you honestly, sa mga pinagdaanan ko ngayon dito sa panahong ito lahat ng imposible ay nagiging posible. If ikaw nga talaga ako, what happened? Please tell me," I really need to know everything.

"Year 1987, sa araw na akala ko ay magiging pinaka-masaya kong sandali. My life suddenly break into pieces. My world was destroyed together with my heart. Ang dalawang tao na pinagkatiwalaan ko ng buo ay siya palang sisira sa akin ng buong-buo. Victoria and Ramon planned to kill me," naginginig sa galit niyang sabi. Damang-dama ko sa kanyang boses ang galit at poot.

No way! Hindi nila magagawa sa akin iyon. Victoria is my bestfriend and I treat her as my sister. At lalong hindi makakaya ni Ramon na patayin ako. He loves me...and..I'm so sure with that.

"You are a liar. Sa sobrang sama mo sa tingin mo maniniwala pa ako sa iyong kasinungalingan. They love me very much at iyon ang alam ko," I don't know why but I started to cry.

Muling humalakhak si Monster V na parang kontrabida sa pelikula. "They love you? Grabe naman sila magmahal...masakit at nakamamatay. On my way sa wedding ko pinakid-nap nila ako at pinahirapan. I was raped multiple times by different men. Nung mga oras na iyon hiniling ko sa diyos na kunin na niya ako. I want to die and I beg them to kill me. Pero mga wala silang kaluluwa dahil after all of the tortures and pains, sinunog nila ako ng buhay. Mas lalo kong nadama ang sakit na ginawa nila sa akin. Sa bawat paggapang ng apoy sa katawan ko nanuot ang sakit pero mas masakit ang nadama ng aking puso. I was betrayed by the people I cherish the most," paliwanag niya na kahit puno ng galit, wala ng luha ang lumabas sa kanyang mata. Tila manhid na siya sa kahit anong form ng pain.

Kahit hindi ko alam kung totoo ang lahat ng sinasabi niya, bumuhos ang luha ko. I suddenly felt her pain.

Paano kung totoo ang sinasabi niya?

"Hindi nila kaya gawin sa akin iyan. If you really telling the truth, prove it to me!" hamon ko but deep inside I'm so scared dahil sa katotohanan na maaaring lumabas.

Naglakad palapit si Monster V sa akin. Mula sa kanyang bulsa inilabas niya ang isang maliit na kahon. At ipinatong niya ito sa lamesa sa aming harapan.

"Buksan mo ang kahon na iyan kung naniniwala ka sa akin. Iyan ang makakasagot sa mga katanungan mo," kinalagan niya ako sa pagkakagpos sa silya. "If you don't believe me, you can go now," Muling umupo si Monster V at kinuha ang sigarilyo niya sa ashtray.

Pagkakataon ko ng tumakas pero pinipigilan ng puso ko ang aking isip. Tila may bumubulong sa aking puso na buksn ang kahon pero ang isip ko naman ay naniniwala na mabuting tao sina Victoria at Ramon.

"Bakit mo ako pinakawalan? Alam mo namang tatakas ako at hindi magtatagumpay ang pagpapatapon mo sa akin sa panahong gusto mo," tumayo ako sa pagkaka-upo at tinignan ang pinto para lumabas sa silid.

"Umalis ka na kung gusto mo. Pero alam ko na nagdadalawang -isip ka. Wala mang bakas na natitira sa akin na pagkakapareho natin pero ang alam ko lang ay gusto kong mabago ang masamang tadhana natin."

Love from 80'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon