Chapter 10 : Say Sorry

2.4K 59 7
                                    

Cassandra POV

Aba, para akong isang bayarang babae. Iniwan ako ni Rexer after niyang pagsamantalahan.

Pagsamantalahan nga ba? I'm not so sure. Wala naman kasi akong nafeel na something strange sa aking katawan. Nagisingan ko lang na yakap ako ni Rexer at tanging isang pirasong tela lang ang nakatakip sa ibon niya.

Syempre nakakatakot diba? Virgin kaya ako! Sa mga pelikulang nakagawa ko ganun ang eksena kapag rape scene. So naghesterical ako.

Ang malaking tanong sa akin ngayon ay kung sino ang not so pretty girl na hinabol niya. Maybe she is Rexer's girlfriend then nahuli niya kami sa malaswang eksenahan.

Naku naman oh! 

Nakaupo ako sa kama ni Rexer at nakatapis ng kumot na kulay red. Ang arte ko lang, nakadamit naman ako.  Habang kinakausap ko ang aking sarili, napansin ko ang isang monster na nakatayo sa pinto. May nanlilisik itong mga mata na nakatingin sa inosente kong mukha. Tila kakain ng buhay na tao ang hitsura ni Rexer.

Sa sobrang takot napakagat labi ako at medyo nanginginig na. "Ano ba ang totoong nangyari?" mahinhin kong tanong sa kanya. Hindi muna ako sumigaw at baka makatay niya ako ng buhay.

Dahan dahang lumapit si Rexer habang hawak ang unan na nakatakip sa kanyang brief. Sa bawat step niya, ramdam ko ang galit at poot niya for me. Kung alam ko lang ang real story, may magagawa ako. At hindi tulad ngayon na para akong isang daga na gustong magtago sa pusa.

"Are you crazy? May tapang kang tanungin ako, kung ano ang nangyari. Sinira mo ang lahat ng pinaghirapan ko at sinakripisyo ko." sigaw niya na halos mapigti na ang mga litid sa leeg.

Aba, mukhang sobra naman siya kung mag-react.

"Ano ba ang dapat kong sabihin? Natulog lang ako sa kwarto mo then paggising ko ay yakap yakap mo na ako." paliwanag ko.

Napangisi siya. "Ayos ka rin! Una sino ang nagsabi sa'yo na matulog ka dito. Ang second tao pa ako para patusin ang tulad mo."

Hindi na sana ako sasagot sa mga sinasabi niya para makaiwas sa gulo. Pero tila iniinsulto niya na ang pagkababae ko. Aminado ako na may mali akong nagawa pero hindi tama ang sinasabi niyang panglalait.

Aba, tumaas tuloy ang dugo ko at abot langit ito.

Kaya tumayo ako at sinampal siya ng malakas sa kanang pisngi. "Ang kapal ng mukha mo para sabihin 'yan. Sorry kung nagkamali ako sa pagtulog dito. Patawad na rin kung nag-away kayo ng babae kanina dahil sa akin. Aminado naman ako diba." medyo naluluha kong sabi sa kanya.

Nakatingin lang siya at tila nabawasan ang galit sa mukha niya. "Hindi na mababawi ng sorry mo ang nawala sa akin. Mabuti pa ay lumayas ka na sa bahay ko at buhay ko." 

Sa pagkakaalam ko kahit wala ako sa aking panahon ay tao pa rin ang halaga ko. Kaya kahit hindi ko alam kung saan ako tutungo kapag umalis ako dito ay wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay maalis ko ang sarili sa lugar na ito.

Nakaramdam ako ng galit na may halong lungkot na rin. Galit dahil sa nagawa kong problema, lungkot naman dahil sa mababang tingin niya sa akin. Sa oras na ito kahit nangangatog ang tuhod ko ay patakbo akong lumabas ng kwarto niya at tinungo ang silid ko upang kunin ang bag.

Habang paalis na sana ako, napansin ko ang hapag kainan na puno ng masasarap na pagkain. Halatang para ito sana sa kanilang dalawa. May maliit na cake doon at may munting mensahe na nakasulat.

"Happy 10th Anniversary Courtney!"

Medyo na hiya ako sa aking sarili dahil sa aking nakita. Nag effort si Rexer para sana sa kanilang anibersaryo. Ano pa ba ang magagawa ko kung hindi ang umalis. Mas lalo na kasi akong nahiya.

Lumabas na ako sa unit niya na walang alam na pupuntahan. Makabago na ang Maynila ngayon at hindi na ito katulad noon. Kaya alam kong wala akong ibang mapupuntahan kundi si Mica. Pero hindi ko alam ang aking gagawin upang makarating doon.

 Nakatulala akong naglalakad habang hawak ang aking bag. Nung malapit na ako sa elevator ay pinindot ko ang butun pero walang nangyari. Kung mamalasin ka talaga! 

"OUT OF ORDER"

Nagbalik ang ulirat ko sa nabasa. Sa pinakataas nakalugar ang unit ni Rexer kaya mahabang lakbayan ito para makarating sa ibaba. Sinimulan ko na ang lakbay paalis sa impyerno. Nakakadalawang palapag pa lamang ako pero lawit na ang dila ko. 

Pasensya na noh! Artista ako at hindi atleta.

Sa bawat baba ko sa hagdan ay tila parusa sa ginawa ko kanina. Ang bilis pala ng karma sa panahong ito. Hindi man lang tumagal ng taon.

After a century ay narating ko na rin ang huling hagdan. Pawis na pawis ako at puro hingal. Kaya agad kong binuksan ang pinto upang makalabas na sa building na ito. Nakalabas na nga ako at mukha akong pulubi na nakatayo sa harap ng malaking gusali. Puro sasakyan ang nakikita ko at hindi ko alam kung ano dun ang sasakyan.

Alicia! Isinusumpa kita. Kung ikaw man ang nagdala sa akin sa panahong ito mapapatay kita!

"Cassandra!" sigaw mula sa aking likuran.

Parang pamilyar ang voice na iyon ha. Si Mica.

Agad kong nilingon ang paligid at natagpuan ko si Mica na nakatayo sa isang gilid. Kasama niya ang kasintahan. 

"Salamat sa diyos at nandito ka!" sigaw ko na puno ng ligaya.

Aba, mahal talaga ako ni God.

"Ang tagal mo naman lumabas ng condo. Magiisang oras na kami dito." bungad na sabi ni Mica while nakayakap nga sa BF.

Nakakapagtaka naman na naghihintay sila sa labas. Wala naman ako sinabi naaalis ako diba? Hindi kaya may powers na si bakla at nafeel niya ang paglayas ko?

"Paano mo nalaman ang pag-alis ko?" tanong ko.

"Tumawag sa akin si Rexer. Sabi niya sunduin daw kita dahil uuwi ka na sa bahay." paliwanag ni bakla.

Natigilan ako at napaisip. Bakit niya ako pinasundo kay Mica? Akala ko ba ay galit siya.

"Ano ba kasi ang nangyari? Natuloy ba ang proposal niya Rexer kay Courtney?" magkasunod na tanong niya.

Proposal? Kay Courtney?

"Ano?" matipid kong tanong.

"OO, nagpabili nga siya sa akin ng singsing kanina eh." 

Nakaramdam ako ng pagkaguilty sa nangyari kanina. Magtatapat pala si Rexer tapos sinira ko ito at nauwi sa hiwalayan. Ano ba ang nagawa ko? GOD

"Umuwi kana muna at maiiwan ako dito!" sigaw ko kay Mica at patakbo akong pumasok muli sa bulding.Kailangan kong maiayos ang nadulot kong problema bago ako umalis. Ayoko sa lahat ay nakakatapak ng tao. Kahit naman mataray at ma arte ako, hindi ako masama.

Muli kong inakyat ang unit ni Rexr gamit ang makamatay na hagdan dahil nga sa sirang elevator. Sa pagkakataong ito ay mas lalong nakakapagod. 2x pawis at pagod kong narating ang tapat ng unit niya. Hindi ko alam kung paano magsisimulang humingi ng tawad.

Buong lakas kong kinatok ang pinto pero napansin kong bukas ito. 

Aba, hindi nagsasara ng pinto si loko. Baka manakawan siya.

Pumasok ako at nakita kong nagliligpit siya ng mesa at tinatapon ang pagkain. Kitang kita sa kanya ang pagkalumo at walang energy. Kahit balot ako ng hiya. "Rexer, sorry sa nagawa ko." sabi ko.

Natigilan siya at napalingon sa akin. Halatang gulat siya at hindi inaasahan na may tao sa likod niya. :What are you doing? Diba pinalayas na kita." tanong niya.

"Patawarin mo ako sa nagawa ko at nagsisisi ako."

"Umalis ka nalang at huwag ng magpakita pa. Nangyari na ang nangyari at wala ng solusyon pa." Muli siyang tumalikod at ipinagpatuloy ang pag-iimis ng mesa.

Mukha man akong tanga at kaawa awa, nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Kahit ano ay gagawin ko, para lang makatulong sa prolema mo." 

Hindi ko inaasahan ang sagot niya. "Okay." matipid niyang sabi.

Akala ko pa naman hindi siya papayag. Kanina lang aayaw sita tapos ngayon papayag din.

Ano kaya ang naisip niya?



Love from 80'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon