Chapter 19 : Sad Truth

2.8K 75 27
                                    

Cassandra POV

"Totoo ba ang sinabi mo? Walang halong biro?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong.

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Mamamatay na daw si Rexer. May pa homecoming kaya siya sa hell? Just kidding.

"Yes, totoo, true at korak. Mamamatay na si Rexer dahil sa puso niyang  nawasak. Si mahaderang Courtney ay buntis." Pagsisiwalat ni Mica the make-up artist.

Ay, revelation!

Medyo may na-feel akong konting relief. Kahit masama si Rexer, ayoko naman siyang mamatay. May mga naitulong din naman siya sa akin.

"Hindi ba dapat matuwa pa siya dahil magkaka-anak na siya. Dream ko kaya magkababy. Alam mo yan Mica."

Pumamey-wang si Mica sabay taas kilay. "Sana happy badboy na siya pero ang siste, hindi si Rexer ang ama." Kinuha ni Mica ang pamaypay sa bulsa nito. Nainitan ang bakla sa revelation niya.

Oh my...

Kawawa naman si Rexer. Sabi ko na nga ba eh. Sa hilatyak palang ng face ni Courtney ay makasalanan na. Higad mode siya.

Sa kabilang banda, bigla kong naiisip kung bakit ako nadamay sa problema ng dalawa?

"Bakit ako ang naiisip ni Rexer na maging asawa niya? At may pakasalan session pa. Gawin talaga akong panakip butas." Pagtataka kong tanong.

"Ang sabi kasi ni Coutney, ikaw daw ang dahilan kung bakit nakagawa siya ng kasalanan kay Rexer. Kaya need ni Rexer gumawa ng panakip sa kahihiyan niya. Ikaw kaya ang maloko ng minamahal, baka gawin mo rin lahat para makaganti ka." Paliwanag ni Mica.

Ah naisip niya ang kasal para matakpan sa lahat na naloko siya ng isang babae.

Pero...

Ako ang reason? Kailan? Bakit? Saan?

"Remember yung bedscene niyo ni Rexer na na-witness ni Courtney? Yung gabi daw na yun, nalasing si Courtney at nabuntis ng ibang lalaki." Kinuha ni Mica ang dalawang silya na nasa tabi ng malaking mesa.

Mukhang mapapatagal ata ang chikahan namin kaya nakakangawit na sa paa. Umupo kami sa silya at harapan. Akala mo ay nasa isang talk show lang.

"Ah ganun? Malandi nga siyang tunay. Noong time na yun hindi pa nga alam ni Coutney ang lahat tapos kumire agad. Tapos nung hinarap ko siya para humingi ng patawad, akala mo santa sa kalinisan." Nanggigila-iti ako kay Coutney.

Kahit hindi kami super close ni Rexer, nakaka-awa naman siya. Nobody deserves to be in pain. Bigla ko tuloy naisip na madami na rin pala si Rexer naitulong sa akin. Why not..sakyan ko ang trip niya? Di naman ako mafa-fall dun eh.

Tumayo ako at bumuntong hininga. "Fine, nasaan na ang asawa ko? Magho-honeymoon kami." Nagulantang si Mica. Dahan-dahan siyang tumayo at may kasama pang palak-pak.

"Ay, gusto ko iyan. Exciting ang mga susunod na eksena." Naghalakhakan kami at tumungo sa kotse. Dinatnan namin si Rexer na nakasubsob sa manibela. Binuksan niya ang bintana at nakabusangot ang mukha.

"What take you so long? Napag-usapan niyo na ba ang buhay ng lahat ng tao sa mundo?" Marahan pero sarkastiko niyang tanong.

Mag-iinit na sana ang dugo ko pero naisip ko na he is in so much pain. Ayoko namang dumagdag pa sa problema niya. So behave lang.

"Hindi ka na sana nag-abalang inatayin kami." mahinhin kong tugon na may pagpigil sa inis.

"Wala naman akong balak mag-intay sa inyo eh. But I have no choice. Please look around, that's my reason."

Love from 80'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon