Chapter 16 : Living In Hell

2.5K 43 13
                                    

Cassandra POV

Ano ang gagawin ko?

Paano ako magpapa-alam kay Elliot?

Wala talagang magandang dulot sa mga nilalang si Rexer!

"I need to leave." bungad ko kay Elliot. Ayaw ko man pero kailangan masunod ang utos ni Rexer. Alam kong babalik yun kapag hindi ako umalis dito.

"Where are you going? Akala ko ba wala kang ibang kilala dito." usisang tanong niya. Gulat ang unang reaksiyon nito. Ito rin ang first time na nawala ang dashing smile niya.

Na-sad siguro siya. I can't blame him. Ganda eh.

"Parang ganun na nga. Pero may isa pa akong natitirang kamag-anak sa Paranaque." Ayoko man pero patuloy ang pagsisinungaling ko kay Elliot.

Ito na siguro ang maganda kong gawin kaysa naman patuloy pa akong tumira dito tapos buhol-buhol na kwento pa ang magawa ko. Atleast kay Rexer, okay lang yun.

Planado ng lahat ito ni Rexer bago siya umalis kahapon. Ang sabi niya ay susunduin ako ni Mica the make-up artist ngayong tanghali.

Kaloka ang dalawa, nagsabuatan pa!

Tumayo si Elliot. Binitawan niya ang hawak na ballpen. Naabala ko siya sa ginagawa niya. Nagsusulat ata siya ng story na ipupublish niya. Lumapit si Elliot at hinawakan ako sa magkabilang braso.

Bigla akong kinabahan. Bumilis ang tibok ng heart ko. Feeling ko, ang next niyang gagawin ay hahawakan ang pretty face ko tapos hahalikan niya ako.

Lord, don't tempt me.

Kamukha siya ng Ramon ko. Baka hindi ko mapigilan ang katawang lupa ko!

Inilapit ni Elliot ang mukha niyang gwapo. "Do you have any problem with me? Did I treat you badly?" Tanong niya na parang nagmamaka-awang bata.

Lord, na-sa-sad talaga ako.

Sa totoo lang, feel kong magtagal pa here while waiting sa tamang time na pagbabalik ko sa 1987. Paano ba naman, ang hospitable ni Elliot. Yung tipong i-wi-wish mo na for lifetime na.

So the good plan lord, kunin mo nalang si Rexer para forever na ako dito sa bahay ni Elliot.

Biro lang. #BadGirl

Hindi mo naman tatanggapin yun eh. Badboy siya kaya sa.....alam niyo na! T'saka babalik pa ako sa real timeline ko. So, for short period of time lang ang request ko.

"No. Ang swerte ko nga kasi ikaw ang nakahanap sa akin nung hinimatay ako sa simbahan. Kung iba siguro yun baka na chop-chop na ako. If hindi naman, binababoy na nila ang puri ko." Medyo teary eye kong sabi.

True yun ah.  Straight from the heart.

"So bakit ka aalis? You can stay here as long as you want." Eye to eye niyang sabi sakin. Palapit ng palapit ang mukha niya kaya napapa atras naman ako.

"Kailangan ko ng rin kasing umuwi sa amin baka nag-aalala na si Mica." Kaka-atras ko ay napa-sandal ako sa may maliit na mesa sa likod.

Infairnesss ang bango ng hininga ni Elliot. Amoy fresh!

"Okay, I'll understand. Mukhang hindi na kita mapipigilan. Just to make sure na makaka-uwi ka ng safe, ihahatid na lang kita. Free naman ako ngayon eh.

Sweet....

Napa-atras akong muli ng one step kaya biglang nalaglag ang vase na nakapatong sa mesa.
Nawalan ako ng balanse at akmang mahuhulog na sa sahig ang perfect body ko. Wala akong nagawa kundi ang pumikit na lang. Bahala na si batman sa akin.

Love from 80'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon