Chapter 4 : Reality

3.7K 78 9
                                    

Cassandra POV

Malalim akong nag-iisip habang papunta kami sa aking tirahan. Sinabi ko kay Rexer ang address at gagabayan ko naman siya sa mga direksyon. 

Isa itong malaking biro!

Hindi na pamilyar sa akin ang mga pasikot-sikot na daan papunta sa aming bahay. Marami ng malalaking building ang nakatayo sa gilid ng daan. Sa aking pagkaka-alala tanging bahay ko lamang ang malaking gusali doon.

Nakapagtataka naman. Hindi kaya naligaw kami? Pero tama ito eh!

"San ba dito?" maangas na tanong ni Rexer. Tila nag-init na ang kanyang ulo sa hirap sa paghahanap.

"Basta, malapit na. Yung pinakamagandang bahay, mapapansin mo naman iyon dahil sa kulay pink nitong pintura." tugon ko.

Iba man ang mga daan at kalye pero hindi ko malilimutan ang bahay ko. Siguro naman nakatayo pa ito?

Lumipas ang isang oras pero mukhang pa-ikot ikot na lang kami sa daan. Mas mainit pa sa sikat ng araw ang hitsura ni Rexer. Kahit kasi may aircon ang kotse niya, basang basa siya ng pawis. Bunga siguro ng kanyang inis.

"Hoy, babae malaking abala na ang ginagawa mo sa buhay ko. Kung talagang malapit na ang bahay mo? Pwede ka na siguro bumaba at maglakad papunta doon?" sigaw niya sa mukha ko. Damang dama ko ang sobrang galit niya na medyo patungo na sa suklam. 

"Sige, malaking tulong na ang nagawa mo. Maraming Salamat na lang." nakayuko kong sambit na may halong pagpapakumbaba.

Nakakahiya na rin naman ang abala ko para sa isang tao na hindi ko lubusang kilala. Hindi makapal ang mukha ko para hindi mahiya.

Inihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada malapit sa puno ng Talisay. Bumaba ako at nagpaalam. "Thanks. Hayaan mo kapag kailangan ko ng extra kukunin kita." nakangiti kong sabi sabay kaway sa kanya sa bukas na bintana.

"Baliw!" pailing-iling ng ulo niyang sabi sabay buhay sa makina at nagdrive paalis.

Aba, nagpakumbaba na nga ako tinawag pa akong baliw! Kung akala niya kukunin ko siya bilang extra. Manigas siya dahil hindi ko kailangan ng tulad niya.

Nagsimula ako sa paglalakad pero hindi ko talaga makita ang aking tirahan. Ano na bang nangyayari? Na demolish kaya ang bahay ko o kinuha ng mga alien mula sa ibang planeta. Napakaimposible namang mawala ito ng ganoon kadali. Halos tatlong taon ang ginugol ng mga trabahador ko para magawa iyon.

Masakit na ang paa ko at sobrang naiinitan na ako. Panginoon, help me! Umupo muna ako sa isang mahabang silya malapit sa isang lumang salon. 

Ngayon ko lang ata ito nakita pero luma na ang hitsura. Malamang luma na rin ang may-ari.

Habang nagpapahinga ako, may pumukaw sa aking atensyon. Napatayo ako at napatitig sa salon dahil nakapaskil doon ang aking larawan. Paano ito napunta dito? Sa pagkaka-alam ko wala akong iniendorso na cheap salon. Hindi pang ganitong lugar ang beauty ko!

Sino ang balahura at balasubas na gumawa nito. Pero beautiful ang larawan ko. Magtataka pa ba ako? Pinanganak na maganda eh!

"Hoy, babae ano ang tinitingin-tingin mo diyan?" Halos malaglag ang puso ko sa gulat.  Muntik na tuloy mahulog sa kanal ang katawan ko.

Sino ba ang sumigaw? Hindi man lang nagpasintabi!

Lumingon ako upang makita ang bastos na sumigaw sa tapat pa ng aking tainga. Bumungad sa akin ang isang matandang lalaki and Imy not so sure if guy siya. Puno kasi ng makukulay na ribbon ang kanyang buhok at kakaiba ang pananamit.

Aba, tinalo pa si Madonna at Cyndi Lauper. Hindi man lang mahiya dahil sa katandaan niya mukha pa siyang katawa tawa.

"Grabe naman po sana nagpasintabi muna po kayo bago manigaw." medyo magalang kong sabi sa matanda. May halong pagpapasaring narin dahil sa madidiin na pagbigkas ko sa salitang po.

Love from 80'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon