Chapter 13

902 11 0
                                    

Kinalampag ni Joshua ang pinto ng banyo kung saan naroon si Eumi.

Joshua: "EUMI! Anong nangyayari dyan sa loob?!"

Anna: "Ayos ka lang ba, Ate?"

Eumi: "Tulungan nyo 'ko!"

Ibinalya ni Joshua ang kanyang katawan sa pinto pero sadyang matibay ito. Ilang beses pa nya itong itinulak pero hindi talaga ito natitinag.

Naalala ni Anna ang susi ng banyo kaya mabilis syang umalis upang kunin ito.

Pinagsisipa naman ni Joshua ang pinto pero ayaw talaga nitong bumukas.

Joshua: "Ililigtas kita, Eumi! Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa'yo! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari 'yon!"

Si Eumi naman ay pilit pa ring kumakawala sa halimaw pero hindi nya kaya ang lakas nito. Nailapit ni Helga ang gunting sa gawing pulso niya. Dumiin ang talim nito at unti-unti syang nilalaslas. Ramdam nya ang sakit ng nagdurugong sugat at kaagad syang hinimatay.

Eksakto naman ang pagdating ni Anna na dala ang susi. Kinuha ito ni Joshua at mabilis na binuksan ang pinto.

Tumambad sa kanilang harapan si Helga na nasa salamin habang sinusugatan ang pulso ni Eumi. Nagdurugo ang braso nito dulot na rin ng ginawa ni Helga.

Halos mapasigaw naman si Anna sa nakita.

Joshua: "EUMII!!"

Helga: "Huli ka na!!" iniangat nya ang gunting at akmang isasaksak sa may bandang puso ni Eumi.

Itinaas ni Joshua ang puting brilyante at itinapat kay Helga. Nagliwanag ang brilyanteng ito at napaatras si Helga dahil sa liwanag.

Mabilis naman na hinila ni Anna si Eumi.

Joshua: "Demonyo ka!! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kanya!"

Helga: "Tinutulungan ko lang naman ang babaeng yan! Plano na nya talaga ang magpakamatay kaya hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon at ako na ang gumawa nun sa kanya!"

Joshua: "Sinungaling ka!"

Helga: "Bakit hindi sya ang tanungin mo? Gusto na nyang mamatay kaya gusto ko lamang syang pagbigyan!"

Itinapat pa lalo ni Joshua ang brilyante sa salamin. Bahagya namang lumayo si Helga.

Joshua: "Tatapusin ko na ang kasamaan mo! Ibabalik na kita sa impyernong kinabibilangan mo!"

Helga: "Siguraduhin mo lang na magagawa mo yan dahil kung hindi . . . . . . . . . AKO ANG PAPATAY SA'YO!" at sinabayan pa nya ng malakas na pagtawa bago tuluyang naglaho.

Joshua: "Tara, lumayo na tayo sa salamin, Anna!"

Pero parang tuliro at kinikilabutan si Anna.

"ANNA!!" sigaw ni Joshua. Saka lamang natauhan ang kanyang kausap.

Nilagyan ni Anna ng towel ang nagdurugong sugat ni Eumi bago sya binuhat ni Joshua at inilabas ng banyo.

Sa sala sila nagpunta. Inilapag nya si Eumi sa sofa. Inutusan naman nya si Anna na kumuha ng first aid kit. Itinago naman ni Joshua ang lahat ng salamin sa lugar na iyon.

Nang makabalik si Anna ay sinimulan na nitong gamutin ang braso ni Eumi.

Anna: "OK na si Ate. Hindi naman masyadong malalim ang sugat nya."

Joshua: "Mabuti naman kung gano'n"

Anna: "Maaari mo bang ipaliwanag sa'kin kung ano ang nangyayari, Josh? Alam kong may alam ka tungkol sa halimaw na iyon."

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon