Chapter 20 (FINAL CHAPTER)

1.1K 27 6
                                    

Nagsimula nang pumunta sina Mon at Joshua sa gitna ng kagubatan upang puntahan ang isang matandang puno na gagamitin nilang kulungan para kay Helga. Sinanay na rin ni Joshua ang kanyang sarili sa pagguhit ng simbolo upang palabasin si Helga sa salamin.

Si Mon naman ay may bitbit na isang malaking stand mirror na nakabalot sa isang kumot upang hindi makita ang kanilang repleksyon.

Madilim ang lugar na tinatahak nila kaya may bitbit din silang lampara at flashlight. Nakakatulong din sa kanila ang liwanag ng buwan para maaninag din nila ang paligid.

Matapos ang mahabang paglalakad ay narating na rin nila ang matandang puno na iyon. Isang puno ng balete.

Joshua: "Yan na ba ang matandang puno?"

Mon: "yan na nga! Sa tantya ko ay hindi hihigit sa sampung taon bago yan mamatay."

Joshua: "Ganun katagal?"

Mon: "Oo! Wala nang iba pang mas matandang puno dyan na madaling mamatay. Yan na ang pinakaperpektong kulungan para sa kanila! Ngayon din ay sisimulan na natin ang pagkukulong! Pwede natin itong ipagpaliban muna kung hindi pa buo ang loob mo?"

Joshua: "Hindi, kuya Mon! Hindi ko ito dapat ipagpabukas pa o sa ibang araw! Marami pang ibang madadamay kapag hindi ko ngayon gagawin ito! Nakahanda na ako! Wala na itong atrasan pa!"

Hindi kakikitaan ng takot o kaba si Joshua. Bagkus ay mababanaag mo sa kanyang mukha ang pagkadesperado nyang magtagumpay.

Mon: "Kung 'yan ang gusto mo ay sisimulan na natin ito!"

Sinimulang ilapag ni Mon ang salamin sa tapat ng puno. Tinanggal nila ang kumot na nakabalot dito at ang liwanag ng buwan na tumatama sa salamin ay pina'reflect nila sa punong iyon. Tila umiilaw ang puno dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan dito.

Mon: "Heto na! Sa oras na iyong ilapag ang puting brilyante ay magsisimula na ang una nating kalbaryo."

Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Joshua. Alam nyang kapag humarap sya sa salamin ay hindi malayong magpakita si Helga sa kanya. Siguradong hindi sya hahayaan nito na magtagumpay.

Kahit ganun ang mangyayari ay sumuong pa rin sya.

Sampung segundo. Yun ang pinakamabilis na magagawa ni Joshua sa pagguhit ng simbolo na magpapalabas kay Helga sa salamin. Sa sampung segundo na iyon ay kailangang magtagumpay sya sa unang hakbang ng kanyang misyon.

Wala nang inaksaya pang oras si Joshua. Kinuha nya ang bitbit nyang kutsilyo at sinugatan nya ang kanyang hintuturo sa kanang kamay. Sunod naman ay inilapag nya ang puting brilyante sa puno at mabilis na humarap sa salamin.

Sinimulan na nyang iguhit ang simbolo gamit ang kanyang sariling dugo. Naiguhit na nya ang bilog at ang buwan, pero napatigil sya nang simulan na nyang iguhit ang tala. Hindi dahil huminto sya kundi dahil may nagpahinto sa kamay nya sa kanyang repleksyon. Si Helga.

Helga: "May gagawin ka ba? Sa tingin mo ay papayagan ko ang binabalak mo? Papatayin na kita bago mo pa gawin 'yon! Hahaha!"

Pinilipit nito ang kamay ni Joshua. Ramdam naman nya na para syang mababalian ng braso. Hindi sya makawala. Napakalakas ni Helga para sa kanya. Sinubukan naman syang tulungan ni Mon pero hinampas lamang ng Diablong ito ang repleksyon ni Mon at tumilapon ito.

Sinakal naman ni Helga si Joshua at iniangat sa ere.

Helga: "Gusto mo bang maranasan kung ano ang ginawa ko noon sa matalik mong kaibigan bago sya namatay? Haha! Hindi! Mas masahol pa d'on ang gagawin ko sa'yo! Sisiguraduhin kong buhay ka pa habang unti-unti kong inaalis ang bawat laman loob mo sa katawan! Wahaha!"

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon