Chapter 5

1.1K 15 0
                                    

...

Nabigla sina Joshua at Eumi nang biglang nagpakita sa harapan nila si Ricky.

Ricky: "Traydor ka Joshua! Alam mong may gusto rin ako kay Eumi pero inaagaw mo sya sa'kin."

Eumi: "Ricky?"

...

Joshua: "Sandali lang, Ricky, nagkakamali ka."

Ricky: "Wag ka nang magmaang-maangan! Bakit ikaw pa ang naging karibal ko kay Eumi?! BAKIT IKAW PA?!"

Joshua: "Teka Bro, wag kang gumawa ng eksena dito. Naiistorbo mo yung ibang mga tao."

Ricky: "Wag mo akong matawag-tawag na Bro dahil simula ngayon ay hindi na tayo magkaibigan! (Sabay harap kay Eumi) Ilang beses din akong naghintay na balang araw ay mamahalin mo rin ako. Na sana ay magustuhan mo rin ako. Wala akong ibang hinangad kundi ang mahalin mo rin ang isang tulad ko. Kahit pinagtatabuyan mo na ako ay hindi pa rin ako sumuko sa iyo. Kahit pinagtatawanan na nila ako, hangal daw ako dahil sa iyo ko lamang iniuukol ang aking atensyon kahit wala kang gusto sa'kin. Dahil sa pag-ibig ko sa'yo ay kinalimutan ko na ang lahat maging ang aking sarili. Bakit ba hindi mo ako magustuhan, Eumi? Dahil ba sa kanya? Kay Joshua? Siya ba ang mahal mo!?"

Nanatili lamang na tikom ang bibig ni Eumi.

Joshua: "Ricky, pag-usapan natin ito. Wala kaming ginagawang masama ni Eumi. So please, wag kang magwala dito."

Ricky: "Kasalanan mo ang lahat ng ito! Traydor ka!! Inagaw mo sya!"

Joshua: "Wala kayong relasyon ni Eumi. Kaya wala akong kasalanan sa iyo!"

Ricky: "Ikaw na ang pinakawalang kwentang kaibigan sa lahat!"

Akmang magkakasakitan ang dalawa nang mamagitan sa kanila si Eumi.

Eumi: "TAMA NA YAN! Ano bang problema mo Ricky? Kung makaasta ka ay parang girlfriend mo ko,"

Ricky: "dahil ikaw lamang ang mahal ko. Ikaw ang problema ko! Mahal na mahal kita, Eumi pero bakit hindi mo ako magustuhan?! Ginawa ko nang lahat pero ni katiting ay wala ka pa ring pagtingin sa akin! Dahil ba kay Joshua?"

Eumi: "OO! Siya ang gusto ko at hindi ikaw! Ngayong alam mo na ang totoo ay pwede bang tantanan mo na ako!?

Natahimik si Ricky sa kinatatayuan. Si Joshua naman ay nabigla sa sinabi ni Eumi.

Hinila ni Eumi si Joshua upang ayusin ang kanilang mga gamit bago umalis. Naiwan namang nakatulala si Ricky.

Wala pa ring imikan sina Joshua at Eumi habang ...nagba'bike. Parang ni isa man sa kanila ay ayaw magsalita. Pero si Eumi na rin ang bumasag ng kanilang katahimikan nang makauwi sila.

Eumi: "Pasensya na, Josh. Pati ikaw ay nadamay sa gulong ito. Saka yung tungkol sa sinabi ko kay Ricky, kalimutan mo na yun. Sinabi ko lang yon sa kanya para tantanan na nya ako at huwag nang guluhin pa. Sana maintindihan mo ako kung bakit ko iyon nasabi sa kanya."

Nakaramdam naman ng pagkalungkot si Joshua dahil sa sinabi nito sa kanya.

Joshua: "Ok lang yon. Naiintindihan kita. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, ganun din ang sasabihin ko. Pwede ba nating ituloy ang picnic natin bukas?"

Eumi: "Next time na lang siguro. Sige, papasok na ako sa loob. BYE." pumasok na sya sa bahay nila.

Matagal na nakatayo si Joshua sa tapat ng gate nina Eumi bago umalis. Si Eumi naman ay nakasandal lamang sa kanilang gate. Bigla nyang naalala ang mga masasayang sandali nila ni Joshua. Hindi nya namalayang umagos na pala ang kanyang mga luha.

Eumi: "Bakit ba ako umiiyak? Bakit parang nasasaktan ako? Maaaring kaibigan lang ang turing sa'kin ni Joshua pero parang may iba akong pakiramdam kapag kasama ko sya. Ganito ba talaga ang feeling ng inlove? Ayokong paasahin ang sarili ko at masaktan din sa bandang huli. Parang mas masakit pa ito kesa sa anumang pisikal na sakit na mararamdaman ko." mabilis nyang pinunasan ang kanyang mga luha bago pumasok sa loob.

Si Joshua naman ay patuloy na nag-iisip ng mga nangyari kanina.

Joshua: "Kaibigan lang pala talaga ang turing sa akin ni Eumi. Sinabi lang nya kay Ricky na mahal nya ako para tantanan sya nito. Napakasakit para sa aking isipin na hanggang... kaibigan lang talaga ang turingan naming dalawa at wala nang hihigit pa."

Mabilis na nagdaan ang gabi na patuloy pa rin nilang iniisip ang bawat isa.

Samantala:

Katatapos lamang maligo ni Ricky n'on nang makarinig sya ng malakas na pagbasag ng salamin pero wala ang tunog sa labas kundi sa loob ng banyo. Tinignan nya kung saan nanggaling ang pagbasag pero alam nyang walang ibang salamin sa CR maliban na lang sa malaking salamin na nasa kanyang harapan subalit wala man lang basag o lamat ang salamin na ito.

Lalabas na sana sya ng banyo pero bigla nyang naramdaman na parang may sumasakal sa kanya. Wala naman syang ibang nakikita sa paligid pero ramdam nya ang humihigpit na sakal sa kanyang leeg.

Bigla na lamang syang umangat sa ere. Napansin nya ang kanyang repleksyon sa salamin. May isang babaeng mahaba ang buhok, naka puting damit, puti ang balat, puro puti rin ang mga mata at may maiitim na mga ugat sa mukha ang sumasakal sa kanya. Patuloy syang sinasakal ng nakakakilabot na nilalang na ito nang biglang ibalibag siya sa salamin ng ubod ng lakas.

Malakas na tumama ang mukha ni Ricky sa salamin na nagdulot ng malakas na tunog ng pagbasag nito.

Kinabukasan ay sunod-sunod na yugyog sa katawan ang gumising kay Eumi.

Eumi: "Ano ba yun, Anna? Anong problema?"

Anna: "Ate, si Ricky, patay na!"

~>Itutuloy . . .

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon