Chapter 15

851 10 0
                                    

Habang nasa motor ay hindi maiwasang tanungin ni Eumi ang misteryosong lalaki na si JL.

Eumi: "Kakilala ka ba talaga ni Joshua? Kasi ngayon lang talaga kita nakita,"

JL: "Sinabi ko na kanina, kaibigan ako ni Joshua. Wag kang mag-alala, maaabutan pa natin sila. Makakapag-paalam ka ng maayos bago nya gampanan ang kanyang tungkulin."

Eumi: "Alam mo rin ba kung ano ang pinagdadaanan nya?"

JL: "Oo! Alam na alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya. At hindi lang sya, pati na rin ang dalawa pang taong nakapulot ng iba pang mga brilyante."

Eumi: "Anong alam mo sa mga nangyayari? May alam ka tungkol sa diablo?"

JL: "Malaki ang nalalaman ko. Hindi lang sa tatlong diablo ng kamatayan kundi pati na rin sa imortalidad Subalit hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ang impormasyon. Lubhang mapanganib kung malalaman mo pa ang lahat. At Kung malalaman mo man ang lahat-lahat, pagpasensyahan mo na pero kailangan kitang tapusin."

Halos mapabitaw si Eumi sa motor dahil sa huling sinabi ng lalaking ito. Tinitimbang nya kung gaano ito kaseryoso sa huling tinuran nito sa kanya. Bahagya namang tumawa si JL dahil sa naging reaksyon ni Eumi.

JL: "Haha, Wag kang mag-alala, di ko naman gagawin 'yon . . . Tignan mo, Natatanaw ko na mula rito ang sinasakyan nila. Kumapit ka nang maigi, Eumi!"

Binilasan pa ni JL ang pagpapaandar ng motorsiklo. Halos katapat na nila ang traysikel nila Joshua dahil sa bilis nina JL.

Sinenyasan naman ni JL ang driver ng tricycle na huminto.

Huminto naman ito.

Samuel: "Bakit ka huminto, manong?" pagtataka ng tito ni Joshua.

Pero bago pa nakapagsalita ang driver ay narinig na nila ang boses ni Eumi na tinatawag si Joshua.

Eumi: "JOSH!" bumaba sya ng motor at dumaan sa harap ng traysikel.

Joshua: "Eumi?? Paanong nakarating sya dito?" pagtataka nya.

Lumabas ng tricycle si Joshua upang puntahan si Eumi. Lumayo sila ng konti mula kay Samuel upang mag-usap.

Samuel: "May problema ba, Joshua?"

Joshua: "Wala po tito. Kakausapin ko lang ho sya sandali."

Samuel: "Pakidalian mo lang at baka maiwan na tayo ng bus."

Tumugon naman si Joshua at humarap kay Eumi.

Joshua: "Eumi, pa'nong nakarating ka dito?"

Eumi: "Hinatid ako ng kaibigan mo para makahabol ako at makapagpaalam sa'yo ng maayos."

Joshua: "Sinong kaibigan?"

Eumi: "Si JL. Nagpakilala sya sa'kin na kaibigan mo raw. Teka narito sya . . ." pero hindi na nya makita si JL sa paligid. ". . . nasaan na sya? Hindi ko man lang naramdaman na umalis sya?"

Joshua: "Pero wala akong kakilalang JL? Kung sino man sya ay nagpapasalamat ako sa kanya at nakita kita kahit sa huling pagkakataon man lang."

Eumi: "Wag mong sabihin yan. Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na kahit anong mangyari ay maghihintay ako sa muli mong pagbabalik dito? Hihintayin kita kahit gaano pa ito katagal."

Joshua: "Pero ayoko namang maghintay ka lalo na't . ." naputol ang kanyang sasabihin nang takpan ng isang daliri ni Eumi ang kanyang labi.

Eumi: "Shhh, alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon mo pero alam kong kaya mong lagpasan yan. Ikaw si Joshua. Kailan ma'y hindi ka sumuko sa kahit anong pagsubok dumarating sa iyong buhay. Ipangako mo sa'kin na babalik ka at kung hindi ay sasama ako sa'yo,"

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon