Chapter 10

958 13 0
                                    

...

Muling nagbalik sa ala-ala ni Joshua ang pangyayari kagabi na kailan ma'y di nya malilimutan.

******

Paakyat noon si Joshua sa ikalawang palapag ng kanilang bahay upang alamin ang pinanggagalingan ng parang nasusunog na amoy.

Nabigla si Joshua nang buksan nya ang isang kwarto at tumambad sa kanya ang laman ng kwartong ito. Nakita nya ang kanyang ina habang nakukuryente at nagkikisay sa sahig.

Tutulungan na nya sana ito nang biglang may nagpakitang isang nakakatakot na nilalang sa loob ng salamin. Isang babaeng halos puti ang pangangatawan at may mga maiitim na ugat sa mukha. Ito rin ang nilalang na nakita nya mula sa repleksyon ng salamin sa tindahan. Ito ang diablong si Helga.

Dahil sa pagkasindak ay hindi malaman ni Joshua ang gagawin nang mga oras na iyon.

Bigla namang Nagsalita ang diablong ito.

Helga: "Anong pakiramdam ng unti-unting namamatay ang mga minamahal mo sa buhay? Masakit ba?! Hahaha! Hindi lang yan ang mararanasan mo! Unti-unti kong uubusin ang mga minamahal mo at ang lahat ng taong malalapit sa'yo! Yan ang nararapat sa mga katulad mong nakikialam sa mga bagay na hindi na dapat pakielaman pa! Uubusin ko silang lahat at ikaw ang ihuhuli ko hangga't hindi mo naisusuko ang brilyante! Hahaha!"

Pagkatapos ay bigla na lamang nabasag ang salamin at bumaon ang matutuls na piraso nito sa nakahandusay na katawan ng ina ni Joshua.

Natuliro si Joshua nang mga sandaling iyon hanggang sa mahimasmasan sya at humingi ng tulong sa mga kapitbahay pero huli na ang lahat. Patay na ang kanyang ina.

*****

Nagbalik ang diwa ni Joshua sa kasalukuyan.

Joshua: "Kung sino man ang nilalang na 'yon ay sigurado akong siya rin ang pumatay kay Ricky. Totoo nga siguro ang pagpapakita noon ni Ricky kay Eumi. Binibigyan nya ito ng babala na mag-ingat sa nilalang na iyon. Alam kong ako ang pakay ng nilalang na yun pero hindi ko alam kung bakit? Uubusin nya ang mga taong malalapit sa'kin kaya masakit man ay kailangan kong ipagtabuyan si Eumi upang hindi na sya madamay pa!"

Sa kanyang pag-iisip ay bigla na lamang umihip ang napakalamig na hangin. Biglang may lumabas na parang usok sa kanyang harapan at unti-unti itong nagkakahugis na parang tao. Unti-unting lumilinaw sa kanyang harapan ang imahe hanggang sa tuluyan na nyang makita ito.

Halos wasak ang mukha nito at umaagos ang mga dugo mula sa butas at wakwak na balat nito sa mukha.

Joshua: "R-Ricky?"

Ricky: "Ako nga! Kasalanan mo kung bakit ako namatay! Dahil sa'yo, pati si Eumi ay madadamay! Kasalanan mo ito!"

Biglang sinakal nito si Joshua. Pinipilit nyang makawala pero malakas ito at ramdam nya na punong puno ito ng galit.

Biglang nakarinig si Joshua ng boses mula sa isang lalaki.

"Tigilan mo na yan! Wala syang kasalanan sa mga nangyayari! Tulad mo ay biktima lang rin sya!" sigaw ng boses.

Gumaan ang pagkakasakal ng kaluluwa ni Ricky kay Joshua hanggang sa bitawan na sya nito.

Unti-unting umayos ang mukha ni Ricky. Nagbalik na sa dati ang hitsura nito. Malumanay na rin itong nakatingin sa kanya.

Ricky: "Ikaw na ang bahala, Josh! Ilayo mo si Eumi sa panganib. Hindi kita mapapatawad Kapag may nangyaring masama sa kanya! Ikaw lang ang inaasahan ng lahat na tatapos sa sumpang ito!" pagkasabi ay bigla na lamang itong naglaho.

Lumapit naman ang isang multo na nagmamay-ari ng boses na pumigil kay Ricky. Nabigla naman si Joshua nang makita nya ito. Ito ang nasa panaginip nya noon na nagbigay rin sa kanya ng babala. Si tata Isko.

Tata Isko: "HUWAG KANG MATAKOT. Tata Isko ang tawag nila sa'kin. Ako ang dating bantay ng kulungan ng tatlong diablo ng kamatayan. "

Joshua: "H-hindi ko po kayo maintindihan? May alam ho ba kayo tungkol sa mga nangyayari? May alam ho ba kayo tungkol sa nilalang na nasa salamin?"

Tata Isko: "Ang nilalang na tinutukoy mo ay si HELGA. Isa sa tatlong diablo ng kamatayan."

Biglang lumapit ang multo kay Joshua at hinawakan sya sa noo.

Biglang may mga nagpakitang mga imahe at pangyayari sa kanyang isipan.

Nakikita nya ang nangyari bago makawala ang tatlong diablo.

Naroon si Don Ramon habang hawak ang isang itim na libro at tatlong brilyante na may magkakaibang mga kulay. Parang pamilyar naman kay Joshua ang isa sa tatlong brilyante. Katulad yon ng napulot nya.

Mayamaya ay dumating si tata Isko upang pigilan sila pero wala rin itong nagawa. Binaril sya ng mga tauhan ni Don Ramon. Kahit duguan na ay nagawa pa rin ni Tata Isko na pasabugin ang van na naglalamam ng mga bomba. Sumabog ito pero hindi pa rin napigilan si Don Ramon dahil nakalaya pa rin ang tatlong diablo. Dahil sa pagsabog ay nagkalat sa magkakaibang sulok ng lugar ang mga brilyante at ang isa nga ay napulot ni Joshua.

Tata Isko: "Ang nakita mo ay ang nakaraan. Ito ang pangyayari nong pista ng San Nicholas kung saan naganap ang malawakang pagsabog sa bayan."

Joshua: "Ibig sabihin ay ikaw ang dahilan ng pagsabog?"

Tata Isko: "Kailangan kong gawin yon upang pigilan ang mga masasamang loob na palayain ang tatlong diablo pero sa kasamaang palad ay bigo pa rin ako. Kapag napalaya ng isang tao ang mga diablong ito ay magiging sunod-sunuran sila sa taong nagpalaya sa kanila. Susundin nila kahit ano ang ipag-utos sa kanila. Hindi lang 'yon, mabibiyayaan ka rin ng buhay na walang hanggan sa oras na mapalaya mo sila. Sa sitwasyon mo ngayon ay napulot mo ang puting brilyante ni Helga. Kahit hawak mo ang brilyante ay hindi mo pa rin sya mapapasunod dahil hindi ikaw ang nagpalaya sa kanya, magkaganun pa man ay hindi ka naman nya magagawang saktan hangga't hawak mo yan! Kaya ang mga minamahal mo ang babalingan nya. Si Helga ang kumakatawan sa repleksyon at nakaraan. Nagmumula ang kanyang kapangyarihan sa salamin. Ang iba namang mga diablo ay si Virtor, ang kumakatawan sa panaginip at hinaharap. At si Sandra naman ang kumakatawan sa realidad at kasalukuyan. Ang hawak mong brilyante ang nagpalaya sa isa sa kanila at yan rin ang maaaring magkulong sa kanya. Kailangan mo siyang maikulong bago mahuli ang lahat!"

Joshua: "Ako? Pero bakit ako?"

Tata Isko: "Ikaw ang napili ng Brilyante upang magkulong kay HELGA. Bumalik ka kung saan nagsimula ang lahat. Sa bayan ng San Nicholas. Hanapin mo ang anak kong si Mon. Nasa kanyang pangangalaga ngayon ng itim na libro na naglalaman ng impormasyon kung papaano mo maikukulong si Helga."

Joshua: "Bakit ako pa! Dapat kasi ay hindi ko na lang pinulot ang brilyanteng ito! Dahil sa ginawa ko ay namatay si Ricky at si mama! Dahil sa'kin ay marami pang buhay ang mawawala at maaaring madamay ang babaeng pinakamamahal ko!"

Tata Isko: "Hindi mo kasalanan ang lahat. Ikaw talaga ang itinakdang magkukulong kay Helga. Kapalaran mo na talaga ito! Ikinalulungkot kong sabihin pero Sa iyong gagawin ay maaaring hindi ka na mabuhay pa."

Joshua: "Ano namang klaseng kapalaran ito! Halos isa na itong sumpa ng buhay ko!"

Tata Isko: "Nakasisiguro ako na pagkatapos ng mga nangyayari ay may darating na magandang bukas para sa iyo! Sana ay magtagumpay ka." at unti-unti na syang naglalaho sa paningin ni Joshua.

Joshua: "Sandali lang . . ." pero tuluyan nang nawala si tata Isko.

Naiwang tuliro si Joshua. Iniisip pa rin ang kanyang naging kapalaran at ang maaari nyang sapitin pagkatapos nito. Iniisip nya rin ang kaligtas ni Eumi at pati na rin ang lahat ng mga mahal nya sa buhay.

Joshua: "Kailangan kong bumalik sa bayan ng San Nicholas!"

~>Itutuloy . . .

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon