11. Villain

10.4K 321 47
                                    

KMW # 11

Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam lalo na paginlove ka. Ngumingiti ka ng walang dahilan. Feeling mo ang ganda-ganda mong dalaga kahit alam mo sa sarili mong hindi ka kagandahan. Yung feeling mo na kahit Badtrip na ang nasa paligid mo dahil sa hindi mapuknat na ngiti mo ay wala kang pakielam. Basta masaya ka.

Mas lalo ka pang sumasaya lalo na pagmagkasama kayo. Feeling ko unti-unti akong nagmamatured tuwing kasama ko siya. Lagi ko kasing iniisip na hindi ko kailangan magisip ng basta-basta.

Sa ilang araw na magkasama kami ni Hawk--- este ni Pedro, parang araw-araw ko din naappreciate kung gaano siya kaasikaso. Nakakabisado ko na nga siya. Minsan paginis na siya. Mga mannerisms. Lahat napapansin mo kasi halos gusto mo nasa kanya ang atensyon mo.

Ngayon nga ay nasa hapagkainan kami, kasabay si Tenji at Lola, at magkaharapan kaming dalawa. Habang sa ilalim naman ng lamesa ay ang naglalandian ang mga paa namin. Pinapalibot niya yung binti niya sa Paa ko.

Tinitigan ko siya. Para naman wala itong ginagawa sa akin at pangiti-ngiti lang.

"Meron ba kaming hindi alam?" Halos hilahin ko ang paa ko kay Pedro ng marinig ko ang boses ni Lola. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya. Papalit-palit ang tingin nito sa aming dalawa ni Pedro. "Kanina ko pa kasi narardaman na may kakaiba sa inyong dalawa."

"Ahmm. L-lola kasi.." Naibaba ko ang kutsara at tinidor ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin kay Lola dahil alam kong siya ang pinakaunang tutol. "Si p-pedro tyaka ako.."

"Magkasintahan na po kami." Straight to the point na sabi ni Pedro.

Narinig ko ang pagbagsak ng kutsara ni Tenji sa plato niya at ang unang bumasag sa katahimikan namin.

"Pinatulan mo yung Ate ko?!" Pinigilan kong wag sipain ang pagmumuka ni Tenji kaya nasatisfy na ako ng masipa ko ito sa paa. "Aray ko po!"

"Tumahimik ka diyan! Kundi tutusukin ko ng tinidor iyang lalamunan mo!"

"Nakakatawa." Sarcastic na sabi nito.

Biglang natahimik ang lihim na away namin ni Tenji ng malakas na ibinaba ni Lola ang tasa niya sa lamesa. Tiningnan ko siya. Hindi siya galit pero ramdam ko ang disappointment niya sa akin.

"Anong ibig sabihin nito?" Muling tanong nito.

"Alam ko na po na hindi ako si Pedro. Ako si Hawk Fernandez at isang Businessman sa Manila." Tiningnan ako ni Pedro at ngumiti. "Kaya wala po kayong dapat ipagalala."

"Wala nga ba?"

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ni Pedro. Nararamdaman ko ang namumuong tensyon sa kanilang dalawa.

"Mr. Fernandez, may naiwan kang buhay sa Manila at hindi pwede na basta-basta mo na lang itapon iyon."

"Alam ko po at aayusin ko iyon."

"Kailan pa? Kapag nakita ko ng umiiyak ang apo ko?"

"Lola.." Sambit ko.

"Alam mo na tutol ako sa relasyon na ito." Sabi ni Lola sa akin. "Pero tumuloy ka pa din. Hindi ka ba nagiisip? Anong mangyayari oras na magkaroon ng alaala si Mr. Fernandez? Sa tingin mo ba maalala ka niya?"

"Mahal ko siya, 'la."

"Hindi mo siya mahal. Mahalin mo siya sa totoong siya, hindi sa paano mo siya pinaniwala."

Yumuko ako at tumahimik. Hindi ko maramdaman ang presensya ni Tenji at Pedro.

"Sisiguraduhin ko na hindi ko siya iiwan." Napaangat ang tingin ko kay Pedro. "Sa ngayon, hanggat nasa tabi ko siya hindi ko siya pababayaan."

Kidnapping Mr. WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon