6. Surprised

9.1K 250 34
                                    

Sorry if ngayon lang ako nakapagUD. Don.t worry ang busy kasi ng July ko super. Thank you sa walang sawang paghintay. Here we go <3

----

KMW # 6

Ilang araw pagkatapos niyang sabihin na gusto ako ni Pedro, naging awkward para sa akin ang kumilos sa iisang bubong.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Kapag pinagsisilbihan niya ako, umiiwas ako. Kapag pinaghahanda niya ako, sasabihin ko busog ako.

Hindi ako nagiinarte o nagpapakipot, sadyang ayoko lang i-risk yung puso ko sa mga ganitong aspeto ng buhay.

Hindi ko kayang panghawakan ang mga salitang "gusto niya ako". Kasi alam ko sa oras na magkaroon siya ng alaala, malalaman din niya kung gaano namin kinamumuhian ang isa't isa. Kaya habang maaga umiwas. Gusto kong lagyan ng Security Guard ang puso ko. No Entry. Heart is too Fragile.

"Khris." Napaigtad ako ng wala sa oras, nasa harapan kasi ako ng salamin at nagaayos.

"I-ilang beses ko na bang sasabihin sayo na kumatok ka b-ago pumasok ng kuwarto ko." Hinarap ko ito habang nakapamewang. Pinilit kong maging casual  ang tono ng boses ko kagaya dati.

Bigla itong napalingon sa kama ko. Nandoon kasi ang isang Bag ng Jansport na punong puno ng damit.

"Aalis ka?"

Tumalikod ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagsuklay ng buhok ko.

"Iniiwasan mo ba ako?"

This time huminto ako sa pagsuklay at humarap sa kanya. Medyo nagulat ako sa Aura niya dahil mukhang seryoso pa ito. Mukhang iritable. This smug expression reminds me of Hawk Fernandez.

"Ano naman kung iniiwasan kita?"

"Kung tungkol ito sa sinabi ko nung isang ara---"

"Anong sinabi mo noong isang araw?" Pilit kong inilihis ang topic. Ayoko kasing pagusapan.

"So... dahil nga ito sa mga sinabi ko sa iyo." Conclusion niyo. "Khris, you don't need to act like this. Pagusapan natin ito. Hindi yung basta-basta  ka na lang iiwas sa akin."

"Ano bang dapat nating pagusapan?"

Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Ayokong makinig sa sasabihin niya. Gusto ko ku munang magunwind. At para magawa ko iyon pupunta ako ng Manila, para makabonding ang bestfriends ko sa darating na Reunion namin.

"That I Like----"

"Blaaaaaah." Pinutol ko kung ano man ang sasabihin niya. Nararamdaman ko nanaman kasi na nagiincreased ang heart rate ko. Kinuha ko yung bag ko at sinukbit ko sa likod ko. "Saka mo na sabihin sa akin iyan kapag nakaalala ka na."

"Ano bang problema kung nakakaalala ako o hindi?" Naisuklay nito ang kamay sa buhok niya na parang nawalan ng pasensya. "Alam mo ang gulo mo. Dati, bawal ako magkagusto sa iyo kasi mahirap ako. Ngayon dahil wala akong maalala. Anong Big Deal doon? In the end, gusto pa din kita."

"Big Deal? Oo. Big deal sa akin iyang pagkagusto mo." Lumapit ako sa kanya at tinitigan sa mata. " Kasi oras na makaalala ka, hindi mo na maalala na nagkakagusto ka sa akin. Kasi imposible iyang sinasabi mo. Imposiable talaga." Inirapan ko siya tyaka ko tinulak ang dibdib niya para makadaan ako.

Pagbukas ko ng kwarto ay nakita ko si Tenji na nakikinig sa pinto. Nang mahuli ko ito ay nagpeace sign iyo saka tumakbo. Pinagpatuloy ko naman ang paglabas ko.

Kailangan ko munang makawala sa bahay Masyado na kaming malapit sa isa't isa. Dapat siguro lumayo muna ako sa kanya kasi habang nasa iisang bubong kaming dalawa, hindi maiiwasan na iyang nararadaman niyang iyan pwedeng lumalim pa.

Kidnapping Mr. WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon