4. Mangga

10.4K 281 13
                                    

4.

"Khris?"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nasa ilalim ako ng punong mangga at inaabangan ang pagbagsak niyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Inirapan ko si Pedro nang makita kong papalapit ito sa akin. "Huwag ka ngang lumapit. Naalibadbaran ako sa mukha mo." Tumingin ulit ako sa punong mangga. "Akala mo napakagwapo.." Bulong ko pa.

Patuloy lang ako sa pagtingin sa itaas ng sumingit ang mukha ni Pedro.

Natitigan ko tuloy siya ng wala sa oras. Medyo mahaba yung buhok niya. Chinito. Matangos na ilong at ang nagustuhan ko. Yung ngiti sa labi niya dahil lumalabas ang hindi masyadong lubog na biloy nito sa magkabilang pisngi.

Oo na! Gwapo nga ang loko. Pero ayokong iappreciate yung kagwapuhan niya! Kasi alam kong lalaki yung ulo niya.

"Tumabi ka nga diyan!"

"Bakit ang init nanaman ng ulo mo?"

"Ang pangit mo kasi. " Nalukot ang mga kilay ko. "Ano ba?!"

"Magkakastiff-neck ka niyan eh." Umupo ito sa tabi ko saka hinawakan yung ulo ko at ibinaba.

"Ano ba!" Pinalo ko yung kamay niya. Parang nakaramdam kasi ako ng mumunting kuryente sa hinawakan niyang parte ng ulo ko. "Lumayo ka nga!" Pero hindi na ako makapaghintay na lumayo siya. Ako na mismo ang tatayo at lumayo. Pero bago pa man ako makatayo ay hinawakan nito ang kamay ko.

Hindi ko alam kung ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy papunta sa puso ko at bigla akong kinabahan. Napatingin ako sa kamay namin. Sumunod sa mukha ni Pedro na mukhang nagtataka din.

"Bakit parang.." Lumipat ang tingin nito sa akin. "may Spark?"

Bigla kong kinuha yung kamay ko at itinago iyon sa gilid ko. Naramdaman niya rin yun?

Ilang minuto kaming tahimik. Ang awkward. Bakit parang ang hirap magsimula ng Convo sa kanya?

Muli akong napatingin sa puno ng mangga. Parang lumabas ang laway ko sa Salivary Glands ko.

"Gusto mo ba iyon?" Napalingon ako sa kanya ng tumayo ito. "Kukunin ko." Bigla itong tumayo at pumunta sa punong tinitingnan ko.

"Hoy!" Tumayo ako at sinundan ko siya. "Huwag na! Hindi naman ako nagcrave ah!"

"Gusto mo iyon. Kukunin ko para sayo." Ngumiti ito at nagready na umakyat.

"Baka malaglag ka!"

"Don't worry. I'll be okay."

Bakit ba pagparang seryoso siya mas lalo akong kinakabahan?

"Khris! Saluhin mo."

Nasa malalim pa akong pagiisip ng biglang may tumama sa ulo ko.

Kidnapping Mr. WrongWhere stories live. Discover now