1. Pwet

21.6K 396 35
                                    

PWET

<Khristel's POV>

"I Love You.." Bulong sa akin ni Ren habang hinihiga niya ako sa Bermuda Grass malapit sa sapa.. Astig diba? May Bermuda Grass malapit sa sapa?

Unti-unti niya akong hinuhubad ang mga butones ng kanyang polo shirt. Bigla akong naginit ng makita ko ang mabalbon niyang buhok sa dibdib.

"Can you be mine?" Pumatong siya sa akin at bumulong sa tenga ko. "As in Mine?"

"Hihihi..." Nakikiliting tawa ko. "Enekebe.." Pakipot kong sabi sabay palo ng marahan sa dibdib niya. 'Huwag dito.. Baka may makakita.. alam mo na.. hihihi.." Hinalikan nito ang tenga ko. "Ano ba... Hihihi."

"Is that a yes?" Ginamit nito ang hintuturo niya para i-trace ang noo ko papunta sa ilong ko, sa labi, balikat... Swear.. namamasa ako ng pawis.. nakakapanginit ng katawan at laman loob. "Hmm?" Inamoy nito ang buhok kong malapit sa leeg. Naman.

"Mamaya na lang.. Hihihi.." Tinulak ko ang dibdib nito. pero hala ka, ayaw talaga papigil. 

"Ngayon na.." Unti-unti nitong nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Close your lips and feel my lips on yours... babe.."

Hutang ng asdfghjkl!! BABE raw!

Sinunod ko ang sinabi niya.. pinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang kanyang mga labing namamasa na dahil dinalaan niya pa para medyo matamis ang halik.

Naramdaman ko ang mga hininga niya sa aking mga ilong.

Palapit....

ng palapit....

na palapit.. ng palapit... ng palapit..

Tagal ah..

Unti-unti akong sumilip para makita kung ano ang ginagawa niya.

Nakita ko ang lalaking kahit kailan hindi ko hahalikan, dahil mukha talaga siyang SpongeBob dahil sa dami ng kanto sa mukha.

"H-hawk?" Minulat ko ang isa kong mata. "Hawk?" Paninigurado ko.

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nakangiting mga mata at labi nito na parang nageenjoy sa mga nakikita niya. Nakasilip ang ulo nito sa kama ko.

"Good Morning Khris!" Masayang bati nito.

"G-good.." Inikot ko ang paningin ko sabay punas ng laway ko sa labi. Pamilyar ako kung nasaan ako. Nasa kwarto ko ako, dito sa bahay na nabili ko sa Sagada. "M-morning?"

Tumingin ako sa kaliwa ko, nasaan ang sapa? Napatingin ako sa kama ko, nasaan ang bermuda grass?

Tumingin ako sa harapan ko. Nandoon pa rin ang nakangiting mukha ni Hawk---- ni Pedro sa gilid ng kama ko. Nasaan si Ren Yu Babe ko?

Kidnapping Mr. WrongWhere stories live. Discover now