5. Problem?

9.3K 278 31
                                    

5.

"Tenji!!!!!!!!!!!!"

Narinig nanaman ang sigaw ko sa Buong Sagada ng dahil sa kapatid ko.

Sino ba naman ang hindi sisigaw kung makita mo na ang maayos na cabinet na lagayan ng mga damit mo ay naging parang bagyo sa gulo.

Sa totoo lang may pagka-OC ako pagdating sa damit ko. Gusto ko pareparehas ng kulay ang bawat damit na magkakatabi. Gusto ko nakikita ko yung tupi na akala mo nasa commercial ng 'Downy' sa sobrang lambot at ayos.

"Bakit nanaman Ate?"

"Anong nanaman?" Sinuntok ko ito sa braso. Hinawakan naman nito ang nasuntok ko. "Ilang beses ko na bang sinabi sayo na huwag mong pakielamanan ang Cabinet ko! Pero ginawa mo pa din!"

"Eh nakita ko kasing may damit ako doon."

"Sana kinuha mo ng maayos!" Susuntukin ko sana ulit siya ng may nagsalita sa likod ko.

"Good Morning."

Naibaba ko tuloy ang kamao ko at inilagay sa likod ko saka biglang pumuwesto sa tabi ng katabi ko.

" 'morning, La." Parehas namin na sabi ni Tenji. Tumango lang ito at dumiretso sa kusina sumunod naman ako pero bago pa ako sumunod ay inapakan ko ang paa nito.

"Awts."

"Ayusin mo iyon." Sabay ismid sa kanya.

Dumiretso ako sa kusina nakita ko si Lola na nasa kabisera habang naghihintay ng pagkain.

"Good Morning Khris!"

Lumipat ang mata ko sa bumati sa akin. At halos magkasala nanaman ang mga mata  ko kahit ang aga-aga.

"Hindi ka ba marunong magdamit, Pedro?"

Topless kasi ito habang hawak sa magkabilang kamay ang Plato ng kanin at Hotdog.

"Ang init kasi sa kusina kanina."

Oo nga, pati dito nasusunog ako sa sobrang Hot ng katawan mo.

Pero hindi ko sinabii yon. Mamamatay ako bago ko sabihin yun sa harap niya. Umismid na lang ako at tumabi sa gilid ni Lola na tahimik pa din hanggang ngayon.

Inilagay ni Pedro ang Plato ng Kanin at Hotdog sa gitna. Pero para mailagay yun, sa gilid ko siya pumwesto, parang mahihimatay pa ako sa init ng alam kong yung mga Abs niya nasa gawing kaliwa ko lang at parang nanghahalina at kumakaway sa akin na hawakan ko na.

Pero hindi ako nakatiis. Pahapyaw akong tumingin, saktong may tumulo pang pawis. Ano ba naman iyan, Lord?! Jusko. Napakaaga kong nagkasala.

Iniwas ko yung tingin ko at tumingin sa Hotdog. Pero ibang 'Hotdog' naman ang nasa utak ko kaya tumingin ako kay Tenji. Nakangisi ito sa akin. Tinadyakan ko ito. Mukhang may nakita siya.

"Pinagpapawisan ka ata ate?" Sabi nito habang nakangisi. Ineemphasize kasi nito ang salitang 'pinagpapawisan'.

Kidnapping Mr. WrongWhere stories live. Discover now