10. Truth

7.2K 276 29
                                    

KMW # 10

Magkahawak pa rin ang kamay namin dalawa habang naglalakad kami papuntang Hanging Coffins. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Parehas kaming tahimik. Mukhang parehas kaming naghihintay sa mga susunod na pangyayari.

Hanggang sa huminto ako dahilan para mapatingin siya sa akin. Nakatungo lang ako at nakatingin sa mga Paa ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

"Bakit ka huminto?"

This time I look at him. Nakita ko ang takot sa mga mata niya. "Bakit hindi ka magtanong sa akin?"

"Ayoko." Binitawan nito ang kamay ko at iniligay niya ang sariling kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya. "Mukhang ayaw mong pagusapan."

"Gusto ko.. pero hindi ko alam kung paano magsisimula."

Tahimik lang ito na nakamasid sa akin. Parang tinitimbang pa kung kaya ko na bang sabihin sa kanya ang lahat.

"Natatakot ka ba na magalit ako sayo?"

Yumuko ulit ako at tumingin sa mga paa ko. "Sorry.."

"Para saan?"

"Nagsinungaling ako." Huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa kanya. Napakagat ako sa labi ko bago magsalita. "Gusto kong sabihin sayo kung sino ka talaga.."

"I'm Pedro Dela Cruz. May utang ang pamilya ko sa inyo kaya nagtatrabaho ako bilang pambayad---"

"Hanggang ngayon ba pinaniniwalaan mo pa rin iyan?"

"Oo. Kasi iyon ang sabi mo." Matigas na sabi nito. "At naniniwala ako sayo."

"No." Umiling ako. "Ang laki ng kasalanan ang ginawa ko sayo."

"Katulad ng?"

"I lied." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso niya. "You're not Pedro. Hindi totoo na may utang ang pamilya mo sa pamilya ko. Gawa-gawa ko lang lahat ng iyon."

Nanlaki ang mga mata nito. "W-what do you mean?"

"Remember your Dream? Isa kang mayaman na Businessman na nagveventure sa iba't ibang bansa? Unfortunately, that's not just a dream. Its part of your memory. Memory of yours, that was lost few weeks ago."

Titig na titig ito sa akin. Mukhang hindi ito makapaniwala sa mga sinabi ko. "I... I dont know what to say.." sabi nito.

"Listen." Ibinaba ko ang kamay ko mula sa braso hanggang sa makaabot ito mula sa  magkabilang kamay niya. "You are rich. Isa kang businessman sa Manila. Napadpad ka lang dito sa Sagada ng dahil sa akin. Dahil sa kapabayaan ko." Naramdaman ko na naginit ang mga mata ko. "I'm sorry. Hindi ko alam na aabot sa ganito."

"Kaya mo ba ako tinawag na Hawk kanina? Dahil.. ako si Hawk?"

Ilang segundo ko muna siyang tiningnan bago ako sunod sunod na tumango. Unti-unti itong kumalas sa mga kamay ko bago lumayo sa akin. Yumuko naman ako at pininilit na huwag umiyak. Wag kang iiyak. Pagkatapos ng lahat ng kagagahan mo ikaw pa may ganang umiyak?

"Wow.." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin na ito sa Hanging Coffins. "...This is.." Saka humarap sa akin. "..very shocking."

Lumapit ako sa kanya. Alam ko nahihirapan siya sa nangyayari, nagagalit dahil hindi ko sinabi ang totoo sa kanya. Nadidisappoint dahil hindi niya akalain na ako pa mismong ako pa ang gagawa nito sa kanya.

"Bakit mo ito ginawa? Bakit ako? Bakit wala akong maalala? Bakit hindi ko alam na ako yung tinutukoy mo na Hawk Fernandez? Bakit hindi mo ako ibinalik sa Manila ganitong kilala mo naman pala ako? Bakit itinago mo ako dito?" sunod-sunod na tanong nito.

Kidnapping Mr. WrongWhere stories live. Discover now