3.That Plan

10.9K 288 17
                                    

3.

"Care to explain, Maria Khristela Tagala?"

Pahapyaw akong  tumingin kay Lola bago tumungo ulit at pinaglaruan ang mga daliri kong nasa ilalim ng lamesa.

"I'm waiting.."

Napapikit ako ng wala sa oras tyaka napakagat-labi.

Ganito ako kapag pinagagalitan, na hanggang ngayon hindi na natanggal sa akin.

Ayoko ng kinokompranta ako lalo na kapag GUILTY ako. Dahil halata na talagang may kasalanan ako. Sabi nga sa akin ni Tenji, kung nasa Korte kami, hindi ko na kailangan pang magpaliwanag, dahil sa kilos ko pa lang halata na.

Muli kong nilaro yung daliri ko. Sobrang Tense talaga ako, at ginagawa ko ito para marelease ang Tense ko.

Kilala kasi ni Lola kung sino ang totoong 'Pedro'. Kaya unang pakilala ko pa lang kay Ped--- este Hawk. Alam niyang nagsisinungaling ako. Oh, kilala rin ni Tenji si Pedro\, yung Totoo.

Yung totoong Pedro, nasa Manila. Pinapaaral siya ni Lola doon ng Civil Engineer at siya ang tumulong sa akin para makidnapped dapat si Ren Yu---- kaso, maling lalaki nga ang aking nakuha at hindi sinasadyang si Hawk ang nabingwit ko.

"L-lola.." Napatingin ako sa kanya. "Kasi.. Ano.. Yung.. Ano kasi."

"Wala akong maintindihan sa sinabi mo." Huminga siya ng malalim. "Anong nangyari? Bakit nandito sa Sagada si Hawk Fernandez?"

Biglang lumaki ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko?

"Kilala mo si Hawk, Lola?" Pabulong na sabi ko. Bigla akong napatingin sa bintana nakita ko si Pedro na nakikipagpaligsahan ng pagsibak kay Tenji.

"Kalat ang balita sa mga Businessman na katulad ko." Itinaas nito ang kilay nito. "Anong nangyari? Hindi mo ba alam iyang pinapasok mong gulo, ha? Halos halughugin siya sa Manila tapos malalaman ko kasama siya ng Apo and worst, mukhang wala siyang alam."

"Hindi ko po sinasadya, Lola." Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Hindi naman po talaga kasi siya ang target ko.."

"Target?"

"Kasi Lola, desidido na talaga akong magkita ulit kami ni Ren. Kahit 1Day lang Lola. Kaya nagpatulong ako kay Pedro nung araw na iyon."

Pilit kong inalala lahat ng mga nangyari nung araw na iyon:

"Pedro, sigurado ka bang nakacheck-in sa Hotel na ito si Ren?" Sabi ko sa kanya habang kausap ko siya sa Phone.

"Oo. Sigurado. Room 969 sure ako dito."

"Ayan ang gusto ko sayo, Pedro." Napangiti ako ng wagas. "Basta, tayo lang nakakaalam nito ha?"

Kidnapping Mr. WrongWhere stories live. Discover now