Chapter 32

18.4K 371 25
                                    

Chapter 32: YOU WON A DATE WITH...


(KATH'S POV)

It's been a week na hindi kami nagkikita ni DJ, why? Busy sa projects niya. Sa taping, etc. Hindi na nga kami masyadong nakakapag usap eh. Paano, pag natatakot akong magtext sa kanya, baka may makabasang iba. Delikado na. Diba? Pag tumatawag siya, saglit lang rin, at takas pa. Tapos dun siya muna sa condo niya natutulog, or should I say, hindi na siya nakakatulog sa rami ng ginagawa niya. 

Naaawa na nga ako kay DJ, eh paano ba naman kasi, sunud-sunod ang mga kailangan niyang gawin. Haaay, ang hirap naman pala maging artista, at maging sikat. Bakit ba kasi gwapo yang unggoy na yan eh. 

Kayla: "Daniel Padilla Meet-up on Saturday?"


Aria: "Talaga? Saan naman?!"


Kayla: "Sa isang restaurant sa QC."


Aria: "Punta tayo?!"


"Grabe, parang hindi niyo pa nakikita si DJ ah?" sabat ko naman. Eh kasi mag aaksaya pa ng pera 'tong dalawang 'to, eh parang nakakasama naman nila si DJ sa gig. Tapos pag dito sa school. Tapos pag kasama ako.

Nag-isip naman yung dalawa. Forever fan girl 'tong dalawang 'to eh. Loyal na loyal. Hahaha. Nakakatawang isipin na naging kaibigan ko 'tong dalawang 'to. 

Kayla: "Bakit ikaw Kath? Di mo ba namimiss si DJ?" 


Aria: "Oo nga. Dapat nga ikaw ang pumunta dun eh, kasi may karapatan ka."

Napaisip ako. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay dapat nandun ako. Ayokong maging possessive na girlfriend. Ayokong magng stage girlfriend. Ayokong masakal siya sakin. Oo, namimiss ko na siya, pero alam ko namang may iba pang paraan para makita ko siya. Ayokong gumawa ng gulo at malaman ng fans niya na kami na.

Aria: "Alam ko na!!! Diba may meet and greet contest si DJ? Sali ka kaya Kath? Para may one-day date kayo!!!"


Kayla: "Oo nga!!! Ang gagawin mo lang naman ay gagawa ka ng fan art eh. Dapat syempre unique at kapansin-pansin."



Fan art? Meet and greet date? Wow, that never crossed my mind.

"No thanks." sagot ko. Ayoko nga kasing mapublicize.

"KJ!!!" sigaw nung dalawa, 'tas bigla na lang dumating yung prof namin. Buti naman.

***

Break time, kasama ko si Julia sa may garden at nakaupo kaming dalawa sa may bench while eating ice cream. My favorite.

"So what's his problem at hindi kayo nagkikita?" tanong ni Julia. Napatingin naman ako sa kanya, and automatically alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon