Chapter 4

24.3K 488 34
                                    

Nagbago si Watty. O_O 

O ngayon ko lang nakita? Hahaha! So vote na kayo! Yung vote button ay nasa baba nitong story. :)

Dedicated to her. Uhm, kasi wala lang. :)

Pafollow sa Twitter! @ocampokaye ang username ko :)

Enjoy! xx

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 4 : Happy? Monthsary

Hindi man lang siya nagsorry. Hindi man lang siya sumunod sakin. Hindi man lang niya ako hinabol. Hindi man lang siya kumatok sa bahay.

Ang sakit. Ang sakit mag assume na gagawin niya yun. 

Eh kala ko ba girlfriend ako? Eh bakit parang wala lang ako sakanya ngayon?

Eto ba ang sign na mawawala na kami? 

"Ano sa tingin mo, Kath?" 

"Ha?" kinakausap pala ako nila Kayla at Aria. Pero hindi ko manlang narinig kung anong sinabi nila.

"Sabi namin, kung gusto mo ba sumama mamaya?" tanong ni Aria.

"Saan?" tanong ko naman.

"Susundan si Daniel Padilla, eh kasi narinig mo ba yung tsismis?" tanong naman ni Kayla.

"Oo, yung nakita daw siyang nakipaghalikan dun sa isang babae sa department nila. Yun kaya girlfriend niya? Sa tingin mo?" dugtong naman ni Aria.

Napasubsob na lang ako sa desk ko. Ano bang sinasabi nang mga to? Lalo akong nanlulumo eh. 

"Ano? Sasama ka ba?" tanong ni Kayla.

Umiling lang ako habang nakatungo pa rin. Ayoko nga. Bakit ko naman susundan yung unggoy na yon? Galit parin kaya ako sa kanya hanggang ngayon. GALIT.

Inis... Disappointed.

"Oh, we see. May sakit ka pa ba? Diba kahapon sumakit ulo mo?" tanong naman ni Aria. Umiling ulit ako. Tapos nagdaldalan na ulit sila.

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon