Chapter 25

20.9K 407 56
                                    

Chapter 25: Nobody's Perfect


(KATH'S POV)



Whaaaaa! Ayoko pa mamatay! Ayoko paaa! Marami pa kong gustong gawin sa buhay ko. Katulad ng pakikipagbati kay Dj. Di ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko pa siya! Na hinahanap-hanap ko siya. Aaaaah! Kung sino man 'to, Lord, sana wag muna akong patayin, sana bigyan nya ko ng 24 hours para gawin lahat ng hindi ko pa nagagawa sa buhay ko.



"Mmmmh!" takip niya kasi bibig ko eh. Hindi ko siya makita, kasi nakatalikod ako sa kanya, 'tas madilim dito sa lugar na 'to. Whaaaa!


Sino ba kasi 'to? Anong kasalanan ko sa kanya?!


"Mmmmhhh!" Nasipa na ko sa likod para makawala pero bigla nyang tinakpan ang bibig ko ng panyo...


Then everything went black.



"I'm telling you na... Hindi na kita mahal."

Ano?


"Wala nang pag-asang magkabalikan tayo."


A-ano? D-di p-pwede!


"Kaya nga nakipaghiwalay ako e, kasi nga hindi na kita mahal eh."


Tama na! TAMA NA!


"Sorry Kath, pero... Hindi talaga... Hindi na kita mahal."


TAMA NA! AYOKO NA! HINDI MO NA KAILANGANG IPAMUKHA!


"Hindi na kita----"




"WHAAAAAAAAA!"



Napamulat ako at napahawak sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok nito, tapos naiyak na pala ako. Anong... Ang pangit. Ang sakit. Nakakainis naman yung panaginip na yun! Parang makakatotohanan.


Nasan na nga pala ako? Diba... Teka? Nakidnap ba ko?



Lingon sa paligid. Where am I?



"NASAN AKO?" sigaw ko. Madilim eh, tapos nakatali ako sa upuan, pero may spotlight sakin. 

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon