Chapter 35

16.9K 353 95
                                    

Chapter 35: Who's who



"So anong nangyari sa concert? Masaya ba? Gwapo ba si Adam Levine my love?" Salubong ni Julia sakin sa school kinabukasan.

"Ang saya, grabe! Nakakakilig." Kinuwento ko pa sa kanya ang mga nangyari. Yung mga kinanta, yung lahat. Nagfangirl pa kami don.

"Nakakainggit ka naman, Bes." Tapos nagpout sya. May naisip naman akong bright idea.

"Halika, samahan mo ko sa mall." Yakag ko sabay hila sa kanya.

"Ha? Anong gagawin natin dun?" Di ko na sya sinagot.

Pagkarating namin sa mall, dumiretso agad kami sa Pizza Hut.

"Kakain tayo dito? Yun lang?" Tanong niya.

"Oo, teka, CR lang ako. I-order mo ko." Sabay alis ko. Actually hindi lang talaga para kumain kami dito, bibili ako ng Overexposed, yung bagong album ng Maroon 5 tapos ireregalo ko kay Julia. Early Christmas gift. Haha.

Pumunta na ko sa Astroplus (ad fee here haha) hinanap ko yung Overexposed, at ayun! Iisa na lang siya sa corner.

Nung kukunin ko na, ay meron ding kumuha pa. Aaah? Nauna ako!

"Excuse me po, nauna po kasi ako." Sabi ko dun sa lalaking naka cap at shades na kala mo naman hitler. Hala? Kung hitler to, baka patayin ako nito? Nooooo!

Tumingin ako sa kanya. Pamilyar to eh.

"Uy, ikaw yung girlfriend ni Daniel diba?" Oops. Sino ka? Bakit alam mo?

"Ako si JV. Yung kasama niyo sa concert kagabi." Tinanggal nya yung shades nya, at oo nga! Kala pala pamilyar. Artista pala, kaya nakashades.

Binigay na nya sakin yung album, at nag insist pa na siya na raw magbabayad. Pero sabi ko, regalo ko yun sa bestfriend ko, kaya ako na.

"So friends na tayo?" Tanong nya sakin. Mukha namang friendly eh, pati pareho kami ng interests. Di naman masamang makipagfriends diba? Buti nga ngayon may mga nakikipagkaibigan na sakin. Samatalang noong high school. Suuus.

"Sure!" Sagot ko, hinatid nya ako sa may Pizza Hut, at umalis na rin siya kasi may shooting pa daw sya. Ohh.

Ibinigay ko kay Julia yung album. At sabi nya...

"Bes, wala akong pambayad dito." Natawa naman ako. Tapos hinug ko sya.

"Regalo yan. Early Christmas gift." Tapos nagwink ako. At ayun, nagsimula na siyang magwala. Hahaha.

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon