Chapter 17

21.2K 445 67
                                    

Hello guys! Alam kong hindi umabot ng 90 yung last chapter. Pero anong magagawa ko? Ayaw nyo magvote eh. Diba? Mehehehe :3 So eto na, dahil birthday ni Dj, nag update ako! Yay! At birthday nya rin ang scene na 'to! Wahahaha. Prepare to be doomed. Hahahaha! Enjoy. Wag nyo kong papatayin :P 

PS. May party pala si DJ kahapon? Huhuhuh. Di ko alam. May picture yung friend ko with DJ kahapon. :((

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Chapter 17: The Birthday


Birthday na ni Dj, at alam kong magpaparty sya mamayang gabi. Inimbita kasi ako ni Tita Denn. Di pa rin kami nagkakausap ni Dj mula nung gabing yon. Nasasaktan ako pero sa tingin ko kailangan namin makapag isip. Pati ako... Kasi kailangan kong iwan sya ng panandaliang panahon. As much as ayaw ko, kailangan eh.


Bakit?


Flashback



Pinatawag ako ni Prof. Anila, professor ko sa Math slash dean ng school, may kailangan daw syang sabihin sakin.


"Ms. Bernardo, natutuwa ako sayo. Dahil napaka sipag mo at isa kang matalinong bata. May ibabalita ako sayo."


"Ano po yun?" tanong ko. Kinakabahan ako yet naeexcite.


"You were chosen to be the exchange student for Michigan State University." nakangiti nyang sabi sakin. 


Wait...


MICHIGAN?! Sa US?! Di nga?!


"Really Ma'am? Thank you po. I am so grateful." Grabe, parang pinangarap ko talagang pumunta sa ibang bansa at mag-aral no!


"May isa pang student, he's a third year from Comsci. Makakasama mo syang umalis next month."


May kasamahan pala ako eh. Pero third year, tapos lalaki pa. Ahh. Pero... Next month na?!


"Next month na po?"


"Yes. And napadala na namin yung letter to your parents."

No choice. I'll be going to Michigan.



End of flashback


One year lang naman yun eh. One year ko lang namang iiwan ang mahal ko. May internet naman eh. Diba? Kaya ibabalita ko sakanya ngayon, at makikipag ayos na ako sakanya.



Papunta na ako sa bahay nila, malapit na nga ako at dala ko na yung regalo ko for him.

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon