Previous Page of 2Next Page

Still This Crazy Love (PUBLISHED)

spinner.gif

Chapter 16: Pressure

 


(DJ's POV)

 



Nandito na ako sa Audi, may practice kami ngayong umaga. Di ko kasabay si Kath pumasok, ewan ko, matinding pagseselos ata ang nararamdaman ko. Di ko pa kayang kausapin sya.

 


Masisisi nyo ba ako kung nagselos talaga ako? Eh mahal ko sya eh. May karapatan naman ako magselos.

 


Pero mali ba na di ko siya hinayaang mag explain?

 


Lester: "Tol! Aga mo ah."

Sed: "Bat di mo kasabay si Kath?"

Katsumi: "Hinahanap ka nya samin kagabi. Nagkita ba kayo?"

 

Nilampasan ko lang sila. Wala ako sa mood eh. Lalo na kagabi. Nasan ako?

 

 


Flashback

 



Natanggap ko yung text nya, di ko alam kung bakit bigla na lang nagbago yung mood ko. Gusto kong magreply ng 'I love you too' pero kailangan kong panindigan na nagseselos ako.


Di ko rin napigilan sarili kong pumunta sa kanya. Ayokong mag intay sya, baka lamukin sya dun at kung mapano pa sya.

 



"Direk, una na po ako." Paalam ko. Di pa tapos pero nagpaalam na akong maagang aalis kasi may important matters pa ko.



Important naman si Kath diba.


Tumakbo ako nang mabilis papunta sa gate. Pero di ko inexpect ang nakikita ko.




Kausap ni Kath yung Khalil na yon.



Lagi ba silang nagkikita?


Nagtago ako sa likod ng puno, bakit di ko sya sinugod?! Ewan ko.



Nakita kong umalis na yung Khalil pero di pa rin ako lumapit. Pinagmasdan ko lang si Kath.


Nakita kong awasan na nila at nagtanong sya kala Lester at nadisappoint.



Pero di parin sya umalis. Mukhang iintayin talaga ako.



Nagvibrate yung phone ko.

 



Calling Kath 

 


Sinagot ko naman. At tumingin ako sa kanya. Nakatayo parin sya sa may gate.

 



"Dj, nasan ka na?"


"Wag mo na kong intayin. Umuwi na ko." Matigas kong sabi.


"Ah, ganon ba?" Nalungkot boses nya. Gusto ko syang puntahan don, pero may pumipigil sa paa ko.


"Umuwi ka na." Then I ended the call.

 



Tumungo sya at nagsimulang maglakad paalis.

 



End of flashback

 



Oo, kasalanan kong di ako pumunta. Eh sa nagseselos ako eh.

 


Pagpasensyahan nyo na, pero yun lang nararamdaman ko. Nasasaktan rin naman ako. Lalo na't mahal na mahal ko sya.



Di ko sya nakita buong araw. Kasi umiiwas ako. Nakahalata naman yung tatlo na may problema kami kaya nanahimik lang sila.

 

 

 

"CUT!" Nagising ako sa sigaw ni Direk. "Daniel! Ano ba't lutang ka?! Ano bang iniisip mong bata ka?!" Nagalit sakin. Ang dami ko kasing iniisip eh.



"Ah, eh... Sorry Direk." Sabay tungo ko.



"Okay, magbreak muna kayo! Daniel, may pag uusapan tayo." Tumango ako at sumunod sa kanya. Tahimik lang ako.

 

 

 


"Daniel, alam mong mag aartista ka. Sa mga maliiit na problema dapat hindi nasisira ang focus mo. Dapat hindi ka nagpapaapekto. Hindi ko man alam ang problema nyo ng girlfriend mo, pero kailangan mong magfocus sa pag arte mo. Pinili mo to." Nagulat ako. Bakit alam nya?


"Daniel Padilla, you need to choose between Kathryn and your career. Next week, magsisimula na ang workshop mo. I don't need your problems in here. Kung makakasira lang din naman ang relasyon nyo dito, better choose one."


Nagulat na naman ako. Ano?!


Bakit kailangan kong pumili?!



HINDI PWEDE!

 

 

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (29)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended