Chapter 36

14.2K 370 193
                                    

Chapter 36 : Third party

Sino ba kasi yung babaeng yun? Bakit kailangan niya pang umepal sa buhay naming ni DJ? Masaya na kami diba? Bakit sisingit pa siya?

Kasalukuyan akong nakalock sa kwarto ko, at naiyak. Kanina pa rin may nakatok sa pintuan ko, at malamang lamang na si DJ yon. Hindi ko binubuksan kasi, ayoko siyang makita, ayoko siyang kausapin. Ayokong makita nyang naiyak ako gawa niya.

Sino ba kasi yon? At bakit magkasama sila ni DJ? Pinagsinungalingan niya pa ako’t sabi nya ay nagtratrabaho pa siya. Nakakainis!!!

Pero Kathryn, baka naman pinsan niya lang yun?

Pinsan?! Kilala ko ang mga pinsan ni DJ. Ang alam ko, wala sila dito sa Pinas. Pati kung pinsan nya yun, sasabihin nya naman sakin diba?

“Kathryn! Mag usap naman tayo, please? Ano ba kasing kinagagalit mo? Kathryn!” Anong kinagagalit ko? Tanga ba siya? Hindi pa ba malinaw sa kanya kanina yung sinabi ko? Na siya nga may kasa-kasamang iba!

Ilang minuto pa, tumahimik. Sumuko na siguro siya. Ganun? Agad? Susuko agad siya? Sinukuan nya ako kaagad? Mas lalo akong naiyak. At siguro yun na yung dahilan kung bakit ako nakatulog agad.

“Alam mo bes, sa lahat ng party, yan ang di masaya. Yan ang party na walang invitation. Yan ang party na mayroong nag gagate crash. Yan ang third party.” Kinuwento ko kasi kay Julia. Kasi paggising ko, nandito na agad siya sa bahay namin. Siguro pinapunta ni Mommy.

Agang aga tuloy ay naiyak na naman ako.

“Kala ko okay na… kala ko wala nang sagabal… kala ko okay na kami Julia.” Sabay iyak ko. Iyak ako nang iyak. Ngayon na lang ata ulit ako umiyak gawa nung unggoy na yon.

“Kath, kasabay ng pagmamahal ang sakit. Laging nandyan yan, pag nagmamahal ka, natural na ang masaktan.”


“Pero Julia… palagi na lang ako yung nasasaktan.”


“Bes… sa ginagawa mong ‘to, bet ko nasasaktan rin si Dj. Kasi hindi mo sinasabi sa kanya kung bakit ka ganyan. Nasasaktan rin siya kasi nakikita ka niyang nasasaktan. Bes, alam mo, alam na alam ko naming mahal na mahal mo si Dj at alam ko ring mahal ka rin nun kahit gago yun.”


“Pero Julia! May kasama siyang babae kagabi!”


Still This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now