8th Curse ~

346 10 1
                                    

“each of us has a mission. Kung ikaw ang nakatakdang eliminate, all you need to do ay gawin ang mission na nakatakda sa iyo. If you do, you will not be eliminated. At ang character sa mission mo ang maeeliminate. And in Alexis case, she need to unveil who is the wolf. In her case, ang tinutukoy na wolf dun ay isa nilang kaklase, si Gerard who deceived her in real life, kagaya ng pagdeceive ng wolf kay little red riding hood. Alexis failed to unveil who the wolf was, and in worst case scenario, someone, revealed her role. Her bestfriend, Yin Morales”

Natahimik ang lahat. Para kaming nakikinig ng isang kwento. Isang malungkot at totoong kwento. Kaibigan nya pa ang nageliminate sa kanya.

Ngayon ko naisip, na Kaya dapat na wala kang pagsasabihan ng tungkol sa role mo. Dahil maaring dumating ang araw na ang pinagsabihan mo ang mageeliminate sayo.

Alam ko kung ano ang role ni Alden. At di man nya sabihin, madali lang para sa kanyang hulaan kung ano ang role ko. Pero komportable akong hindi nya ko ieeliminate

 8th Curse

 

[Kristine’s Pov]

Ang lahat ng bagay ay katulad ng dati. Ganun pa rin, walang nagbago. Bawat araw parepareho. Ilang araw na ang nakalipas mula ng pagpasok ko sa eventyr, at ang pagdating ko sa dorm na iyon. Nagsimula na rin akong pumasok sa klase. Pero hanggang ngayon, hindi pa dumadating sa kwarto ko ang room mate ko. Si glimmer.

Buti naman. Dahil hindi ko maatim na makasama sya sa isang kwarto. Na ang hanging hininhinga nya ay hingain ko din.

Isa lang itong pagkaraniwang tanghali. Dalawang lingo after ng acquaintance. Ilang araw matapos ng pagdating ko sa dorm at pagaannounce ukol sa unang eliminasyon. Pero wala pa ding nagbago. Ang mga tao ditto, nagrupo grupo. May ibang nagkanya kanya. Pero tss. Naggagamitan lang sila.

Hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan agad kung paano laruin ang larung ito. Kaya alam ko ang dapat antayin. Ang clue na ibibigay nila. Oo wala akong interes sa laro. Hindi ko gusting manalo. Pero hindi ako dapat matanggal. Mananatili ako ditto hanggat di ko naiisip ko paano makaganti kay glimmer.

“Kristine”

Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko yung receptionist nung eventyr na kumakaway sa akin at ngumingiti.

Nagdirediretso lang ako sa paglakad. Sya lang pala, wala akong pakialam sa kanya.

“Miss zombie!” sigaw nya pa.

Kahit anong itawag mo sa akin, hindi mo makukuha ang attensyon ko. Never.

“Mina!”

Mali ako. Makukuha nya pala ang attensyon ko gamit ang pangalan ng bestfriend ko. Bwisit.

“Ano?’

“sumama ka sa akin. Inannounce na ang clue para sa unang elimination”

Tumingin ako sa kanya, tapos ay nagsimulang maglakad papunta sa Hall na nauuna sa kanya. Ayokong kasabay ang lalakeng ito. Masyadong madaldal.

Pagdating sa Board ay nakapaskil ang unang Clue.

SNOW

 

“Madali lang hulaan yan, snow white” sabi nung isang babae sa likod.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon