16th Curse

178 9 0
                                    

16th curse

 

Malungkot akong nakaupo sa may kwarto ko. Para bang lahat ay walang silbi at dahilan. Si she, si Alli. Nawala sila sa akin, tapos ang iisipin lang ng glimmer na iyon ay maswerte ako.

Ayoko ng larong ito. Ayoko ng magstay sa larong ito. Pero kaylangan kong maglaro, para kay Alli. Alam kong babalik sya. Babalik din si Alli. Yung mga nangyari naman, maaring hindi yoon totoo. Mapapatunayan at madadahilanan din ni Alli yun.

Naniniwala ako kay Alli.

Natigilan ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. May isang message hindi galing sa isang number. Ang nakalagay lang sa sender ay Eventyr.

 

Message:  Good Evening Elites. We have a special announcement to make regarding to the next elimination round. We won’t give any clues as for now. Instead of a regular Elimination round, we are going to have a special round entitled, Slayer round.The rules will be announced tomorrow. Expect the unexpected.

 

 

[Yin’s Pov]

Nandun ako sa opisina namin habang nanonood ng live coverage ng elimination round sa Eventyr. Nagawa kasi naming makapagimplant ng ilang hidden cameras doon ng hindi nila nalalaman. Kaylangan kong makita ang bawat nangyayari sa Eventyr. Kaylangan kong malalaman ang bawat galaw nila, para kahit papaano, mapigilan ko ang trahedya.

Walang naeliminate sa gabing ito. At may nakatanggap ng immunity. Hindi kagaya ng nakaraan na may namatay at nasaktan, masyadong payapa ngayon. Nakakapagtaka hindi ba? Noong mga nakaraang buwan, naospital si Shelanie, namatay si Christine, nawala si Allison, ang daming masamang nangyari, tapos ngayon sobrang payapa. Parang isang tahimik na dagat bago ang Tsunami. Parang ang tahimik na langit bago ang mapayapang bagyo. Kahit walang nangyaring kakaiba ngayon, duon ako mas lalong kinabahan.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita si Allison, at mas nakakadagdag iyon sa pagaalala ko. Kaylangan kong makita si Allison. Kaylangang ako ang unang makita sa kanila.

“Oh Yin, ano yang pinapanood mo dyan?” isang pamilyar na boses ang narinig ko, at pagtingin ko kung sino iyon ay napasimangot na naman ako.

Si Carlo.

Pinili ko syang hindi pansinin. Naiirita ako pag nandyan sya. Kung paanong kinamumuhian ni Kristine si Glimmer ay ganoon din ako kay Carlo.

Marahil ay nandoon lang sya para mangasar.

Nagsasalita sya dun pero hindi ko sya pinapansin. Wala akong pakialam sa kanya, pero sa konting salitang sinabi nya lang ay nakuha na nya ang atensyon ko.

“May lead ako kay Allison.”

Napatayo ako. Hindi pwede. Dapat ako ang unang makahanap kay Allison. Hindi ang Carlo na iyon.

“Anong nahanap mo? Nasaan si Allison?” bigla ko na lang nasambit. Sya naman ay ngumiti lang ng nakakaloko sa akin.

“Bakit ko naman sasabihin sa iyo? May mapapala ba ako sa iyo?”

[Dennis’ Pov]

Naroon na ako sa dorm ko. Nakahiga ako sa kama ko at kaukausap ko sa cellphone si Erin.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon