37th Curse

89 5 1
                                    

37th Curse

Nagsimula na ang first period ng laro, wala akong nagawa kundi iboto si Erin, Muli, sya na naman ang nanalo. At ineliminate nya, ang character na si Gretel. Si gretel, yung kapatid ni Hansel. Nakakatawa siguro kung may Hansel din na character dito. Pero wala namang babae at lalaki na magkapatid dito eh. Tama ba?

[Kristine's Pov]

Nanduon lang ako sa ball na iyon, walang kibo. Erin casted her vote, ineliminate nya yung character ay Gretel. Sino naman kaya iyon? Lumingon lingon ako sa paligid. Nakita ko si Glimmer na tawa ng tawa. Natuluyan na ata.

Tumayo ako at nilapitan si Alli. Nakaupo lang sya sa isang sulok at tulala.

"Alli," sabi ko pa. Hindi pa rin sya kumikibo. "Allison!"

Bigla syang napatingin sa akin. Tila wala sya sa sarili nya.

"Kristine?" yun lang ang nabanggit nya. Habang maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko.

Hindi ako pwedeng mawala sa larong ito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko na hindi makuha ang Eventyr. Na hindi mahigantihan ang lahat ng dahilan ng pagkamatay ng magulang ko, ng pagkamatay ni Domina. Pag naging makapangyarihan na ako, magagantihan ko na si Glimmer. Para sa magulang ko. Para kay Domina.

"Pwede bang makialyansa sa inyo?" iyon lang ang nasabi ko. Si Allison naman ay nagulat. Oo alam ko kagulat gulat. Kinamumuhian ko si Glimmer. Nababalita sa buong campus na sila ni Alli nagpadukot sa akin. Ayoko din kay Alli. Ngunit mas lalong ayokong mawala sa laro. Aalamin ko pa ang lihim ni Christine.

"Glimmer, ipapaalala ko lang. akala ng lahat kami ang gumawa nun sa iyo? Bakit ka sa amin grugrupo?"

"Simple lang, dahil nakidnap ako. Mas malinaw sa akin at mas alam ko na hindi kayo yun. Isa pa, I need an alliance."

"Wag sa amin, malaki ang posibilidad na maalis kami. Dahil sa akala ng lahat, kami ang pagtutulungan nila. Isa pa, sapat na sa akin na si Glimmer na lang ang pinakikisamahan. Hindi ko kayang pakisamahan kayong dalawa na alam ko namang mortal na magkaaway."

Ayaw man ni Alli, pero gagawa ako ng paraan na mapaalyansa sa isa sa kanila. Isa pa, kailangan kong mapalapit kay Glimmer, para alam ko kung paano sya papatayin.

[Psaricka's Pov]

Napalingon ako sa paligid. Nagcr lang ako tapos pagbalik ko, ang ingay na. di ba tapos na ang laro? Bakit hindi pa sila nagaalisan? Bakit nakatipon pa sila? Ano bang nangyayari?

"Anong nangyari?" natanong ko na lang si Elmo. Sya ang pinakamalapit sa akin eh.

"Nagannounce na tatapusin ang dalawa pang games sa gabing ito. Pagkatapos ng huling round. Magbibigay ng 1 hour grace period ang Eventyr. Para eto sa mga naeliminate. Di ba kapag may enough number of tickets yung naeliminate, irereinstate sya? Pagkatapos noon, iaannounce na yung mga talagang eliminated." Paliwanag pa ni Elmo.

Simula na. Simula na ng totoong labanan. May dalawang rounds pa. Hindi ako pwedeng matanggal. Hindi pwede. Makukuha ko ang Eventyr. Maproprotektahan si Shelanie, at makukuha muli ang kapatid kong si Alli na napalayo ang loob sa akin.

"So ibig sabihin, magdamag tayong nandito? Walang tulugan? Dapat sinabi nila ng nakapagdala ako ng tent at kumot pati unan para makapagsetup ako ng tent dito sa loob ng ball. Inaantok na ako." Sabi pa ni Ceejay. Sabagay, hindi lang sya ang nagulat, and well, dissapointed. Marami rin. Ako din. Pero maganda na ito. Ng matapos na ang period na eto. Matapos ang gabing ito, may mga maalis, at mababawasan ako ng karibal.

Luminga linga ako sa paligid. Si Mira, nasa may malapit sa salaming bintana, umiinom ng wine at nakatingin sa malayo. Si Ceejay, nakasalampak sa gilid at natutulog. Si Erin, nakikipagkwentuhan at tawanan kela Alden at Alex. Si Alli, hindi ko makita kung nasaan. Nasaan na kaya sya?

Ibinigay na sa amin ang takdang oras para magusap usap at magstrategize bago ang next voting ng leader or president. Matapos noon naman ay ang pageeliminate ng isang character nung nanalo sa voting. Oo nga at napagusapan namin na si Erin pa rin ang iboboto, pero parang ayaw ko na. Wala akong tiwala sa babaeng iyon. May kung anong mali sa kanya.

Naglakad lakad ako papalabas ng hall. Papuntang lobby. We are allowed to get out of the hall, magpunta sa lobby at iba pang amenities sa building na iyon basta lang babalik kami kapag nakatakdang oras na. But we are not allowed to leave the building. Naglakad lakad ako sa labas ng ball, sa may lobby, nagbabakasakaling makita si Alli at makausap. Mula ng mawala sya, naputol na ang sustento na trinatransfer ko sa card nya. Pinutol ko na iyon. Matagal na rin iyon. Nagaalala ako kung paano sya nabubuhay? Sino ang tumutulong sa kanya?

Patuloy akong naglakad ngunit hindi ko makita si Alli. Sa halip, si Dennis ang nakita ko, nakatayo sa isang gilid at tila may kausap. Nagtago ako upang hindi nya ako makita.

"Erin, makinig ka sa akin. Bistado na kita. Alam ko na ang ginawa mo~" pagkasabi nya noon ay huminto sya ng saglit.

"Wag ka ng magmaang maangan pa. Alam ko ng hindi mo ineeliminate ang mga kalaban natin kagaya ng napagkasunduan. Mga kagrupo natin ang ineeliminate mo!" Paulit nyang sabi.

"Itigil mo na yan at ~"huminto sya at tila parang nataranta, "Erin? Hello Erin! Erin!" tapos ay binulsa na ang phone nya.

"Anak ng tinapa naman, ayaw makinig ni Erin." Mahina nyang sabi ng magisa, patuloy akong nakikinig at nagtatago pa rin.

"Hindi pwedeng magtuloy ito.Tinatraydor kami ni Erin. Hawak ko ang mga cards. At hindi ang mga taong nasa usapan ang mga tinatanggal nya." Kumakamot sa ulong sabi ni Dennis.

Kung ganoon, peke ang cards. Isinetup ni Glimmer? Talagang walanghiya yung babaeng iyon, tapos nasa poder nya si Alli. Hindi pwede ito. Isa pa, kung ganoon, hindi ang mga dapat alisin ang naalis. Kung hindi sa kanila? Ibig sabihin, sa amin?

Naglakad papaalis duon si Dennis at patuloy ko syang palihim na sinundan. Hanggang pumasok sya sa Cr. Naiwang nakabukas ang pinto, at pagsilip ko, pumasok sya ng cubicle at hindi sa urinals umihi. Nakita kong nakapatong yung dala nyang bag at yung cards. Mabilis akong pumasok duon at binuksan ang invitation envelopes. Ng madahan para hindi nya malaman. Marahan din ang paglalakad ko para hindi nya malaman na may tao sa loob. Inilabas ko yung cards at kinuhaan yun ng picture. Ni hindi ko na nga binasa. Kinuhaan ko na lang ng picture at binalik sa envelopes ang mga iyon sabay labas ng CR.

Paglabas ko ng CR ay saka ko tinignan ang mga nakuhaan kong cards para malaman ang laman ng totoong cards. At nagulat ako sa nakita ko.

[Dennis's Pov]

Nasa loob ako ng cubicle noon, kitang kita ko ang dulo ng pulang gown na nakasayad sa sahig kahit nas loob pa ako ng cubicle. Kasi eto yung nakaangat iyong pinto kaya kita mga paa. Hindi ako agad lumabas duon at hinayaan na lang sya na makalabas.

Kumagat si Psaricka sa pain. She had taken the bait.

Lahat ng nangyari kanina, pati yung kunyaring conversation kay Erin, gawa gawa ko lang iyon, para mabihag si Psaricka. With the wrong information she had by now, magiging tauhan ko sya at gagawin nya lahat ng kaylangan ko sa plano ko ng hindi nya namamalayan.

Lumabas ako ng Cr at tinawagan si Glimmer.

"Nasa isang building lang tayo, tinawagan mo pa ako, hindi mo na lang ako pinuntahan." Sabi pa nya.

"May pantawag naman ako, bakit pupuntahan pa kita? Namiss mo ko noh?"

"Tnginuh mo din eh noh? So bakit ka tumawag?"

"Psaricka had taken the bait. Do your part. Konting kilos na lang, matutupad na ang iplinano ko."

"Sige, ako na ang bahala. Correction, plinano ko! Ako kaya ang nakaisip duon sa cards!" at pagkasabi noon ay naghangup na si Glimmer.

Oo, si Glimmer ang nagplano nito. Noong una, nagtaka nga ako kung bakit ang daming cards. May real na, may fake pa. Pero Glimmer explained everything to me, ang it all makes sense now.

[~|

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon