7th Curse ~ Little red riding hood

499 6 2
                                    

 “Okay lang naman kahit late kang dumating sa dorm? Hindi ba dapat nasa ospital ka at kasama ang pinsan mo?

Hindi ko naman sya pinsan, ampon nga lang ako.

“Miss De Levertis?” tawag pa sa akin nung receptionist.

“yes?”

“Room 486 po kayo with miss Alexandre Jane as your room mate.”

What? Yung pekeng anghel na iyon ang room mate ko?

[Psaricka’s Pov]

Hawak ko ng mahigpit ang mga kamay ni she habang nakahiga sya sa hospital room. Binabantayan ko sya. Pakiramdam ko na kapag iniwan ko sya may mangyayaring masama sa kanya.

Dito lang ako sa tabi nya. At hindi ako aalis.

Noong gabing iyon, wala lang sa akin ang larong iyon. Pero dahil sa nagyari kay she. Dapat magbayad ang kung sino mang nagplano ng larong iyon. Ang buhay, hindi pinaglalaruan. At hindi lang basta buhay iyon. Buhay iyon ng mayayamang katulad ko. Hindi iyon sinasayang.

Gusto ko mang lumaban pero wala akong magawa. Damn it. I’m Cinderella. Talagang walang nagagawa si Cinderella.

“excuse me,”

Napalingon ako ng may marinig na boses ng isang lalaki na pumasok sa hospital room ni she. Agad nyang kinuha ang tsapa nya para ipakitang police sya. Marahil narito sila para sa investigation.

[Kristine’s Pov]

“miss Arevalo, room 481 po,” sbi nung receptionist habang inaabot sa akin yung key card  “With miss Davidson”

Sa isang iglap ay binaba ko yung master key at tinignan ng malamig yung receptionist

“Niloloko mo ba ako?” matalim kong sabi sa kanya “paltan mo ito”

Never in a thousand years na papayag ako na tumira sa isang kwarto kasama ng anak ng mamatay taong iyon”

“pero miss Arevalo, hindi po maaring paltan ang roommates. Yan ang bilin ng management”

Damn it.

Kinuha kong mahigpit ang susi at mahigpit iyong hinawakan. Sobrang higpit na para bang babaon na ito sa palad ko. Sobrang higpit na para bang magdudugo ito.

Kahit kinamumuhian ko ang lugar na ito. Ang lugar na may kaugnayan sa pagkamatay ng bestfriend ko. Ang lugar na nagpahirap sa mga magulang ko. Pinapangako ko sa sarili ko na paglabas ko ditto, makukuha ko na rin ang hustisyang inaasam ko.

Kapag wala na rin syang buhay, literal man o hindi, kagaya ko.

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon