17th Curse

170 6 0
                                    

17th Curse

“Alam ko, alam kong nagtataka ka sa iniutos ko sa iyo,” sabi ko pa. Maaring sa ngayon ay halos mabaliw na sya. Iniisip nya kung bakit sa dinami dami ng pwede kong hinging kapalit sa kanya ay iyon pa. Maari kong hingiin sa kanya ang role nya, o ang lihim nya, o impormasyon sa mga taga Eventyr noon. Pero hindi. Ang hiningi kong kapalit sa kanya,

“Oo nga naman Dennis. Hindi mo ako utusan, hindi rin ako yaya at hindi ako tsismosa. Pero bakit mo ako inuutusan na magkalat ng masamang tsismis tungkol kay Allison para lang maprotektahan mo sya. Hindi ko maintindihan. Naiintindihan ko sya pero hindi. Bakit kaylangan kong sirain si Allison para maprotektahan ko sya? Bakit kaylangan mong protektahan si Allison? Ano ang koneksyon mo sa kanya?”

“Kung bakit hindi mo iyon naiinitindihan? Dahil may kung anong kulang sa nalalaman mo Glimmer,” sabi ko pa sa kanya, “Maari kong isupply sa iyo ang kulang na iyon.”

“Ano ang kapalit?” matalino ka rin Glimmer. Alam mong may kapalit.

“Sasagutin ko ang una mong tanong Glimmer, pero hindi ang pangalawa at pangatlo. Ibibigay ko sa iyo ang mga bagay na hindi mo alam para lubusan mong mainitindihan. Pero dapat mong sabihin sa akin ang lihim ng unang laro.”

“Pero hindi ko alam ang lahat. Iba lang ang alam ko.”

“Kaya alamin mo Glimmer. Bibigyan kita ng tsansa. Dapat may maibigay ka sa akin na kahit isa bago ang susunod na laro, sa ganoon, mabibigay ko ang Immunity na kaylangan mo. O ano pa man na hilingin mo”

“Mukhang maganda iyan. Deal.” Sabi nya pa.

“Hindi ba sabi mo ginagawa mo na ang inuutos ko?”

“Oo nga, madali na lang siraan si Allison dahil sira na sya, dadagdagan ko na lang iyon at magiging masama na ang tingin sa kanya ng lahat.”

“Mabuti, at sa oras na bumalik si Allison, kunin mo sya. Iparamdam mo na sa kabila ng lahat ng tao na naghihinala sa kanya. Ikaw, ikaw na anak ng mamamatay tao, ikaw ay naniniwala sa kanya.”

[Psaricka’s Pov]

Lumabas ako ng dorm para magpahangin pero isang brown envelope ang nakita ko na nakapatong sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. Hinawakan ko ito at tinignan.  May kung anong nakasulat sa likod nito gamit ang Pentel.

Allison Di Levertis. The Evil Witch.

Agad agad kong kinuha ang envelope na iyon at pumasok sa kwarto ko. Agad kong binuksan ang envelope. Sa loob noon ay ilang dokumento. At isang maliit na recorder.

Agad kong plinay ang tape recorder na iyon habang binabasa ang ilang papeles. Isa yung Psychoanalysis report.

Nagsimula ng magplay ang recording.

“May dumating kanina dito. Ang sabi nya ay sila daw ang kapamilya ni Allison. Naghahanap sila ng records.”

“Sinong Allison ang tinutukoy mo?”

“Nalimutan nyo na po ba? Si Allison, Halos isang dekada na rin ang lumipas. Sya iyong masayahing bata na lumaki dito sa ampunan”,

“Hindi ko pa rin talaga maalala. Maraming bata na ang nanggaling dito. Baka di ko na sya maalala.”

“Hindi nyo sya malilimutan ma’am. Ang Allison na hinahanap nila ay yung batang nagsimula ng sunog dito ilang taon na ang nakakaraan.”

Beauty is your CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon