39

1.2K 48 30
                                    

"Kumusta ka na Clover Yvangelin?" Napangiti ako kay empress mama na kakapasok lamang ng living room galing silid nila ni papa. Umupo ito sa akin tabi at isinandal ang ulo ko sa balikat nya at niyakap ako. "Ayaw kang pakawalan ng papa mo kanina kaya ngayon lamang kita nayakap ulit. Alam mo naman iyon, ikaw ang paborito dahil kamukhang kamukha daw kita..." Anito na tila may isang nakakatuwang alaala sa isipan.

"Kumusta si papa, ma? " Tanong ko dahil kundi pa sya pinilit ni mama na pakawalan ako at magpahinga muna dahil mau fiesta mi familia kami mamaya ay hindi pa ako nito papakawalan. He hug me for almost an hour dito sa living room and we cried talaga. Buti na lamang at tila nakakaintindi ang mga kapatid ko na ipinasok ang mga bata sa playroom at iniwan muna kami rito.

"Hayun, tumahan na at nakatulog. Your father maybe a ruthless in corporate world but his heart always belongs to his family... Kahinaan at kalakasan tayo ng ama nyo. Naalala mo noong nagstay ako kasama nyo sa London noong nangyari iyon? Ang totoo ay inaway ko ang papa mo noon. Ayaw nya akong payagan na puntahan ka namin dahil sabi nya 'Clover Yvangelin must owned her mistakes ! Don't shelter her from pain!' Hindi ko sya kinausap noon at nagpabook ako ng flight patungo sa inyo. But that night anak... I heard  him talking with your picture from the study room...he is crying ang blaming his self because of what happened to you... I heard him how much in pain he was...that he cannot even have a balls to face his queen...so I decided to go on his behalf. Kundi nya kaya ay ako ang gagawa" anito na ikinagulat ko . Agad tumulo ang aking mga luha dahil doon.

"Empress mama..."

Ngumiti ang empress mama sa akin. "Hindi mo kasalanan ang nangyari anak... Maybe hindi lang para sayo iyon... Don't blame yourself anak... Dahil walang may gusto nang nangyari... " Ani empress mama sa akin na nakapagpaiyak muli sa akin.

Matagal ko ng kinikimkim ito sa aking dibdib... Sobrang bigat na ng nararamdaman ko... But I owned my mistakes. I faced the consequences of my actions...

"Hindi ko po alam mama... Masyado pong masakit . Ako po ang may kasalanan ng lahat ng ito... Hindi ko po alam kung napaaptawad nya ako pag nalaman nya ang nangyaring iyon...k-kasi kahit ako hindi ko kayang patawarin ang sarili ko." Amin ko rito.

Huminga ng malalim si empress mama at niyakap ako ng mas mahigpit.

"Did you talk to him already?" Tanong niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at umiling bilang tugon. "I-I can't bring myself to do that, ma. I-I mean I tried, the kids and I went to his house but it seems like the heaven don't want me to..." sagot ko sa mababang tinig.

Gone with the strong and fierce Queen... What happened to my past is indeed my downfall...

"Then, do you want to give it a try again ?" Tanong nito sa akin.

Napakunot ang noo ko at tumingala upang basahin ang expression nito sa mukha...

"We invited the Romanov for tonight's Fiesta mi Familia... ayaw sana ng papa mo because he hated the boy...but I insisted .They are a very closed family friend anak... And you all know that they are more than just friend ...they are a family for us. And I think it was the high time to face him. Their patriarch confirmed it. So you better gather yourself together and see what the world gotten for you. Do this not only for yourself...but for you kids. Laging naririto naman kami para sa iyo anak..."

And my world stopped upon hearing that...

---
"Queen mama, when will we meet dada?" tanong ni Mythos habang inaayos ko ang bow niya. Evaine trying to fix her hair on the other hand.

I am preparing my twins for the Fiesta mi Familia... Lalo na at magkikita-kita sila ng pamilya ng kanilang dada. 

Kanina after namin mag-usap ni empress mama ay tila wala ako sa sarili ko... Kundi pa ako pinuntahan ng mga kapatid ko kanina ay malamang ay tulala pa rin ako ngayon... The idea of facing him making me uneasy. Dahil siguro may malaking kasalanan ako sa kanya.

Stavros 3: Don't Let Me DownWhere stories live. Discover now