32

1.1K 35 3
                                    

"Queen..." Napatingin ako sa pintuan ng aking silid at nakita roon si Empress mama na may dalang tray na may lamang gatas at pastries.

Isinara ko ang librong binabasa ko tungkol sa isang uri ng makabagong pamamaraan ng panggagamot ng cancer.

Ngumit ako ng pilit rito. "Empress mama."

Tumabi ito sa akin at inilapag ang dala sa bedside table ko. "Dinalhan kita ng gatas at tinapay. Ilang araw ka ng nagmumukmok rito sa silid mo pagkagaling mo ng ospital at university. At tila ilang araw mo na ring iniiwasan si Moris. May problema ba anak?" Nagaalalang tanong nito.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ito ang ayokong mangyari... Ang madamay ang pamilya namin sa gulo naming dalawa. "Empress mama... Hindi naman po. I'd been busy with my studies and medical practice. Alam nyo naman po iyon. Si Moris naman po ay nagkakataon lamang na hindi nagtutugma ang schedule naming dalawa. Hayaan nyo po at dadalawin ko po sya isa sa mga araw na ito." Pagdadahilan ko.

Nakita ko na tila hindi kinagat ni emoress mama ang sinabi ko at nakatingin ito sa aking mga kamay... Nanlalaki ang mga mata kong itinigil ang paglalaro sa aking mga kuko na nakagawian ko tuwing nagsisinungalin ako.

Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "Bueno..kung ano man ang pinagdaraanan nyo ni Moris ay sana maayos nyo iyan. Alam mo namang gustong gusto ko siya para sa iyo. Kami ng papa mo. You are matured enough anak, to handle situation like this and I know you are old enough to think about things before making up your mind. " Anito na nakapagpakaba sa akin. May alam na ba sila? Sinabi na ba ni Moris ang tungkol sa Ivy League? !

"Your papa and I talked with Doctor Gallante yesterday and he congratulates us about having a daughter like you. He mentioned about your full scholarship grant at one of the Ivy League and that's a promising opportunity for you anak. Your papa talked with Moris about it earlier and told us that you don't want to go ... Bakit anak? Isn't it your dream school for your graduate studies?" Tanong ni Empress mama.

Stavros 3: Don't Let Me DownWhere stories live. Discover now