17

1.3K 45 2
                                    

"Kumusta po ang inyong byahe, Moris, Ma'am ?" Nakangiting tanong ng isang matandang lalaki na katabi ng halos kaedaran nitong babae, sa aking palagay ay nasa late 50s na ang mga ito. I think sila ang nakuha ni Devone Angela na mangangalaga sa buong El Stavros... the island owned by our family.

Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang itinawag sa akin ng matanda...and I was about to rant on him when Moris slightly squeeze my hand na hawak nito mula kanina... Kaya natigilan ako ...

"Maayos naman po, mang Ambo! Kumusta po rito sa isla? Gumaganda at gumagwapo kayo ni Imang Celing!" Masayang sagot nito.... Nakisabay naman sa masayang tawa ni Moris ang dalawang matanda . Bahagyang pinalo ng matandang babae si Moris sa balikat na ikinabilog ng mga mata ko... No one touches what's mine!

"Kuuu... Itong anak-anakan nating ito Ambo... Napakabolero pa rin hangang ngayon! Kaya nagtataka ako kung bakit hindi nya pa rin naihaharap sa atin ang reyna nyang kinukwento lagi sa atin nina D.A noon sa Amerika!" Anang matandang babae na ikinabigla ko . Sinong kinukwento nyang reyna?! May ibang reyna ba sa buhay nito bukod sa akin?!!!

"Imang Seling naman! Wag nyo naman po akong ibuking kay Clover Yvangeline... Baka ano po isipin nito..." Sabay kindat pa sa akin nito na ikinainit ng pisngi ko kaya inirapan ko pa ito.

Damn it, Romanov! Malaman ko lang na may iba kang reyna... Dudurugin ko kung sino man siya! I will crash her life like a trash!

"Bago po ang lahat, gusto ko pong ipakilala sa inyo, ang nag-iisang reyna ng buhay ko... Wag nyo po akong isusumbong kay mommy, " biro nito na ikinatawa ng dalawang matanda na ikinairap ko na lamang. "she's Clover Yvangeline Hermosa Stavros... My one and only... Mi reina... My queen..." Anito sa mga matatanda na kababakasan ang pagkagulat sa narinig. I smirked at the thought of they wasn't aware who they were dealing with...." Mi reina... " baling sa akin ni Moris. "This is Mang Ambo and His lovely wife...Imang Seling...they were the couple who took care of me and D.A in more than a decade... Sila yung naging parents namin sa U.S. noon...but now they will be the one who will take care of our welfare... Sila ang kinuha ni tita Yvangeline para mangasiwa rito sa El Stavros at Palacio de Stavros. " Anito.

Hindi ko alam kung paano ang magiging reaction ko sa kanila... Ibig sabihin this couple are important to him...

"Nice to meet you, hija..." Masayang sabi ni imang Seling .

"Ibig sabihin ay siya ang kinukwento mo noon sa amin... Yung reyna mo...?" Tila di makapaniwalang sabi pa nito...

Alanganin akong ngumiti sa mga ito... Damn... Usually, ay nagtataray na ako ... But I can't find the guts to do it so... Ni hindi ko nga masabing Queen ang dapst itawag sa akin... These two people are so genuine to break...

"The pleasure is mine."matipid kong sabi.

Hindi nagtagal ay hinatid na ako ni Moris sa kwartong laan sa akin dito sa Palacio... The maids were instructed by imang Seling to unpack my things... At maghahanda pa daw ito ng almusal namin...

"The whole team has already arrived... As the head security said on the radio... Including that Mendez..." May pait na sabi ni Moris sa akin na kasalukuyang nakaupo sa gilid ng four poster bed ko... Kalalabas ko lamang sa aking banyo dahil katatapos ko lamang magfreshen up... Alas kwatro impunto ba naman kaming bumyahe patungo rito... Halos gusto kong patayin si Moris kanina dahil sa sobrang aga ng kinuha nitong flight... I asked him to move it 9am...yet he insisted to go for 4am...

Wala kaming pormal na usapan tungkol sa aming dalawa... Basta ang alam ko lang ay bumalik kami sa aming dating pakikotungo sa isa't isa... noong magnobyo pa kami...

Lumapit ako sa dresser ko , naupo sa harap niyon at sinimulan kong suklayin ang buhok ko... Hindi ko iyon binlow dry dahil tinatamad ako... Hahayaan ko na lang matuyo iyon naturally.

Napataas ang kilay ko ng tumayo ito at nagtungo sa banyo ... Unang daratnan doon ay ang aking dressing room... maya-maya ay lumabas ito bitbit ang blower ko...  Lumpit ito sa akin, kinuha ang brush na hawak ko at isinaksak ang blower sa socket...at sinimulan nitong iblow dry and buhok ko... He used to do this one noon sa akin... Napalunok ako at naramdaman kong nagrigudon na ang tibok ng puso ko... Maging ang halimaw sa aking tiyan ay nagsimula ng magwala roon...

Tahimik lamang akong pinanonood siya... Hindi ko siya magawang pigilan ...dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko ang ginagawa nyang pagaalaga sa akin... Damn... How can this man do wonders in my soul?

"Something will never change...mi a cara... You are still too lazy to blow dry your hair... " Kumento nito sa akin...habang seryoso sa kanyang ginagawa.

Inirapan ko lamang ito bilang tugon.
Nakita kong tumaas ang isang gilid ng kanyang mga labi...  Tanda ng kaaliwan nito.

"You could catch a cold because of that laziness mi a cara." Seryosong sermon nito. "I bet, you still got this habit of not taking meds, not asking assistance when you are sick and not having a good night sleep when you got your hand full of fucking responsibilities..."

Irritation filled my system tuloy... Okay na dapat kung hindi lang nya ibubukas ang bibig nya...

"You can do those things for me everyday if you want. Kung gusto mo tumabi ka pang matulog sa akin!" Inis kong sagot.

Nakita ko ang ngising tagumpay nito...and to my realization on what I had said...damn! Naisahan ako ng hampas lupa! He did irritate me for a reason!

"That would be a wonderful deal then!" Pinatay nito ang blower at inayos ang buhok ko bago ako hinarap sa kanya. "Let's seal it with a mindblowing kiss... Cara..."

Then he claim my lips with the mindblowing fucking kiss that I couldn't even resist...


Putangina lang! Bakit ang sarap humalik ng hampas lupang lalaking ito?!!!

I was drown with his kisses and touches to the point that I can't think straight... I even moan for every kiss and touch that he gave to me...


Damn...

"I love you, mi a cara...I want you to be mine again..." He whispered between our kisses...


I was about to answer him... When someone entered our room... isinubsob ni Moris ang mukha ko sa dibdib niya upang itago ang expose kong katawan dahil nakabukas na pala ang bathrobe ko ... Kasabay  napaharap siya sa pinto.... hindi ko tuloy alam kung sino ang pumasok at nakakita ng ayos namin ngayon... Damn... Paanong hindi ko namamalayang nakakandong na pala ako sa kanya?! Ganun na ba talaga ako kalunod sa making out session namin kanina...

Namumulang aalis sana ako sa kandungan ni Moris ngunit pinigilan nya ako at niyakap ng husto...

"P-pasensya na mga nak... Hindi kasi namin sya mapigilan... Nagpumilit syang umakyat dito para makita ka...h-hindi namin sinasad---"


"WHAT THE HELL ARE YOU DOING TO MY WIFE , ROMANOV?!" Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ng lalaking tila pinagtaksilan ng mundo.






Stavros 3: Don't Let Me DownWhere stories live. Discover now