25

1.3K 51 0
                                    

"Ninong Tino and ninang Bianca will prepare a breakfast with us later." Ani Moris nasa silid kami ngayon at nagaayos...

Kasalukuyan kaming nasa Palacio de Stavros at ngreready . Natapos na ang presentation ng bawat team last week and we decided to collaborate their ideas. Ngayon masasabi kong maaapprove na ito dahil napakaganda ng nagawa ng team ko. I chose the best among the best. Pagnaapprove ito at ang mga plans na ginawa ng mga engr. At architects nina Giolbrt ay nagsisimula na ang construction next week. Kumpleto na lahat. Ayoko na madelay ito.

Lumapit ako sa kanya . "Pakizip naman" sabi ko na agad naman nyang ginawa bago ako hinalikan sa batok. Inirapan ko lang siya na ikinangisi lamang ng ipis. Humarap ako sa kanya at inayos ang kwelyo ng polo shirt nya. Gwapo ng kumag.

"You really love kissing me huh?" Biro ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko.

"Kissing a queen like you without being killed is a blessing, mi cara. " Anya sa akin tsaka hinalikan ang tungki ng ilong ko.. na ikinangiti ko naman.

"So before tayo uuwi ng Manila ay kina Congressman muna tayo?" Kumpirma ko sa kanya at tinapos ang pagaayos ng kwelyo nya ngunit kinulong nya naman ako sa dalawang bisig niya.

"Yeah... Sasaglit lang tayo dun... You will never be bored pag kasama sila. They are wonderful person." Anya.

Ngumisi ako . "And they won't dare not to notice me. I am the Queen." At humalakhak siya. Matapos nun ay nagpasya na kaming umalis... Nauna na sina Giolbrt sa amin na umuwi kasama ang mga team leaders na magprepresent...habang ang iba ay sinabihan kong umuwi na muna at magspend ng oras sa pamilya nila dahil magiging busy na kami sa mga susunod na araw dahil pasado na ito tiyak sa board.

"Anong oras ang board meeting?" Ani Moris

"2PM. We will take helicopter paManila... Pinauna ko na sila roon para maghanda..." Sabi ko rito habang naglakad patungo sa coffee table at kinuha ang Ipad ko upang icheck ang mails ko.

Napakunot ang noo ko ng makita ang isang email galing kay Hades... Agad ko iyong binuksan dahil alam kong importante ang laman niyon...minsan lang kasi magsend sa akin nag kapatid kong iyon ...

Fr: Hades Stavros y Diogracios
To: Clover Yvangeline Stavros y Hermosa
Check on this, Queen. I need your opinion...

Natigilan ako ng makita ang attached picture doon ... It was a CT-Scan result... With a big tumor on the frontal lobe. Nanginginig ang kamay kong binuksan ang attached file doon... At nanlalaki ang mga mata ko ng mabasa kung kanino iyon...

Fuck...

That woman...

She got a big beautiful tumor and that caused her to be catatonic...

Huminga ako nang maayos upang kumalma... Isa akong Neuro-surgeon noon hindi ko pa tinatalikuran ang mundo ng medicine... isa ito sa mga bagay na binitawan ko kasabay ng pagbitaw ko kay Giolbrt... Because it would only reminds me of pain... kaya naman I focused myself on different field... The business world...

From:Clover Yvangeline Stavros y Hermosa
To: Hades Stavros y Diogracios
She got a big beautiful tumor at her frontal lobe. And I don't give a damn.

Napapitlag ako ng may dalawang kamay ang pumulupot sa aking beywang... At agad kong nilock ang Ipad ko... Ayokong magtanong pa sya roon...

"You ready?"bulong nya sa aking taenga.

Stavros 3: Don't Let Me DownWhere stories live. Discover now