FANGS OF AN ALPHA 24: AGAIN

5.2K 138 12
                                    

"Bakit ako po ang ginawa ninyong Alpha, Amiro?" tanong ko sa matalik na kaibigan ng mama ko na abala sa pagaasikaso sa akin dahil wala si mama para alagaan ako pero okay lang dahil alam kong may dahilan siya kung bakit siya nasa city. Iyon nga lang ay sa tuwing tatanungin ko siya ay tikom ang bibig niya.

"Kasi nararapat kang maging pinuno ng pack." sagot niya at ginulo ang buhok ko.

"Pero, hindi naman po ako kasing lakas ninyo." Mahinang bata lang ako kaya bakit ako?

"Al, hindi nasusukat ang pagiging pinuno sa taglay mong lakas. Nandirito iyon." itinuro niya ang kaliwang dibdib ko kung saan naruon ang puso ko. "Ang kailangan ay pagmamahal sa kalahi at pagrespeto sa kanila dahil iyon ang paraan para kilalanin ka bilang isang pinuno."

Ilang taon na ang nakalipas mula ng ako ang maging sunod na Alpha dahil kay Amiro na siyang Omega ngayon. Ngunit ang respeto ko sa kanya ay gaya pa rin ng dati dahil para sa akin, isa siyang tunay na Alpha kundi lang sana namatay ang anak nila ni Miranda ay sa malamang magiging mabuting pinuno ang anak nila sa pangangalaga nilang dalawa.

Sina Amiro at Miranda ang tumayong katuwang ni ina sa pagpapalaki sa akin at kailanman ay hindi nila ipinaramdam na tatlo na iba ako sa ibang bata o may kulang sa akin kahit na wala akong ama na masasandigan. Hindi ko pinangarap na makaharap o makilala man lang ang aking ama hindi dahil sa muhi kundi dahil sapat na sa akin ang pagmamahal ng mga taong nariyan ano pa man ang mangyari at ayaw ko rin naman na nagmamakaawa para lang mahalin ako. Gusto ko yung mamahalin ako kung sino ako at hindi kung ano ako.

"Al, ano yung ginawa mo? Binalewala mo ang mate mong si Mina." nagaalalang tanong sa akin ni Aries na pinsan ko.

Ah. Si Mina. Ang mate ko daw. Nalaman ko ang tungkol du'n dahil sa naganap na pagdiriwang ng nakaraang Blue Moon. Iyon kasi ang gabi ng paghanap namin sa aming mate pero dahil hindi ko siya gusto ko ay pinigilan ko ang sarili ko na lapitan siya. Bata pa naman ako sa edad na labing-anim.

"Ano naman? Hindi ko siya gusto." umupo ako sa pwesto ko sa likurang bahagi ng aming silid at pumalumbaba.

"Ha? Sira ka! Alam mo ang pwedeng maging epekto nito kung hindi ka makipag mate sa kanya di ba?!"

"Palibhasa kasi maswerte ka at 'yung taong gusto mo ay ang siyang mate mo. Ayaw kong makipag mate sa taong hindi ko gusto o mahal. Mahirap ipilit iyon." bumuntong-hininga siya at tumabi sa akin.

"Nagaalala lang naman ako sa'yo bukod sa pack dahil alam mo na may epekto ito sa magiging ugali mo sa mga susunod na taon lalo pa't ikaw ang Alpha."

"Alam ko iyon pero hayaan mo na. Basta hindi si Mina ang kikilalanin ko bilang mate."

"Hanggang kailan ka maghihintay?"

"Huh?" maghihintay saan? Hindi ko siya maintindihan sa sinabi niya.

"Sa kikilalanin mo bilang mate. Parang napaka impossible kasi na makahanap pa tayo ng iba bukod sa nakatakda para sa atin."

"Maghihintay ako sa pagdating niya kahit gaano pa katagal." pero wag naman sanang sobrang tagal kundi ay baka mapilitan akong makipag mate kay Mina.

Apat na taon na ang nakalipas mula ng una kong nasilayan ang asul na buwan at sa mga panahon na iyon ay bukod sa naramdaman kong lumakas ako ay naging bugnutin ako dahil siguro sa pagtanggi ko sa pakikipag mate kay Mina. Alam kong alam din niya na siya ang mate ko kaya madalas siyang magpapansin sa akin pero ayaw ko sa tulad niya.

FANGS OF AN ALPHA (BL•LUNA SERIES)Where stories live. Discover now