FANGS OF AN ALPHA 21: HOWL

3.3K 123 5
                                    

Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula ng maikasal kami ni Lucien sa paborito niyang lugar ay naging ayos naman ang lahat lalo na ng hindi mapigilang magtanong ni mama sa akin dahil sa nakita niyang may suot na akong singsing at kung inaakala ninyo na magugulat sina papa at mama ay hindi. Bagkus, kinatuwa pa nila ito dahil sa wakas ay magkakaapo na daw sila. Tindi rin ng trip ng magulang ko. Si Tita naman kuntodo asar sa akin kesyo daw hindi na ako malalapitan talaga ng mga boylet mapa Blue Stone or sa siyudad man na pinanggalingan ko. Asa namang papansinin ko sila eh parang bata ang mate ko na lahat ng atensyon ko ay gusto nakatuon lang sa kanya dahil kundi tiyak magkakagulo.

Kasalukuyan kong hinahanap ang mate ko dahil nawala na naman siya sa classroom at hindi ko alam saan na naman siya nagpupu-punta. Hay, nakaka stress magkaruon ng Alpha na mate. Hahaha.

Paliko na sana ako papunta sa isa pang building ng may marinig akong tinig ng isang babae na nagagalit. Hindi ko alam bakit pero imbis na dumiretso ako ay nagtago ako sa gilid.

"Al! Hindi mo ito pwedeng gawin sa akin!"

"Why not? Dahil sa ikaw ang mate ko? Mina, nagkalinawan na tayo di ba? Ako ang pipili ng magiging mate ko."

Napasinghap ako sa narinig ko dahil walang duda na sina Lucien at Mina ang naririnig kong nag aaway. Dapat siguro umalis na ako di ba?

"Nagpapatawa ka ba? Oo nga't ikaw ang Alpha na siyang mataas sa pack pero pare-parehas lang tayo na walang kakayahan na pumili ng mate na gustuhin natin hindi gaya ng moonwalker. Hah! Akala mo ba hindi ko alam na kaya ka lang naman pumayag na maging kunyaring mate n'yang si El ay dahil mas malakas siya kesa sa'yo."

"Mina!" sigaw ni Lucien na siyang nagpanginig ang sistema ko. Oh my god! Hindi ito totoo. Nananaginip lang ako.

"Bakit? Tama ba ako? Pumayag ka na maging mate niya dahil gusto mong ipakita sa tatay mo na kaya mo siyang higitan. Hindi mo naman talaga mahal si El. Napipilitan ka lang. At yung kasal ninyo? Walang bisa iyon dahil ako ang mate mo at hindi ako pumayag sa ninais mong mangyari. Al, gumising ka. Ginagawa mo lang ito dahil gusto mo lang makaganti sa tatay mo at dahil gusto ka ni El at sinamantala mo iyon pero hindi ka tunay na magiging masaya sa kanya at hindi ka niya kayang bigyan ng anak tulad ko."

Para akong nahihilo sa mga naririnig ko at nararamdaman ko na ang pamamasa ng mata ko at ng sumilip ako sa kanila mula sa pwesto ko ay tuluyan ng nadurog ang puso ko dahil sa nakita kong paghahalikan nila.

"Mamili ka, Al. Ako o si El?"

Hindi ko na hinintay pang marinig ang sasabihin ni Lucien dahil mukhang alam ko na ang isasagot niya.

Takbo. Iyon ang ginawa ko. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na alam saan ako dinala ng mga paa ko.

Gusto ko magalit at magwala pero naisip ko kung bakit ako nagpaka tanga at kung bakit ko kinalimutan ang mga salitang binitawan sa akin ni Crate. Kung ganun, si Mina. Siya pala ang mate ni Lucien. Anong laban ko sa kanya? Isang tunay na babae at kayang magdalang-tao sa susunod na salin-lahi samantalang ako, isa lang naman akong moonwalker na hindi alam ang kayang gawin o baka nga titulo lang talaga ang meron ako ng dahil lang sa kahalintulad sa buwan ang mga mata ko.

Nasasaktan ako sa tuwing maaalala ko ang mga binitiwang salita ni Mina. Para itong kanta na unti-unting nilalason ang utak at puso ko.

Nagmahal lang naman ako pero bakit ganito?

All this time, nagpapanggap lang ba si Lucien sa akin na mahal niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya? Na kaya niya lang ginawa ang mga bagay na iyon dahil may kailangan siya sa akin at magagamit niya ako sa paghihiganti sa tatay niya? Sino ba kasi ang tatay niyang iyon?

FANGS OF AN ALPHA (BL•LUNA SERIES)Where stories live. Discover now