FANGS OF AN ALPHA 17: ASTHER

4.7K 144 6
                                    

Hindi agad ako nakabangon ng magising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko dahil sa bigat at sakit ng buo kong katawan. Hindi ko alam anong oras ako nakatulog dahil believe it or not mukhang nag pass out ako sa ginawa namin ni Lucien. And speaking of the devil, ito siya ngayon at katabi ko na ginawa akong tandayan. Kainis. Bakit ang bango niya pa rin kahit na naghalo na yung scent namin sa isa't isa and to be honest, parang mas lalong naging manly ang amoy niya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya at maingat na hinimas ito. Ang swerte ko para magkaruon ng gaya niya sa isang tulad ko.

"Aww." mahinang daing ko ng magawa kong makaupo at makaalis sa pagkakalingkis ng katawan namin sa isa't isa ng hindi siya nagigising.

Muntik pa akong matumba ng tumayo ako pero buti nalang at nagawa kong maitukod ang kamay ko sa side table. Paika-ika akong lumakad papunta sa pintuan na sa tansya ko ay banyo. Bago ako tuluyang makapasok sa luob ay pinagmasdan ko ang kwarto at hindi pa rin ako makapaniwala na ang kweba na gawa sa bato ay bahay palang maituturing gaya ng sa isang normal na tao.

Napalunok ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin na halos mapuno ng kulay pulang marka sa katawan at hinawakan ko ang batok ko na kinagat ni Lucien.

"Aw, shit!" ano ba kasing trip niya at kinagat niya ako? Balak ba niya akong gawin na kalahi niya ngayon pa't "mate" niya na ako? Takte. Hindi ko ma-imagine hitsura ko or yung feeling kapag nagtransform ako bilang wolf.

Hinawi ko ang nakatakip na shower curtain para makaligo ako and to my surprise, bumungad sa akin ang isang bathtub at shower. Wow. Up to date talaga ang mga kagamitan sa luob ng kwebang ito.

Pinuno ko ang bathtub at lumublob sa maligamgam na tubig na kahit paano ay nagbigay ginhawa sa pananakit ng katawan ko. Parang mas gusto ko na yatang dumito nalang.

Hindi ko maiwasang hindi pamulahan ng mukha kapag naaalala ko yung mga nangyari kagabi sa pagitan namin ni Lucien. Hindi ko akalain na ang walang hiyang iyon ang makaka devirginize sa akin. Like, nasagi na rin naman before sa isip ko na gusto ko siya ang makakuha sa akin but fuck. Hindi ako makapaniwalang magkakatotoo iyon.

Pero, on a serious note, totoo din ba lahat ng mga nasaksihan ko kagabi?

'Yung shapeshifting thingy ng mga kalalakihan into a werewolf and Lucien being one of them? And on top of it, he's the Alpha?

And, meron pa pala! About the moonwalker thing na itinawag nila sa akin. What was that all about?

Mahigit isang oras din ako sa luob ng banyo bago ko naisipan na umahon at magbihis dahil kung nagbabad pa ako ng matagal ay baka magkasakit ako. Niligpit ko ang mga nagkalat na damit namin ni Lucien at tinupi ito at kakapalan na ng mukha ang ginawa kong pagsuot ng damit niya na nahalungkat ko sa cabinet. Lahat ng damit niya ay malalaki at ito lang ang maliit sa mga iyon pero ewan ko ba. Mukha akong babae tignan na nagsuot ng boyfriend shirt. Takte. Wala akong makitang pajama na kakasya or short man lang kaya yung boxer short ko nalang ang isinuot ko kaya heto ako at shirt lang niya ang suot na nagmukhang dress sa akin.

Marahan akong lumabas ng kwarto dahil mukhang hindi pa gigising ang lalaking ito na sobrang sarap ng tulog na nakahiga na parang hari. Kung sabagay, malaki kasi ang kama niya.

Nagugutom na ako kaya magluluto muna ako bago ako umuwi at mag charge ng cellphone sa bahay. Malamang sa malamang baha na ng texts ang phone ko mula sa kambal. And speaking of them, saan kaya sila nagpunta kagabi?

FANGS OF AN ALPHA (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon