FANGS OF AN ALPHA 10: CRESCENT

4.1K 142 0
                                    

Yari na talaga ako sa kambal.

Ikalawang araw ko na itong absent sa klase at tangahali na rin ako nagising dahil nga sa uminom ako, di ba? At sa pagkakatanda ko, mga 3 am na din ako nakauwi at heto ako, hangover.

Hindi ko maiwasang hindi pamulahan ng mukha kapag naaalala ko ang nangyari sa pagitan namin ni Crate kagabi. Shit! Paano nalang kapag nagkita kami ulit? Possibleng mangyari iyon dahil kakilala siya ng kambal. Geez. Bahala na kung anong mangyari dahil sa ngayon, wala akong ibang gustong gawin kundi magpahinga pero dahil nagugutom ako at naiinitan ay pipilitin kong kumilos.

Hindi ko alam kung nandito na ba si Tita pero baka tulog iyon kaya hindi ko nalang siya aabalahin. Dumiretso ako sa cr para maligo dahil kilala ninyo naman ako, hindi ako papayag na mag-amoy pawis. Nakakadiri. Hahaha. Pagkatapos ko maligo ay nagtingin ako sa ref ng pwede kong lutuin tutal tanghali naman na at alam kong pag nagising si Tita ay hahanap ito agad ng pagkain gaya ko. Duh? Syempre, that is what normal and ordinary people do.

Naghuhugas na ako ng pinagkainan ko ng maalala ko kung bakit pala ako bumalik dito at dahil iyon sa party na magaganap. Shit. Kailangan ko palang umuwi sa bahay namin ni Lolo para kunin yung susuotin ko at iyon nga ginawa ko.

"Ang laki naman ng asong iyon! Nasaan kaya ang amo n'yan? Delikado kapag nakakagat iyan." dinig kong sabi ng matandang nasa gilid ko habang busy ako sa pagtingin ng mga cleaning stuffs dito sa convenience store na malapit lang sa bahay namin ni Lolo. Yes. Sosyal ang subdivision namin. May convenience store na nakatayo. Hahaha. Curious akong napatingin sa tinitignan niya and to my surprise, sa tapat ng gate namin ito nakatayo na parang may inaabangan. Actually, pamilyar ang hitsura ng aso sa akin pero what the heck that dog is doing outside our house?

Remember, takot ako sa mga aso kaya imbis na maglakas luob akong pumunta na sa bahay namin pagkabili ko ng kailangan ko ay tumambay muna ako dito sa luob.

"Hahaha! Ano na naman iyang binabasa mo Sam?" dinig kong sabi ng katabi kong matangkad na lalaki na kumakain ng ice cream sa kasama niya.

"Secret! Teka, kuya Ray, anong mas gusto mo: Vampires or Werewolves?" tanong ng kasama niya na nakahawak sa cellphone nito at may binabasa.

"Ako? Gusto ko maging tao! Hahaha! Ikaw, Justine?" pasimple akong napatingin sa isa pa nilang kasama at ironically ay babae ito.

"Gusto ko maging bampira para di ko na kailangang humanap ng fountain of youth to stay young and beautiful." natatawang sagot nito.

"Basta ako, gusto ko maging werewolf. Specifically, an Alpha's mate." sagot ng Sam.

Wow. How ironic na nitong mga nakaraan ay puro tungkol sa aso ang naiisip ko. Kesehodang wolf ang tawag sa mga malalaking nilalang na iyon ay para sa akin aso sila na na-enhance dahil sa kabundukan, kapatagan at sa malamig na lugar na tinitirahan nila. In short, sa wild.

"Wow! Eh di gusto mo pala ng mabuhok! Kung sabagay, mabuhok si Joshua!" sagot nung Ray.

"Baliw, hindi iyon! Hahaha! Alam mo kasi may nabasa ako na book na about sa pagiging mate ng Alpha. Fiction siya pero ang cool. Kapag nahanap na nila ang isa't-isa, nawawalan na sila ng will na makipag anuhan sa iba."

"Ha? Anong anuhan?"

"Ay jusko! Masyado ka pa talagang inosente Justine. Turuan mo nga ito Sam tutal nanunuod ka lagi ng kung ano sa laptop sa dorm ko eh."

"Hahaha! Gago ka! Ikaw nalang!"

Na-curious naman ako sa ipinaliwanag nung Sam sa mga kaibigang kasama niya.

FANGS OF AN ALPHA (BL•LUNA SERIES)Where stories live. Discover now