FANGS OF AN ALPHA 1: BIRTH

9.3K 241 3
                                    

"Sige. Isang ire pa, Miranda. Isa pa!" utos ng kumadronang nasa harapan niya na hinihintay ang paglabas ng nilalang na kanilang siyam na buwan ding hinintay sa pagdating.

Napakapit ng husto ang babae sa magkabilang dulo ng higaang gawa sa kawayan at muling sinubukang umire habang patuloy ang pagtagaktak ng pawis nito mula sa kanyang nuo. Magkahalong pagod at sakit ang kanina pa nitong tinitiis.

"A-amiro? " hirap na sambit ng babae sa kanyang kabiyak na nuo'y umalis sa kanyang tabi at lumapit sa nakasara nilang pintuan. Sa katunayan, pati ang bintana ay nakasara rin. Sumisilip lang ito sa naka-awang na butas sa kanilang pintuan.

"Saglit lang ako." paalam ni Amiro ng lingunin niya ang asawa. Matipid itong ngumiti bago mabilis na lumabas at isinara ang pinto.

"A-AMIRO! A-A-AAHHH!!!" buong lakas niyang ire.

Alulong ng mga lobong nakapaligid sa kanilang munting bahay ang kasunod na narinig at ang buhos ng malakas na ulan.

"Ito na siya!" masayang bati ng kumadrona habang dahan-dahang inilalabas ang sanggol.

"A-ang anak ko." nanghihina na sambit ng ina kasabay ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mata.

"Teka lang. Bakit hindi siya umiiyak?" kinakabahang tanong ng kumadrona habang hawak ang sanggol at maingat na tinatapik ang pisngi nito.

Tumayo ito at sinubukang igalaw-galaw ang sanggol para umiyak ito ngunit walang pagbabago kaya pati ang ina nito ay naalarma na rin sa nangyayari. Kahit nanghihina ay pinilit nitong umupo mula sa kanyang pagkakahiga at iniakay ang anak sa kanyang mga bisig at inilapit ito sa kanyang pumipintig na dibdib.

Kapwa ng natutuliro ang ina at ang kumadrona sa sanggol habang ang ingay sa labas ng mga naglalabang mga lobo ang maririnig. Maya-maya pa ay bigla nalamang nasira ang pintuan ng bahay at tumalsik ang duguan niyang asawa malapit sa kanilang mag-ina.

Sa takot ng kumadrona sa nakita ay nagsisigaw ito at umambang tatakbo ngunit dalawang pares ng malalaking lobo ang humarang sa kanya at lumapa.

"W-wag! Maawa kayo! Wag kayong lalapit!" pagsumamo ng ina sa papalapit na grupo ng mga lobo sa kanila ng kanyang nuo'y walang buhay na anak.

"Ibigay mo siya sa amin Miranda at hindi namin gagawin sa iyo ang ginawa naming pagpapahirap sa asawa mong mahina." nanunudyong sabi ng isa sa mga lobo na siyang pinuno ng mga ito na bakas pa sa bibig ang dugo ang napaslang na kumadrona.

"Hindi! H-hindi ko ibibigay ang anak ko sa inyo! Hindi ninyo ba nakikita? Wala siyang buhay! Hindi siya humihinga!" umiiyak na turan nito na kinangisi ng kanina'y nagsalita.

"At sinong niloko mo? Kesehodang buhay man o  hindi ang sanggol na iyan ay makakain pa rin iyan! Hahaha!" tumawa pa ito ng mala-demonyo at habang papalapit ito sa mag-ina ay bigla silang nakarinig ng malakas na alulong mula sa di kalayuan.

"Maswerte kayo ngayon pero sisiguraduhin kong pagbalik ko ay matitikman ko rin ang sanggol na iyan."

Nagsi alisan ang mga ito at naiwan siya kasama ang anak at asawa.

Nagkatinginan ang dalawa na kapwa nangungusap ang mga mata at mababakas dito ang kalungkutan. Tanaw mula sa kanilang pwesto ang sinag ng buwan na nuo'y nagpalit ng kulay mula sa pagiging dilaw ay naging asul.

Sabay silang napatingin sa gulat sa nuo'y wala ng buhay nilang anak ng bigla na lamang itong pumalahaw ng iyak.

"P-paanong?!" nagtatakang umiiyak na sabi ng ina sa kanyang anak na bahagyang nagmulat ng kanyang matang kulay abo.

"Kailangan natin siyang ilayo dito." buong tapang na sabi ng lalaki na nuo'y lumakad palapit sa kanyang mag-ina habang hawak ang kanyang tagiliran na napuruhan. Hindi na nagtanong pa ang kabiyak dahil alam nitong tama ito ngunit may mas malalim pa na dahilan ang ikinukubli ng mga salitang binitwan ng kanyang kabiyak.

------------------------------------------------------

A|N:

Published: October 25,2018

Surprise! Posted na ang Chapter 1 at sa mga curious d'yan bakit ganito kaiksi ay hindi ko rin alam kung bakit siya maiksi basta ang alam ko lang ay plano kong i-post ang first part sa Full Moon at ayon sa kalendaryo ng Mercury drug ay ngayong araw ng Thursday iyon at 12:45 AM

Night owl ako kaya yung update sa gabi ginagawa habang ang posting ay sa madaling araw kasi lunatic ang writer eh. Hahaha! 'Til next update! Awoo!

FANGS OF AN ALPHA (BL•LUNA SERIES)Where stories live. Discover now