FANGS OF AN ALPHA 15: BLUE

4.1K 158 4
                                    

Dumidilim na sa labas at mula sa kwarto kung saan ako nakatayo ay kita ko ang pagdating ng ibang estudyante na parang langgam lang sa aking paningin. Ikaw ba naman ang tumambay sa pinaka taas na parte ng eskwelahan ay ewan ko nalang talaga. Nandito ako sa tuktok na bahagi ng eskwelahan dahil ewan ko ba at hindi ko feel na may maka kita sa akin sa mga oras na ito.

Isang tao lang ang hinahanap ng mata ko at si Lucien iyon. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang makita. Siguro dahil inis pa rin ako sa hindi niya pagpansin sa akin kahapon?

Kakahintay ko na makita siya dahil well kahit parang langgam ang karamihan sa paningin ko, ika nga nila kung nais mong makita ay lilinaw ng ten times ang paningin mo ay hindi man lang siya nahagilap ng mata ko. Sad.

Pupunta siya di ba?

"Are we all here?" dinig kong tanong ni kuya Ori kaya alam kong pasimula na ang party pero, what the heck? Anong brand ng mic ang gamit nila pati na rin speaker at ganito kalakas ang volume na hanggang dito sa pwesto ko ay dinig ko sila?

"Tonight is not just any ordinary nights that we have for the past five years."

Dinig ko ang palakpakan ng lahat na may kasamang hiyawan. Luh. Naka mic din sila?

"Ngayon ang gabi ng pagiisa natin sa buwan."

Ano raw? Hindi ko gets.

OA naman ng introduction ni kuya Ori. Aware naman ang lahat na ngayon ang phenomenal blue moon pero kailangan talaga ganun ka deep ang statement?

Madilim na sa pwesto ko at tanging ang liwanag nalang ng buwan na tumatama sa bintana ang nagsisilbi kong ilaw. Gusto kong lumabas na sa kwartong ito pero sumasagi sa isip ko ang nangyari nuong 13th birthday ko and to make things worse ay parang bumabalik ang feeling ko nuon sa ngayon. I really feel weird. May kinalaman kaya dito ang liwanag ng buwan?

Habang kinukuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko para i-check ang time dahil sabi ni kuya Oro sa akin ay 10:45 ako magpe-perform para pagtapos ko kumanta ay diretso hatid na nila ako pauwi sa bahay ay may nabangga akong bagay na kung hindi agad ako nakaiwas ay malamang baka nabali na ang buto ko sa talampakan pero buti nalang sa sahig ito tumama at himalang hindi man lang ito nagasgasan. Pinagmasdan ko ito maigi at mukhang gawa sa ginto ang kalis na hawak ko. Grabe. Ang lakas maka reinassaince era ng bagay na ito. Talo pa yung pinaglalagyan ng mass wine ng pari sa simbahan.

Ibang klase din ang design nito. Hindi ko mawari kung kwintas ba ito dahil may pares ng pangil ng isang mabangis na hayop ang nasa gitna ng bilog na isang inch lang ang pagitan na siyang mukhang pendant. Hindi ko gets. Weird siya at may nakasulat din sa paligid ng kalis nito na hindi ko maintindihan.

Siguro incantation ito na kapag ginawa mo on a specific day mangyayari wish mo? Shit. Pero hindi naman totoo ang mga ganun right? Usually kasi sa mga witch-themed lang ako nakakakita ng ganun. Tinry ko itapat sa liwanag ng buwan yung kalis at ewan ko ba kung namalik-mata ako o talagang kumislap ang parte nito kung saan lumalapat ang labi kapag naiinuman kasi para sa isang ginto, oa naman ng pagkislap nito na napaka tingkad.

Inilapag ko muna sa sahig ang kalis na nakatapat sa buwan at kinuha ang cellphone ko sa bulsa para picturean ang bagay na ito. Papakita ko siya sa kambal at tatanungin ko kung bakit may ancient na gamit dito at kung saan nila nakuha ng biglang sa sulok ng utak ko ay may parang umuusig sa akin na basahin ko ang weirdong nakasulat sa kalis.

Wala naman sigurong masama di ba? I mean, hindi naman ako masusumpa or whatsoever so why not try. Impossible namang may lumabas na genie dito at humingi ng tatlong kahilingan at kapag natupad na lahat ay makakalaya na siya at ako naman ang papalit sa kanya para maghintay sa papalit sa akin.

FANGS OF AN ALPHA (BL•LUNA SERIES)Where stories live. Discover now