FANGS OF AN ALPHA 3: LUCIEN

6.1K 189 16
                                    

"Aww." daing ko sa sarili ko habang hinihimas ang likuran kong tumama sa malamig na sahig. Bakit kasi ang likot ko matulog? Ayan tuloy nahulog ako at nasira ang napaka ganda kong panaginip kasama ang prince charming ko. Hahaha.

Inayos ko ang higaan ko at bumaba ng kusina para magluto ng breakfast. Kailangan pumunta na ako sa school para hindi ako mabored sa pag stay ko dito at ng hindi ko maalala yung scary experience ko kagabi dahil baka hindi ako tumagal dito. Jusko. Sayang naman kapag nangyari iyon pero syempre impossible ding umalis agad ako dahil katulad nga ng sinabi ko sa inyo ay may inihabilin sa akin ang Lolo na kailangan kong gawin kaya rin ako nandito.

Fried rice at sunny side-up ang breakfast ko at syempre dahil luto ko ito with confidence kong sasabihin na masarap siya! Hahaha.

Umakyat uli ako sa kwarto para magtingin ng susuotin kong damit. Bukod kasi sa dala kong mga gamit sa travel bag ko ay may mga damit, gamit, at pagkain din na nandito na sa bahay. Pati nga uniform sa school na papasukan ko ay meron na. Sa katunayan ng tinignan ko ito ay kakaiba ang design niya sa mga school uniform sa siyudad. Don't know pero mas high quality ito. Hahaha.

Kinuha ko ang isang v-neck na black shirt which is by the way, another favorite color of mine aside from gray at isang faded jeans na babagay sa susuotin kong shirt. Inilapag ko muna ito sa kama at dumiretso na sa cr para maligo.

Hindi naman ako ganun katagal maligo pero sure akong walang libag na makakaligtas sa akin. Hahaha. I damp myself dry after and spread my moisturing lotion generously all over my super satin like skin. Char! At dahil, lalabas ako imbis na maglagay ng moisturizer ay I alternatively used sunblock. Jusko, takot ko nalang na umitim ang face ko 'no. Kumuha din ako ng pang-pormang jacket kahit na alam kong tirik ang araw sa labas. Hahaha. I don't know pero mahilig talaga ako sa mga patong outfits. Sinuklay ko rin ng very light ang buhok ko at bumaba na para makapag sapatos dala ang bag ko at ang mga files na kailangan ko just in case na may hingin sila sa akin na documents. Syempre dapat laging ready.

Tapos na ako sa pagsusuot ng rubber shoes ko ng may maalala ako pagtayo ko.

Dumiretso ako sa sink para maghugas ng kamay at inilabas sa bag ko ang aking mahiwang contact lens! Hahaha. Syempre, hindi ako pwedeng lumabas na bared. Ewan ko ba pero ayaw ko kasing maging big deal ang eye color ko sa iba. Ang daming tanong kesa kung may lahi daw ba akong banyaga.

Inangkla ko sa leeg ko ang wireless headset ko na naka bluetooth sa cellphone ko. Jusko. If ever man na kailanganin kong mag trekking ulit papunta sa school eh sure ng hindi ako mabo-bored dahil may music akong mapakikinggan.

Pagkasara ko ng gate ay napatingin ulit ako sa gawing kanan ko at katulad kahapon ay nakita yung matandang maganda na nagwawalis. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya dahil sa nangyari sa pagitan namin kahapon pero syempre dahil makapal ang mukha ko ay nilapitan ko siya.

"Good morning po." nakangiting bati ko sa kanya at tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin.

"Ask ko lang po kung alam ninyo paano makarating sa Wolfgang Academy?" guys, walang tatawa okay? Ayan talaga ang name ng school na papasukan ko. Ewan ko ba kasi sa kaibigan ni Lolo at iyan ang naisipang ipangalan sa school nila.

"Sandali lang." sagot niya sa akin at lumakad papunta sa pintuan ng bahay nila at may tinawag sa luob. Maya-maya pa ay lumabas ang isang gwapong lalaki na sa tansya ko ay matanda na rin pero gaya ng babae ay mukhang nasa 30's lang. Vegetarian siguro ang mga ito at natambay sa fountain of youth?

FANGS OF AN ALPHA (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon