Prologue

6.2K 148 1
                                    

Prologue

Lost in time, pero mas gustong sabihin na siya ay nawawalan na ng buhay. Life without her meant death to him, at hindi alam ni Ayden kung paano pa siya magpapatuloy ng buhay niya.

Was this his cruel fate? Ito na ba talaga ang kapalaran niya? Bigla siyang natawa habang pinagmamasdan ang dalawang taong nag-iibigan. They helped them with their love problems without even revealing their own identities.

“Funny to see myself, trying my best to make them paired when I, one of your slaves, have a broken heart.”

Lumingon sa kanya si Cupid nang ubod nang seryoso. Hindi ito ngumingiti pero hindi din siya nagpakita ng pagkalungkot sa kanyang harapan. “Twenty years na din pala ang nakalipas pagkatapos nang araw na ‘yon.”

Ayden closed his eyes, savoring those heartfelt moments. Inakala niyang maglalaho ang lahat ng sakit ng kahapon pero sa tuwing naiisip niya ang lahat, bumabalik at bumabalik ang sakit sa kanyang puso.

Ang inakala niyang parusa sa kanyang pagkakamali na magdudulot sa kanya ng kaginhawaan sa pakiramdam ay paunti-unti na siyang nasasakal sa tuwing minamasdan niya ang dalawang kaluluwang pinagbuklod ng tadhana habang siya ay habang-buhay nang mag-isa sa mundo.

“Baka, oras na Ayden upang magmahal ka ng iba. Wherever she is, she won’t be glad seeing you like this.”

Ayden heaved a sigh. He knew Cupid was right. Pero anong magagawa niya? He couldn’t love any woman aside from her? Siya lang ang iniibig niya.

Siya lang at wala ng iba.

“My soulmate died on my very eyes. She died along with my undying love for her.”

Tumahimik si Cupid habang pinagmamasdan ang pinabago nilang subject. Mula sa malayo, tanaw na tanaw nilang dalawa ang magkasintahan na magkahawak-kamay pa. No one knew what they were. Pero alam ng diyos ng pag-ibig na perfect silang dalawa. He could see it through his unique eyes, his rare feelings, and his unique powers as a god. Dating mangkukulam ang babae samantalang isang accountant naman ‘yong lalaki. Who would have thought that they would make a perfect pair?

“Kahit bayaran mo ang lahat ng ‘yong kasalan sa pamamagitan ng pagiging alipin ko, hindi mo pa din maibabalik ang buhay ng babaeng naging kabayaran sa ‘yong kasakiman at pati na rin ang buhay ng babae na ‘yong pinakamamahal.”

Tumahimik si Ayden. Cupid was so damn right that he couldn’t even utter a word. He had lost everything and even in this point of time, nothing could even fill this emptiness within, and no one could ever replace the greatest love of his life.

No one…

ADK II: Cupid's Slave (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon