Chapter 28: End of Forgotten

3.1K 91 6
                                    

Kahit na patuloy pa din si Fate sa kakaiyak pagkatapos ng nangyari kay Sunshine, hindi na nagdadalawang isip pa si Jewel na kunin agad ang pendant ni Poseidon sa leeg ni Sunshine na naging bato na, pero yakap-yakap pa din ni Fate. Pagkatapos niyang makuha ay agad naman niya itong isinuot kay Fate na para bang wala pa di sa katinuan. Mahirap at baka mas madami pa ang magiging bato kapag hindi niya makokontrol ang kanyang kapangyarihan

Ganito ba talaga siya magmahal at magpahalaga ng tao?

Sobra-sobra?

Nagpatuloy ang labanan na siya namang mas lalong ikinagalit ni Kynos at Xera, nang mapagtanto ang masaklap na sinapit ni Sunshine. Even if Xera and Sunshine are not related by blood, they had shared the same love for their father. They had the same selfish goal since the day that they were just a child. They were sisters but they had fought like great rivals. And now, there was no Sunshine. No more sister to be teased with, no more rival to challenged with, and no more Shine to be in her life.

Kynos couldn’t bear the pain of losing another daughter again in only a short moment. Not Sunshine. Not her.

But what was done was already done. She was turned into stone and there was nothing left to do but to accept her cruel fate. But it didn’t mean that he could not make his revenge for her. He made this war for his own kind and for his family.

Pero saan ba ang paghihirap niyang ito kung mawawala din naman pala ang kanyang mga minamahal sa buhay?

What was the good in a victory if there was no one there to share with?

Sa sobrang gigil, lumiko si Xena papunta sa gawi nila Fate pero mabilis din siyang naharang ni Xien samatalang nahihirapan naman si Ayden na harangan si Kynos.

Unti-unti na siyang nagiging taong isda. Nagkakaroon na siya ng mga kaliskis at ilang minuto na lang, tuluyan na siyang magiging sireno.

Isang hindi magandang eksena para sa mga oras na ‘to.

Damn his nephew! Wala pa rin hanggang ngayon.

Umiiyak pa din si Fate habang unti-unti naman siyang nagbabago ng anyo.  Nagiging ahas na naman ang kanyang mga buhok katulad ng mga eksena noon sa garahe nang hindi niya sinadyang gamitan ng kapangyarihan si Jake.

“I’m so sorry, Shine,” pilit na ibinubulong ni Fate at nagbabakasakali na maranig pa din siya ng kanyang matalik na kaibigan.  Wala ng init ang kanyang matigas na katawan. Wala ng maramdaman si Fate kundi ang lamig ng batong kanyang niyayakap. Ang taong pinakamahalaga sa kanyang buhay ay hindi na niya makakausap pang muli. Wala na ang taong palaging nagbibigay sa kanya ng liwanag sa dilim.“Hindi ko sinasadya Shine. Hindi ko talaga sinasadya.”

“Tama na ‘yan,” seryosong utos ni Jewel sa kanya sabay hablot ni Fate papalayo sa bato. “Wala ka ng magagawa pa. Huwag mong iyakan ang taong ang ginusto lang ay patayin ka.”

Gusto sanang lumingon ni Fate pero hindi niya magawa. She had felt those snakes on her head. She was turning into a gorgon again. ‘Yung boses na naman ‘yun, kanina pa niya naririnig pero hindi pamilyar sa kanyang pandinig. Gusto niyang makita ang babaeng ito na para bang balewala sa kanya ang isang pakikipagkaibigan.Sino ba siya sa akala niya?

Siguro nga, hindi naging isang mabuting kaibigan sa kanya si Sunshine, pero sa loob ng maraming taon, minahal niya ang babaeng bato na ngayon. At kahit pa sabihin ng lahat na huwag iiyakan ni Fate ang isang kaibigang ipinagkakaluno siya sa mga kalaban, ay hindi pa din mawawala sa kanyang puso kung gaano niya kamahal si Sunshine.

ADK II: Cupid's Slave (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon