Chapter 5: The First Victim

4.2K 115 22
                                    

Napatulala si Fate sa desk niya nang wala sa oras. Sa dinami-daming pwedeng maging Boss, bakit si Ayden pa?

To think of it, pinagtatarayan pa niya ng bongga ang lalaking ‘yun kagabi. Napatutop sa noo si Fate  sa nangyari, natatakot siyang baka pagdisketahan siya ni Ayden sa trabaho.

Pero hindi, sabi ng isipan niya. Hindi ganoong klaseng lalaki si Ayden. He was very kind to her last night. Impossibleng sa trabaho siya gaganti sa pagiging rude niya kagabi.

Pero masisisi ba ni Fate ang sarili niya? It was her defense mechanism towards guys. She never trusted a man before except for her loving father. He was a mortal. But he loved his Gorgon mother so much that he accepted her with all of his heart.  Pero ang ganung klaseng lalaki na kagaya ng ama niya, minsan lang sa isang milyong taong nabubuhay sa mundo.

Habang tumatagal, mismong mga mortal, natural na ang pagiging mapanghusga.

Teary-eyed, Fate missed her dad. Pero bata pa lang siya nang mamatay ang parehong mga magulang niya. It was all her fault. If it wasn’t for her, they’re still alive.

“Fate! Why didn’t you tell me about Sir Hunter last night?”,  back to reality, ito na naman si Sunshine, nangungulit sa kanya. Breaktime nila, at pareho silang kumakain sa cafeteria. Alam niya ang ibig sabihin ng bestfriend niya. Tungkol sa pagkatao ni Ayden.

Sir na tawag mo ngayon pagkatapos mo siyang i-flirt kagabi sa pintuan ng condo ko?”, Fate teased her habang sumusubo ng chocolate cake. Natatawa siya habang unti-unting namumula ang pisngi ng matalik niyang kaibigan. She had sensed a feeling of guilt towards her bestfriend.“Pareho lang tayo Shine. Hindi ko alam na siya ang Boss natin.” Kung alam lang ni Fate, hindi sana siya nagpahatid, hindi sana niya kinausap, at mas lalong hindi niya dapat tinarayan ang isang ‘yun.

Pero nagawa na niya.

“FYI, I didn’t flirt with him. I’m just being friendly with Mr. Wine. Ang swerte mo naman Fate. Biruin mo, isang Mr. Hunter ang nagsundo sa ‘yo kagabi!”, Halata sa mga mata ni Sunshine ang kilig. Minsan hindi din maisip ni Fate kung paano sila nag-click ng babaeng ito. Shine was the jolly one while she’s the opposite. She lived life with anger and fears while her bestfriend, lived her life to the fullest. Happy-go-lucky chick na mahilig mag-explore sa buhay… kung saan siya masaya doon siya at wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng iba. “Ang gwapo niya talaga kanina. Grabeh! Big time pala si Ayden!”

“Sshhhhh! Hinaan mo nga boses mo Shine!”, Palinga –linga pa sa paligid at baka may makakarinig sa mga pinag-uusapan nilang dalawa. Fate knew already that Ayden was not an ordinary man. Halata naman sa kotse niya kagabi. Pero ang akala niya, isa lang itong spoiled brat na anak ng super rich man. She didn’t think na isa itong businessman. Isang bigating businessman. Wala kasi sa itsura niya at porma kagabi.

Pero may kakaiba. Lalo na at alam nito kung ano tunay na pagkatao niya.

Iniisip tuloy ni Fate na si Ayden, hindi din isang ordinaryong nilalang kagaya niya. Hindi niya ma-explain kung paano natalo ng isang hamak na tao ang mga Gorgons kagabi.

Meron talagang kakaiba. Hindi niya alam kung ano ‘yun pero parang may nag-uudyok sa isipan niya na alamin ang misteryo ng lalaking ‘yon.

Ang tunay na pagkatao ng Mr. Clyde Ayden Hunter.

So tell me Fate. Nag-uusap na ba kayo? O ano? Binati ka na ba niya? Ano Fate? Magsalita ka.”

“Wala. Hindi pa kami nag-uusap at sa tingin ko, wala siyang rason para kausapin ako.” Yung lang ang sinagot niya. Para tumahimik si Sunshine. “Let’s not talk about him.”

ADK II: Cupid's Slave (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon