Chapter 29: Longing to Forever

3.2K 105 4
                                    

There was no time to waste. He needed to choose between the two, but Ayden couldn’t do what he required to do. There must be another way to solve this.  

But how?

Daig pa niya ang nasa isang mainit na sitwasyon na kahit anong tatahakin niyang desisyon, hinding hindi niya ikasasaya sa huli bagkus magiging panibagong bangungot na naman ito sa kanyang buhay. He had enough nightmares in his life, and he didn’t desire for a new one. Kailangan niya mag-isip nang mabilis at isang planong gagana sa sitwasyong ito.

Masyadong malalim ang kinaroroonan nilang tatlo. Kahit pa lalanguyin niya pareho paitaas, sigurado si Ayden na hindi pa silang tatlo makakaahon, mawawalan na ng hininga sa ilalim ng tubig sina Fate at Jewel, not a good idea at all.

Si Ivan kahit kailan, hindi nag-iisip masyado. Isa lang talaga ang sinagip. Pero hindi ito ang tamang oras para manisi ng iba. Nandito na sila sa sitwayong ito kaya kailangan na niya mag-isip ng isang magandang plano.

Hindi din niya aakalain na mabilis masira ang salamin ng bahay niya. Isang bahay na regalo mismo sa kanya sa isang Diyos, ngayon ay tuluyan ng naglaho sa kanyang harapan.

Tumatakbo ang oras nang mabilis pero ayaw niyang mamili sa kanilang dalawa. Kahit sino sa kanila nina Fate at Jewel pa ‘yan ay may karapatang mabuhay nang malaya at wala siyang karapatang maghusga kung sino ang mabubuhay o hindi. Ayaw niyang mamili at mas lalong ayaw niyang may mamatay nang dahil sa kanya, dahil wala siyang ginawa, kagaya noon.

Sa isang huling natitirang kapangyarihan ni Ayden, gumawa siya ng dalawang bula para sa dalawang babaeng ito. Kailangan niyang sagarin ang kanyang kapangyarihan para sa ikaliligtas ang dalawang babaeng nangangailangan ng kanyang tulong.

Pero kahit di Ayden ay umaabot din sa hangganan ng kanyang limitasyon. He had no powers left and he was not so sure anymore if he had enough for the both of them.

Hinayaan niyang mahulog sina Fate at Jewel pagkatapos niyang bitawan ang mga kamay nito. Unti-unti silang nalulunod lalo sa kadiliman ng karagatan habang si Ayden naman ay nagsisimulang gumawa ng kakaibang ritual. Tanging ang kapangyarihan lang ni Ayden ang nagbibigay ilaw sa kadiliman ng buong lugar, ganun na sila kalalim sa karagatan.

Naguguluhan si Fate pagkatapos siyang bitawan ni Ayden. There was no more air left in her lungs to breathe in. Pareho sila ni Jewel na desperadong makalanghap ng hangin. Kahit kaunting hangin lang para sila mabuhay. They kept on falling down into the darkness, na mas lalong nagbigay ng sobrang takot kay Fate. Ayden must have a plan kaya sila binitawan.

Ang isang Ayden ay hindi basta-basta mang-iiwan sa ere para iligtas ang sarili. He knew him too well.  She was so damn afraid and yet there was nothing that she could ever do about it. Naramdaman niya ang paghawak ni Jewel sa kanyang kamay, soothing her, kahit na alam naman nilang dalawa na baka dito na silang mamamatay. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit wala siyang maramdaman na pagkainis sa babaeng ito kahit na dala-dala niya ang mukha ni Nimfa na siyang pinakaiibig ni Ayden noon.

She took a glance again to Ayden. Hindi man lang sila nito tiningnan sa baba.

No. Ayden couldn’t leave them here but she saw how weak he was. Ramdam niyang hindi kaya ni Ayden ang iligtas silang dalawa.  Pilit ngumiti si Fate kay Jewel na para bang tanggap na tanggap na ang kanyang tadhana. Napahanga si Fate sa ginawa ni Jewel. Okay lang sa kanya ang mamatay at tanggap na niya ito.

Pero siya? Ayaw pa niya.

Fate wanted to be with Ayden for a while. Kung selfish na ang paghahangad ng ganun, siguro nga ay selfish siya. But all she ever wanted was an instance with him to remember, a moment that she could treasure of, and a time that she longed for.

ADK II: Cupid's Slave (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon