Chapter 21

18K 571 122
                                    


Sa mga nagtatanong po kung bakit pinapa-kumplikado pa nila ang lahat kung isang kasunduan lang naman iyon, tandaan po natin na ito ay isang fantasy fiction. May mga bagay dito na ginawa kong iba sa totoong buhay; at may mga bagay na ginawang mas importante kesa sa atin sa realidad - isa na dito ang paggawa ng isang kasunduan. Diba may mga consequences when you failed to do your part of the deal? :-))

And I made it clear na naman sa past chapters kung gaano nga ka-importante ang paggawa ng isang deal para sa kanila :)  Let's just put ourselves in their shoes na lang c:


Hihi yun lang sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. I think long chapter siya hahaha medyo napiga ang utak ko dito hehe sana nandito na ang mga sagot sa tanong niyo! :)

JUST TO BE CLEAR: Series of happenings po ito. Katulad ng ginawa ko sa back story ni Daehyun 

 彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ


●~*  A Queen's Tale ●~* 



"Isang babae lang naman ang kukunin natin pero bakit di pa tayo nagtatagumpay?! Ang tagal na nating ginagawa ito ah!" napalundag ang batang babae nang narinig niya ang biglang paghampas ng kung anong bagay sa lamesa. Sobrang nakakatakot ang boses ng papa niya.


Ibinalik niya sa pagkakadikit ang kanyang tenga sa pintuan ng kwarto na kung saan madalas na nag-uusap usap ang mga 'Warriors' ng kanilang mundo at ang kanyang mga magulang na kasalukuyang hari at reyna.


"Ilang dekada. Ilang dekada nang madilim ang ating mundo. Hindi ba kayo nagsasawa?! Nagawa na ito dati ng mga ninuno natin; nagawa nilang paliwanagin ang mundong ito at alam kong magagawa rin natin iyon." pagpapatuloy ng boses ng kanyang papa. "Gusto ko lang maiparamdam sa mga anak ko kung paano mabuhay." 


"Huy, Lala, anong ginagawa mo diyan?" tumingin siya sa pinanggalingan ng boses ng isang batang lalaki. 


Agad na ipinatong ni Lala ang kanyang daliri sa kanyang labi para patahimikin ang kanyang kuya, at minotion na lumapit sa kanya. Tumabi sa kanya ang kuya at idinait din ang kanyang tenga sa pintuan.


"Hindi mo ba alam kung bakit wala nang nagtangkang ulitin ang ginawa nila dati? Kung bakit hindi ginawa ng mga magulang natin ang pagkuha o pagpunta man lang sa mundong iyon?" boses ng kanilang mama. "Maraming namatay. Masyadong maraming mga bagay doon na kayang kontrolin ng kanilang elemento. Sinuwerte lang ang mga ninuno natin noon dahil walang kasamang bantay ang babaeng kinuha nila."


Kumunot ang noo ni Lala. Ito ba yung naririnig niyang kinukwento ng kanilang mama bago sila matulog? Na dati, ang mundong tinitirhan nila ngayon ay nagkaroon ng liwanag. Tulad ng liwanag na mayroon sa kabilang mundo. May mga puno, ulap, tubig, at pantay lang ang liwanag at dilim.


Tulad ng kanyang papa, pinapangarap din niya ang liwanag na iyon. 


Nakinig lang silang dalawang magkapatid sa pag-uusap ng kanyang mga magulang at ng mga tauhan nila. Pinipilit ng kanyang papa na sumugod sa kabilang mundo pero panay naman ang pagpipigil ng kanyang mama.


Nang naramdaman nilang malapit nang matapos ang pag-uusap ng mga nasa loob ng kwarto, agad nang tumayo ng maayos ang kanyang kuya at hinila siya palayo pero nagawa pa rin niyang marinig ang huling sinabi ng kanyang mama.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon